You are on page 1of 2

Danilo Caparas

T: Maari mo bang sabihin ang iyong pangalan, edad, civil status, at lugar kung saan
ka nakatira at iyong trabaho?
S: Ako po si Danilo Caparas, 43 taong gulang, single, Anacleto St., Tondo, Manila
T: Sino ang kasama mo sa iyong tinutuluyan?
S: Tiyo ko po. Si Roger Salalila.
T: Ikaw ba si Danilo Caparas na siyang akusado sa kasong ito?
S: Opo, sir.
T: Alam mo ba na ikaw ay inakusahan ng kasong ATTEMPTED HOMICIDE?
S: Opo sir.
T: Ano ang masasabi mo sa kasong isinampa laban sayo?
S: Hindi ko po ginawa.
T: Nasaan ka noong ika-8 ng Hulyo 2009 sa bandang 9:00 ng gabi?
S: Nasa may Blumentritt po, nangangalakal ng mga plastic at mga bakal.
T: Sino ang kasama noong araw na iyon?
S: Si Alberto Caparas, 48 taong gulang, pero naghiwalay po kami noong araw na
iyon.
T: Ano ang relasyon mo kay Alberto Caparas?
S: Pinsan ko po.
T: Kilala mo ba si JAIME HICANA y ELNAR ang taong nagsampa ng reklamo laban
sayo?
S: Opo, sa mukha lang po.
T: Paano mo siya nakilala?
S: Siya po ay kapitbahay ko.
T: Gaano kalayo ang tinitirhan mo sa bahay ni JAIME HICANA y ELNAR ang taong
nagrereklamo sayo?
S: Tatlong bahay po ang pagitan.
T: Sa iyong palagay, bakit ikaw ang tinuturong gumawa ng krimeng ito?

S: Hindi ko po alam, sir.


T: Ikaw ba ang gumawa ng krimeng pananakit at tangkang pagpatay kay Jaime
Hicana?
S: Hindi po.
T: Ano masasabi mo sa alegasyon ni Jaime Hicana na inutusan ka raw ng iyong amo
para patayin siya?
S: Hindi po.
T: Ano ang gusto mo mangyari sa kasong ito?
S: Tulungan nyo ako. Gusto ko na lumaya.

You might also like