You are on page 1of 34

Pagtawag ng Instruktor

Running head: EPEKTO NG PAGTAWAG NG INSTRUKTOR


Epekto ng Pagtawag ng Instruktor sa mga Mag-aaral ng SABM sa SLU

Bautista, Rochelle P.
Curammeng, April Law U.
Galera, Gilson Joseph G.
Mauricio, Machiavelli Jeremia A.
Olanio, Jeanette D.
San Andres, Celine H.
Velaque, Fredalyn Joy S.

Paaralan ng Pagtutuos at Pamamahalang Pangnegosyo (SABM)


Unibersidad ng San Luis

Amparo E. Cato
(Instruktor)

Isang Kahingian sa Asignaturang Filipino 2


(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Hulyo 2, 2015

Pagtawag ng Instruktor

Abstract
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng pagtawag ng Instruktor sa mga mag-aaral ng
Paaralan ng Pagtutuos at Pamamahalang Pangnegosyo (SABM) sa Unibersidad ng San Luis
(SLU). Ang mga kasangkot ay animnapung (60) mag-aaral na nasa una at ikalawang taon na.
Ang pamamaraang ginamit sa pagsusuri ay Palarawan o Deskriptiv. Natuklasang ang
pangunahing nararamdaman ng mga mag-aaral kapag tinatawag ng Instruktor ay kinakabahan.
Dumarami ang natatawag na mag-aaral dahil sa kawalan ng disiplina. Ang dalawang
pangunahing sanhi ng pagtawag ng Instruktor sa mag-aaral ay kaingayan at paggawa ng bagay
na hindi nagustuhan ng Instruktor. Upang makaiwas ang mag-aaral sa negatibong epekto ng
pagtawag ng Instruktor, dapat ay makinig nang mabuti sa Instruktor at gawing aral ang mga payo
ng Instruktor.

Susing salita : mag-aaral, Instruktor, pagtawag, epekto, nararamdaman, dahilan

Pagtawag ng Instruktor

Epekto ng Pagtawag ng Instruktor sa mga Mag-aaral ng SABM sa SLU


Sa loob ng isang silid-aralan, ang Instruktor ang itinuturing nating pangalawang magulang at
sila ang may hawak ng kapangyarihan para disiplinahin ang mga mag-aaral sa mabuti at
marespetong paraan. Sila rin ang mga gabay ng mga mag-aaral para makamit nila ang kanilang
mga mithiin sa buhay. Kapag ganito ang paraan ng pagdidisiplina ng Instruktor, makabubuo sila
ng positibong awra sa loob ng klasrum. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang
komunikasyon ng Instruktor at mga mag-aaral.
Karamihan sa mga Instruktor ang gumagamit ng ibat ibang paraan upang mapanatili ang
aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. Isang paraan ay ang pagtawag sa mga mag-aaral
upang makilahok sa mga aktibidad ng klase. Hindi rin maiiwasan ang simpleng pagtatanong ng
Instruktor sa mga mag-aaral para malaman nito kung may natutunan ang mga ito ngunit sa
paraang ito, may mga bagay din na dapat isaalang-alang ng Instruktor. Ang pagsiguro na
binibigyan ng pantay na oportunidad ang bawat mag-aaral upang makasagot at ang paglaan nito
ng sapat na oras para makasagot ang mag-aaral. Dapat hindi lamang ang mga nakakaangat sa
klase ang pinapaburan ng Instruktor sapagkat ang pagbibigay atensyon sa bawat mag-aaral sa
loob ng silid-aralan ay maaaring makatulong upang mapalakas ang loob ng mga ito.
(http://www.ascd.org/publications/books/105124/chapters/Developing_Positive_TeacherStudent_Relations.aspx)
Ang diskusyon sa silid-aralan ay ang pinakamadalas na ginagamit na estratehiya para sa
Aktibong pag-aaral. Subalit, iniisip ng mga Instruktor ang mga mag-aaral na hindi
nagpapartisipa. Sila ay nangangamba na ang mga mag-aaral na hindi sumasali sa diskusyon ay
mas kaunti ang kalidad ng kanilang karanasan sa pag-aaral. Gayunpaman, pinag-iisipan pa rin ng

Pagtawag ng Instruktor

mga Instruktor kung sila ay magtatawag ng mga mag-aaral na hindi nagtataas ng kamay. Ang
ibang Instructor ay iniiwasan ang ganitong pagtawag sapagkat sila ay natatakot na mapahiya
hind imaging komportable ang mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Ang pag-aaral na ito ay
tinitingnan ang epekto ng cold-calling at ang magiging sitwasyon ng mag-aaral sa loob ng
silid. (http://jme.sagepub.com/content/37/3/305.abstract)
Ayon kina ODonnell, et al. (2011) ang karaniwang tanong ng ibang mga Instruktor ay pangmababang tanong o mga madadaling tanong na may mga magandang maidudulot. Binibigyan
tayo ng pananaw sa kaalaman ng mga mag-aaral at mga maling pagkakaintindi tungkol sa paksa,
gumagawa sila ng paraan para makuha at mapanatili ang atensyon ng mga mag-aaral sa leksiyon
na nagaganap, tinutulungan tayo upang malaman kung natututunan ng mga mag-aaral ang
leksiyon o paksa, binibigyan nila ang mga mag-aaral ng opurtunidad upang bigyang pansin ang
kanilang pagkakaintindi para makita kung naintindihan nila ang mga impormasyon na
ipinapakita o kailangang humingi ng tulong o kaliwanagan at tanong tungkol sa mga nakaraang
napag-aralan na maaaring itaas ang pagbabalik tanaw sa paksa sa susunod na araw.
Ayon naman kay Delos Trino (1997), natatawag ang mga mag-aaral dahil lumalabag sila sa
tinatawag na rules and regulations sa kanilang paaralan. Dahil dito, maraming Instruktor ang
nahihirapan kung paano nila mapanghahawakan at mapigilan ang lumalalang sitwasyon.
Ayon naman kay Ormrod (2001), nagtatanong ang mga mag-aaral ng mga tanong na
kumukuha ng impormasyon na hindi naipresenta. Ang mag-aaral lamang ay sumusubok na
paliwanagin ang mga paksa. Ang mataas na lebel naman ng pagtatanong ay pinapaisip ang mga
mag-aaral na magbigay ng impormasyon sa mga napag-aralan na mas malalim pa kaysa sa tinuro
ng Instruktor. Tinatanong din nito ang mga mag-aaral na gumawa ng sariling halimbawa tungkol
sa paksa para masagot ang mga tanong at ipunin ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman.

Pagtawag ng Instruktor

Ayon ulit kay Ormrod (2001) , maaaring magsilbing tagapayo nila ang kanilang mga
Instruktor sa mga bagay na gumagambala sa kanila at paano nila maitatama ang kanilang mga
kamaliang nagawa. Ang pakikipag-usap ng ganito sa mga estudyante ay isang mabisang paraan
upang mas mapatatag ang magandang relasyon sa pagitan ng Instruktor at ang kaniyang mga
mag-aaral at para rin makilala ng Instruktor ang mga katangian at ibat ibang karanasan ng
kanyang mga mag-aaral.
Maaari ring matawag ang isang mag-aaral dahil sa kanyang angking talento at abilidad.
Kapag nabigyan sila ng atensyon ay mas lalo pa nilang pagbubutihin at mas lilinangin pa nila
ang kanilang mga abilidad. Sa ganito ring paraan, maaari rin nilang maimpluwensiyahan ang
kanilang mga kamag-aral para ipakita at linangin ang kanilang mga talento. Ang dapat gawin ng
Instruktor ay ang maniwala sa mga kakayahan ng mga mag-aaral na ito sapagkat ang suporta ng
Instruktor ay sapat na upang gawin ng bawat mag-aaral ang kanilang mga tungkulin.
Ang iba namang Instruktor ay nagpapatawag ng mga mag-aaral para kumustahin at mangalap
ng mga opinyon kung may gusto silang baguhin sa paraan ng pagtuturo nila na nakakaapekto sa
pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral. Nakakatulong ito sapagkat mas nakikilala nila ang bawat
isa at mas nailalabas nila ang mga sarili nilang saloobin sa klase na nagiging dahilan ng
pagbabago ng mga ugali nila. Ang iba namang pinapatawag ng Instruktor ay ang mga mag-aaral
na may maling nagawa dulot ng kakulangan ng gabay ng magulang o dulot ng masamang mga
barkada. (http://www.quora.com/How-do-the-best-teachers-speak-to-students-or-praise-them-toencourage-learning-effort-motivation-and-curiosity)
Ang kahalagahan ng pananaliksik tungkol sa mga Epekto ng Pagtawag ng Instruktor sa
lungsod ng Baguio ay upang magkaroon ng mga batas at ordinansa para disiplinahin ang mga

Pagtawag ng Instruktor

bata, mag-aaral, at mga Instruktor sa bawat eskwelahan, pamantasan at kolehiyo na nasa


lungsod.
Sa Unibersidad ng San Luis, binibigyang halaga ang mga maaaring maging epekto ng
pagtawag ng Instruktor na maaaring magbunga ng hindi pagkakaintindihan ng mga mag-aaral at
ng Instruktor. Kapag walang pagkakaintindihan sa isang unibersidad, bababa ang kalidad nito at
maaari ring hindi na tangkilikin ng mga mag-aaral.
Sa Paaralan ng Pagtutuos at Pamamahalang Pangnegosyo (SABM), makatutulong ang
pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbigay ng impormasyon tungkol sa pagtawag ng
Instruktor sa mga mag-aaral upang sa ganoon ay malaman at maipahayag ang mga saloobin at
karanasan ng mga mag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay maaaring matuto kung paano sila makakaiwas sa mg pagtawag ng
kanilang Instruktor at sa mga epekto nito. Magpapakita rin ito ng mga payo o paraan kung ano
ang kanilang gagawin sakaling matawag sila ng Instruktor.
Sa mga mananaliksik, maaaring malaman ang mga epekto ng pagtawag ng Instruktor sa mga
mag-aaral. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mananaliksik at ito ay maaaring maibahagi
sa ibang tao.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga ibat ibang epekto ng
pagtawag ng Instruktor sa mga mag-aaral at kung anu-ano ang mga paraan na dapat nilang
isagawa kung sakaling matawag sila ng kanilang Instruktor.
Ninanais ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga pakiramdam ng mga mag-aaral ng SABM kapag tinatawag ng
Instruktor?
2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit pinapatawag ng Instruktor ang mga mag-aaral ng
SABM?

Pagtawag ng Instruktor

3. Anu-ano ang mga epekto sa mga mag-aaral ng SABM kapag tinatawag ng Instruktor?
Metodo
Ang pangunahing layunin ng seksyong ito ay mailarawan ng detalyado kung paano isinagawa
ang pag-aaral.
Kasangkot sa Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng animnapung (60) mag-aaral mula sa Paaralan ng
Pagtutuos at Pamamahalang Pangnegosyo (SABM) sa Unibersidad ng San Luis. Ang mga
kasangkot ay napili batay sa kanilang taon lamang at hindi sa kanilang kurso, kasarian o edad.
Tatlumpung (30) mag-aaral ang napili sa unang taon at tatlumpung (30) mag-aaral din sa
ikalawang taon. Napili ang mga kasangkot para malaman ang kanilang mga nararamdaman
noong tinawag sila ng kanilang Instruktor.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang napiling disenyo ng pananaliksik ay ang Palarawan O Descriptiv sapagkat saklaw nito
ang kasalukuyan. Pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang epekto ng pagtawag ng Instruktor sa
mga mag-aaral sa Paaralan ng Pagtutuos at Pamamahalang Pangnegosyo (SABM).
Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay sinimulan sa pagpili ng paksa na pag-aaralan. Ang mga impormasyon
sa paksa ay kinalap mula sa ibat ibang aklat sa silid-aklatan ng Saint Louis University-ain
Campus at sa tulong din ng nternet. asunod nito ay ang paggawa ng mga talatanungang maaaring
makatulong sa pag-aaral. Ang mga datos ay nakalap mula sa kasangkot na nasa AVR, lobby,
dormitoryo, at sa mga silid-aralan ng SABM.
Paglalahad ng Resulta

Pagtawag ng Instruktor

Sa bahaging ito, ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral ay isa-isang sasagutin at


tatalakayin ayon a pagkasunod-sunod nito. Ang mga datos na maingat na nasuri at nabigyan ng
karampatang puntos ay ilalahad sa tulong ng bar grap na ginamit ng mga mananaliksik. Ang mga
ito ay nilapatan ng interpretasyon bilang paliwanag sa mga nakalagay na grafik na pantulong.

16
14
12
10
8
6
4
2
0

12

Unang Taon
Ikalawang Taon
1514
9
4

7 6

1.

6 5
1

Ano
ang dahilan ng pagdami ng natatawag na mag-aaral ng nstruktor?

Sa unang taon, pinakamarami ang sumagot sa kawalan ng disiplina na mayroong bilang na


labinlima (15). Pumapangalawa rito ang pagkakaroon ng mababang grado na mayroong
labindalawang (12) bilang. Pangatlo ang sagot na may nagawang masama ang mag-aaral na

Pagtawag ng Instruktor

mayroong siyam (9) na bilang. Sumusunod dito ang madalas na pagliban sa klase at ang
katamaran ng mga mag-aaral na mayroong bilang na walo (8). Panghuli ay ang sagot na
kagustuhan lamang ng Instruktor kaya pinapatawag nila ang mga mag-aaral na mayroong apat
(4) na bilang.
Kagaya sa unang taon, pinakamarami rin ang sumagot sa kawalan ng disiplina ng mga magaaral na mayroong labing-apat (14) na bilang. Pangalawa ang pagkakaroon ng mababang grado
at katamaran na mayroong siyam (9) na bilang. Pangatlo ang madalas na pagliban ng mga magaaral na mayroong anim (6) na bilang. Lima (5) naman ang sumagot na may ipapagawa ang
Instruktor; Dalawa (2) sa kagustuhan lamang. Panghuli ay may nagawang masama na mayroong
isang (1) boto.

Pagtawag ng Instruktor

10

2.

Unang Taon
25
20

Ikalawang Taon

21
19

15
10
5
0

3
0

4
1 1

4
1

1
0

2 2

1
0

Ano ang iyong pangunahing nararamdaman kung ikaw ay tinawag ng Instruktor?

Sa unang taon, labinsiyam (19) na mag-aaral ang nakakaramdam ng kaba sa tuwing tinatawag
ng Instruktor. Pumapangalawa rito ang pagkatakot na mayroong apat (4) na bilang. Pangatlo ang
sagot na nakararamdam ang mga mag-aaral ng pagkalito na may dalawang(2) bilang at dalawa
ring mag-aaral ang sumagot na wala sa pagpipilian, naiiyak at mas lalo raw na ayaw sagutin ng
mag-aaral ang mga tanong. Sumusunod dito ang mga sagot na napapahiya, namemental-block,

Pagtawag ng Instruktor

11

nagmamalaki, at nagpapawis na may isang (1) bilang. Wala namang sumagot na ang mga magaaral ay natutuwa at naiihi kapag tinawag ng Instruktor.
Sa ikalawang taon, pinakamarami rin ang sumagot sa kinakabahan na mayroong dalawamput
isang (21) bilang ng mag-aaral. Pangalawa ang sagot na may apat (4) na bilang, namementalblock. Pangatlo ang pagkatuwa na mayroong tatlong (3) bilang. Tigdalawa naman ang sumagot
sa naiihi at nalilito; Isa (1) sa napapahiya at natatakot. Walang mag-aaral ang sumagot sa
nagpapawis.

Pagtawag ng Instruktor

12

3.

A-para pahiyain, pagalitan, o pagsabihan


B-dahil may nagawang hindi nagustuhan ng Instruktor
C-dahil natutuwa sa iyo ang Instruktor
D-dahil may iuutos ang Instruktor
E-dahil may gusto sa iyo ang Instruktor
F-ibang sagot
15

Unang
Taon
14

10

Ikalawang Taon
11

5
0

11

2
A

3
B

3
D

3
E

4
1
F

Ano ang dahilan ng pagpapatawag sa iyo ng Instruktor?


Ipinapakita ng grap na ito na labing-apat (14) sa unang taon at walo (8) sa ikalawang taon ang
nagsasabing may nagawang hindi nagustuhan ang mga mag-aaral sa Instruktor; labing-isa (11) sa
unang taon at tatlo (3) sa ikalawang taon ang nagsasabing dahil natutuwa ang Instruktor sa magaaral; labing-isa (11) sa unang taon at tatlo (3) sa ikalawang taon ang sumagot ng dahil may
iuutos ang Instruktor; Dalawa (2) sa unang taon at apat (4) sa ikalawang taon ang sumagot sa
para pahiyain, pagalitan, o pagsabihan; tatlo (3) sa unang taon at sa ikalawang taon ang

Pagtawag ng Instruktor

13

nagsasabing dahil may gusto ang Instruktor sa mag-aaral; at dalawa (2) sa unang taon at sa
ikalawang taon ang nagsabi ng mga sagot na wala sa hinandang pilian.

Pagtawag ng Instruktor
4.

14

Pagtawag ng Instruktor

15

silid-aralan?
Ipinapakita ng grap na ito na siyam (9) na mag-aaral sa unang taon at anim (6) na mag-aaral
sa ikalawang taonang sumagot ng dahil magaling ang mag-aaral; labimpito (17) sa unang taon at
siyam (9) sa ikalawang taon ang sumagot ng dahil maingay ang mag-aaral; anim (6) sa unang
taon at dalawa (2) sa ikalawang taon ang may dahilan na may nagawang masama ang mag-aaral
kaya tinatawag ng Instruktor; dalawang mag-aaral sa unang taon at ikalawang taon ang sumagot
ng dahil papayuhan ang mag-aaral; apat (4) sa unang taon at tatlo (3) sa ikalawang taon ang
paulit-ulit na gumagawa ng kasalanan; tatlong (3) mag-aaral sa unang taon at dalawa (2) sa
ikalawang taon ang hindi natututo sa mga pinapagawa sa klase; siyam (9) sa unang taon at apat
(4) sa ikalawang taon ang may dahilan ng Favoritism; anim (6) sa unang taon at lima (5) sa
ikalawang taon ang hindi nakasagot sa tanong kaya tinawag ng Instruktor; pito (7) sa unang taon
at lima (5) sa ikalawang taon ang sumagot ng binibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga
mag-aaral; at walang nagbigay ng sagot na wala sa ihinandang pilian.

Pagtawag ng Instruktor

16

5.

A-I-"stop" o i-"withdraw" ang asignaturang kinukuha


B-lumipat sa ibang unibersidad
C-tumigil sa pag-aaral
D-tiisin ang Instruktor at ipagpatuloy ang pag-aaral
E-isumbong sa mga opisyales ng unibersidad
F-idemanda o kasuhan sa korte
G-kumunsulta sa guidance cou
18

16
Unang Taon

16

Ikalawang Taon

14

1414

12
9

10
7

6
4
2
0

2
A0

2
B0

1
C0

1
G

J0

Ano ang iyong maipapayo sa mga mag-aaral ng SABM na napagsabihan o natawag ng


kanilang Instruktor?

Pagtawag ng Instruktor

17

Ipinapakita ng grap na ito na dalawang (2) mag-aaral sa unang taon at wala naman sa
ikalawang taon ang pumili sa sagot na i-stop o i-withdraw ang mga asignaturang kinukuha;
dalawa (2) sa unang taon at walang pumili sa ikalawang taon sa sagot na lumipat sa ibang
unibersidad; isa (1) sa unang taon at wala sa ikalawang taon ang sumagot ng tumigil sa pagaaral; labing-anim (16) sa unang taon at pito (7) sa ikalawang taon ang pumili sa sagot na tiisin
ang Instruktor at ipagpatuloy ang pag-aaral; dalawa (2) sa unang taon at isa (1) sa ikalawang taon
ang sumagot ng isumbong sa mga opisyales ng unibersidad; isa (1) sa unang taon at dalawa (2)
sa ikalawang taon ang pumili sa sagot na idemanda o kasuhan sa korte; anim (6) sa unang taon at
isa (1) sa ikalawang taon ang nagsabing kumunsulta sa guidance councelor; siyam (9) sa unang
taon at tatlo (3) sa ikalawang taon ang nagsabing sundin ang guro; labing-apat (14) sa unang taon
at sa ikalawang taon ang pumili ng sagot na gawing aral ang mga pinagsasabi ng Instruktor; at
tatlong mag-aaral ang sumagot na wala sa ihinandang pilian, dalawa (2) sa unang taon ang
sumagot na hayaan na lang at depende kung bakit tinawag ng Instruktor habang isa sa ikalawang
taon ang sumagot na maging responsableng mag-aaral.

Pagtawag ng Instruktor

18

6.

A-makinig ng mabuti sa Instruktor


B-matutong huwag mangamba
C-maging handa sa anumang oras
D-pagtuunan ng pansin ang pag-aaral
E-bigyang oras ang pagdidisiplina sa sarili
20

17
14

15

Unang Taon

Ikalawang Taon
12

10

9
6

5
0

B 0

Paano makaiiwas sa mga negatibong epekto sa isang mag-aaral ang pagtawag ng


Instruktor?
Ipinapakita sa grap na ito na labimpitong (17) mag-aaral sa unang taon at labing-apat (14) sa
ikalawang taon ang nagsasabing kailangang makinig nang mabuti sa Instruktor para makaiwas sa
mga negatibong epekto ng pagtawag ng Instruktor. Labindalawang (12) mag-aaral sa unang taon
at walong (8) mag-aaral sa ikalawang taon ang nagmumungkahi na dapat maging handa sa
anumang oras. Siyam (9) sa unang taon at anim (6) ikalawang taon ang nagsasabing bgyang ng
oras ang pagdidisiplina sa kanilang mga sarili. Anim (6) sa unang taon at pito (7) sa ikalawang

Pagtawag ng Instruktor

19

taon ang nagsasabing kailangang pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral. Siyam (9) sa
unang taon habang walang mag-aaral sa ikalawang taon ang nagsasabi na dapat ay matuto sila na
huwag mangamba.

Diskusyon
Ayon sa nakalap na mga datos, natuklasang kaya dumarami ang mga mag-aaral na tinatawag
ng Instruktor ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral. Ayon kay Delos Trino (1997),
lumalabas na karamihan ng mga mag-aaral ay lumalabag sa tinatawag na rules and regulations
sa kanilang paaralan. Dahil dito, maraming guro ang nahihirapan kung paano nila
mapanghahawakan at mapipigilan ang lumalalang sitwasyon. Ang pagtawag ng Instruktor sa
mga mag-aaral ay dahil sa mababang grado ng mga mag-aaral. Ayon naman kay Malasan (2010,
ang mga mag-aaral mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit bagsak o mababa ang kanilang
mga marka. Ang pangunahing dahilan ay ang katamaran. Mas marami ang mga mag-aaral na
nagiging tamad ngayon kaysa noon. Isa sa dahilan kung bakit tinatamad ang mga mag-aaral ay
dahil sa maraming bagay na kumukuha ng kanilang atensyon gaya ng kompyuter, selpon, at iba
pang makabagong teknolohiya.
Ang pangunahing nararamdaman ng mga mag-aaral sa unang taon at sa ikalawang taon kapag
sila ay tinatawag ng kanilang Instruktor ay magkapareho. Ang mga mag-aaral ay nakararamdam
ng kaba na nagdudulot ng takot at pagkamental-block sa tuwing tinatawag ng Instruktor.
Natuklasang pinapatawag ng Instruktor ang mga mag-aaral dahil may nagawa itong masama.
Ayon sa pag-aaral, ang mga mag-aaral ay pinapatawag upang pagsabihan o pagalitan. Sinasabing
negatibo ang nagiging epekto nito dahil nagiging matatakutin ang mag-aaral at baka maari ding
hindi na pumasok sa paaralan pero sa iba naman ay mas nagiging madisiplina kung sila ay

Pagtawag ng Instruktor
napagsasabihan

sa

kanilang

mga

maling

20

ginawa.

(http://www.estudyanteblues.com.dHM3K71.apuf)
Ayon sa pag-aaral, kaya nagkakaroon ng negatibong epekto sa mga mag-aaral ang pagtawag
ng Instruktor ay dahil natatakot silang mapahiya sa harap ng mga kamag-aral nila. ahit iba ang
ninanais ng Instruktor para sa kanila, napanghihinaan pa rin ng loob ang mga mag-aaral.
(http://www.edutopia.org/blog/asking-better-questions-deeper-learning-ben-johnson)
Sa pagtawag sa mga mag-aaral, dapat isaalang-alang ng Instruktor ang mga mahahalagang
bagay. Ang pagsiguro na binibigyan ng pantay-pantay na pansin at patas na oportunidad sa
pagsagot ang mga mag-aaral. sang problema sa silid-aralan ang favoritism o ang pagkagusto
ng Instruktor sa mag-aaral dahil sa angkin niyang talento. Dahil dito, mas natatawag at mas
napapaboran ang mag-aaral kaya hindi ito isang magandang tanawin sa klase. (Educators Guide
to Preventing and Solving Discipline Problems).
Ang pangunahing dahilan kung bakit tinatawag ng mga Instruktor ang mga mag-aaral sa loob
ng silid-aralan ay dahil sila ay maingay sa klase at pumapangalawang dahilan ay ang katalinuhan
ng mag-aaral. Sa isang silid-aralan, ang Instruktor ang may kapangyarihan para disiplinahin ang
mga mag-aaral sa mabuti at marespetong paraan. Sa ganitong paraan, makabubuo sila ng
positibong awra sa loob ng klasrum at mas magiging maayos ang komunikasyon ng Instruktor at
ang

lahat

ng

mga

mag-aaral.

(http://www.ascd.org/publications/books/105124/chapters/Developing_Positive_TeacherStudent_Relations.aspx)
Upang makaiwas sa negatibong epekto ng pagtawag ng Instruktor ang isang mag-aaral ay
kinakailangang makinig nang mabuti sa kanyang Instruktor at maging handa sa anumang oras.

Pagtawag ng Instruktor

21

Kung ikaw ay nakikinig nang mabuti sa klase, nagsisimula ka ng magproseso sa pag-aaral.


Ang pakikinig ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng respeto sa mga Instruktor. Ugaliing
huwag makipag-usap sa mga katabi o mag-text tuwing klase. Kailangan na maging aktibo at
magpakita ng motibo at respeto, kahit na ang paksa sa klase ay hindi kainte-interesado.
(m.wikihow.com/Get-a-Teacher-to-like-you)
Sa lahat ng oras ay kinakailangan nating maghanda sa klase. Bago magklase ay subukang
buklatin at basahin ang mga aklat o mga notes noon. Siguraduhin din na natapos na ang mga
takdang-aralin at ang mga materyales tulad ng bolpen, lapis, at papel. Maaari din na iayos ang
iyong mesa para ikaw ay magkaroon ng pokus sa sarili. (m.wikihow.com/Pay-Attention-inClass)
Ang pangunahing maipapayo mga kasangkot sa mga mag-aaral na matatawag ng Instruktor ay
dapat tiisin nila ang kanilang Instruktor at ipagpatuloy ang pag-aaral. Karugtong nito ay dapat
gawin nilang aral ang mga payo ng Instruktor sa kanila.
Karamihan sa mga Instruktor ang naniniwala na ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral
ay tungo sa epektibong pag-aaral. Sila rin ang magdidisiplina at gabay ng mga mag-aaral tungo
sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral. (When Teachers Call on Students: Avoidance
Behavior in Classroom)

Pagtawag ng Instruktor

22

Talaan ng Sanggunian
Boynton, Christine at Boynton, Mark (2005). Educators guide to preventing and solving
discipline problems. Houston:Association for Supervision and Curriculum Development.
Dupper, David at Whitted, Kathryn (2007). Student psychology: the growth and development.
New York City: Education and Urban Society.
http://www.edutopia.org/blog/asking-better-questions-deeper-learning-ben-johnson
http://eric.ed.gov/?id=ED479918
http://www.estudyanteblues.com.dHM3K71.apuf
http://jme.sagepub.com/content/37/3/305.abstract
http://nobullying.com/high-percentage-of-teachers-admit-to-bullying-students/
http://www.ascd.org/publications/books/105124/chapters/Developing_Positive_TeachersStudent_Relations.aspx
http://www.greatschools.org/gk/articles/when-the-teacher-is-the-bully/
http://www.quora.com/How-do-the-best-teachers-speak-to-students-or-praise-them-toencourage-learning-effort-motivation-and-curiosity/
Journal of Teacher Education. (1993) Disyembre.
Munn, Thomas et al. (2005). Communicating with students. Chicago: New Education Publishing.
m.wikihow.com/Get-a-Teacher-to-like-you
m.wikihow.com/Pay-Attention-in-Class
Ormrod, Jeanne Ellis (2001). Educational psychology. New York City: Groiler Publishing
House.

Pagtawag ng Instruktor

23

Panuto: Lagyan ng tsek ang napiling sagot. Maaaring pumili ng isa o higit pang sagot.
1. Ano ang dahilan ng pagdami ng natatawag na mag-aaral ng Instruktor?
Dahil sa mababang grado
Kagustuhan lamang
Kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral
Madalas lumiban sa klase
Dahil sa katamaran sa paggawa ng mga requirements
May nagawang masama ang mag-aaral
May ipapagawa ang Instruktor sa mag-aaral
2. Ano ang iyong pangunahing nararamdaman kung ikaw ay tinawag ng Instruktor? (ISANG
SAGOT LAMANG)
kinakabahan
natutuwa
napapahiya
name-mental block
nagmamalaki
natatakot
naiihi
nalilito
nagpapawis
ibang sagot: _____________________________
3. Ano ang dahilan ng pagpapatawag sa iyo ng iyong Instruktor?
para pahiyain, pagalitan, o pagsabihan
dahil may nagawang di nagustuhan ng Instruktor
dahil natutuwa sa iyo ang Instruktor
dahil may iuutos ang Instruktor
dahil may gusto sa iyo ang Instruktor
Ibang sagot: ____________________________
4. Ano ang mga dahilan kung bakit paulit-ulit na tinatawag ang mga mag-aaral sa loob ng silidaralan?
dahil magaling ang mag-aaral
dahil maingay ang mag-aaral
dahil may nagawang masama ang mag-aaral

Pagtawag ng Instruktor
dahil papayuhan ang mag-aaral
paulit-ulit na gumagawa ng kasalanan
di natututo sa klase sa mga pinapagawa
Favoritism
di nakasagot sa tanong ang mag-aaral
binibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga mag-aaral
ibang sagot:______________________________
5. Ano ang iyong maipapayo sa mga mag-aaral ng SABM na napagsabihan o natawag ng
kanilang Instruktor?
I-stop o i-withdraw ang asignaturang kinukuha
lumipat sa ibang unibersidad
tumigil sa pag-aaral
tiisin ang Instruktor at ipagpatuloy pa rin ang pag-aaral
isumbong sa mga opisyales ng unibersidad (dean, punung-guro, presidente ng
unibesidad, atbp.)
idemanda o kasuhan sa korte
kumunsulta sa guidance counselor
sundin ang guro
gawing aral ang mga pinagsasabi ng Instruktor
ibang sagot:_____________________________
6.

Paano makakaiwas sa mga negatibong epekto sa isang mag-aaral ang pagtawag ng


Instruktor?
makinig ng mabuti sa Instruktor
matutong huwag mangambala
maging handa sa anumang oras
pagtuunan ng pansin ang pag-aaral
bigyang oras ang pagdidisiplina ng sarili
ibang sagot:______________________________

24

Pagtawag ng Instruktor

25

PAARALAN NG PAGTUTUOS AT PAMAMAHALANG PANGNEGOSYO (SABM)


UNIBERSIDAD NG SAN LUIS
LUNGSOD NG BAGUIO
Ika-19 ng Hunyo, 2015
Sa mga iginagalang naming kasangkot,
Ang mga mananaliksik ay mga mag-aaral ng Paaralan ng Pagtutuos at Pamamahalang
Pangnegosyo (SABM) ng Unibersidad ng San Luis na nagsasagawa ng isang pananaliksik
tungkol sa Epekto ng Pagtawag ng Instruktor sa mga mag-aaral ng SABM sa SLU bilang
pagtupad sa kahingian sa asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik).
Ang mga mananaliksik ay humihingi ng inyong kaunting oras at tulong para masagot ng
wasto at tapat ang mga sumusunod na tanong upang magkaroon ng tama at sapat na
impormasyong kinakailangan para sa ikatatagumpay ng pananaliksik.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
Mga mananaliksik
Bautista, Rochelle P.

Olanio, Jeanette D.

Curammeng, April Law U.

San Andres, Celine H.

Galera, Gilson Joseph G.

Velaque, Fredalyn Joy S.

Mauricio, Machiavelli Jeremia A.

Pagtawag ng Instruktor

Binigyang-pansin ni:
Amparo Cato
(Instruktor)
CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Gilson Joseph G. Galera
Gender: Male
Date of Birth: Disyembre 15, 1997
Age: 17
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Place of birth: San Fernando City, La Union
Zip code: 2500
Provincial Address: Catbangen, San Fernando City, La Union
Present Address: SLU Maryheights Students Residence Halls, Bakakeng, Baguio City
Religious Affiliation: Baptist
Language Spoken: Filipino, English, Ilocano
Contact Number/s: 0939-239-7197
Email Address: gilsonjgalera@gmail.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
BHC Educational Institution Inc.
San Fernando City, La Union
Hunyo 2004-Marso 2010
SECONDARY:
BHC Educational Institution Inc.
San Fernando City, La Union
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Good Communication Skills
Good and Trusted Researcher
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED
ABCs on Stock Exchange Seminar
Pebrero 2015

26

Pagtawag ng Instruktor
Saint Louis University

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Machiavelli Jeremia A. Mauricio
Gender: Male
Date of Birth: Nobyembre 6, 1996
Age: 18
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Place of birth: Cabanatuan City, Nueva Ecija
Zip code: 3100
Provincial Address: Brgy. Bonifacio Jimenez, Cabanatuan, Neuva Ecija
Present Address: Villanueva Building Room 413, Upper General Luna, Baguio City
Religious Affiliation: Born Again
Language Spoken: Filipino, English
Contact Number/s: 0916-795-4321
Email Address: mac_9560@yahoo.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
Renato E. Herrera Montessori College
Talavera, Nueva Ecija
Hunyo 2003-arso 2009
SECONDARY:
Little Merry Hearts Montessori Center
Hunyo 2009-Marso 2013
TERTIARY:
Bachelor of Science in Marketing-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Hunyo 2013-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Friendly
Basketball Skills
Good and Trusted Researcher
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED
ABCs on Stock Exchange Seminar

27

Pagtawag ng Instruktor
Pebrero 2015
Saint Louis University

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Rochelle P. Bautista
Gender: Female
Date of Birth:Disyembre 6, 1997
Age: 17
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Place of birth: Banaue, Ifugao
Zip code: 3800
Provincial Address: Ubbog, Magsaysay, Tabuk, Kalinga
Present Address: SLU Maryheights Students Residence Halls, Bakakeng, Baguio City
Religious Affiliation: Roman Catholic
Language Spoken: Filipino, English, Ilocano, Tuwali
Contact Number/s: 0916-996-3588
Email Address: altyvi_roch@yahoo.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
Banaue Central School
Banaue, Ifugao
Hunyo 2004-Marso 2010

Good News Christian Academy


Banaue, Ifugao
Hunyo 2002-arso 2004

SECONDARY:
Immaculate Conception School
Banaue, Ifugao
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Good Communication Skills
Can work with minimal supervision
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED
Management Training
Entrep Fever Seminar
Nobyembre 2014
Abril 2015

28

Pagtawag ng Instruktor
Saint Louis University

Saint Louis University

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: April Law U. Curammeng
Gender: Female
Date of Birth: Abril 23, 1997
Age: 18
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Place of birth: Tarlac City, Tarlac
Zip code: 2309
Provincial Address: 146 Zone 2, Brgy. Legaspi, San Manuel, Tarlac
Present Address: Phase 2, Bakakeng Sur, Baguio City
Religious Affiliation: Roman Catholic
Language Spoken: Filipino, English, Ilocano
Contact Number/s: 0905-477-9358
Email Address: abrenica_23@yahoo.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
The Little Shoe Integrated School Inc.
Rosales, Pangasinan
Hunyo 2004-Marso 2010
SECONDARY:
The Little Shoe Integrated School Inc.
Rosales, Pangasinan
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Good Communication Skills
Good and Trusted Researcher
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED
Leadership Seminar
Marso 2014

ABCs Stock Exchange Seminar


Pebrero 2015

29

Pagtawag ng Instruktor
SM City, Rosales, Pangasinan

Saint Louis University

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Jeanette D. Olanio
Date of Birth: August 30, 1998
Civil Status: Single
Place of birth: Baguio City
Provincial Address: Sablan, Benguet
Present Address: Sablan, Benguet
Religious Affiliation: Roman Catholic
Language Spoken: Filipino, English, Ilocano
Contact Number/s: 0912-952-9315
Email Address:
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
Sablan Central School
Sablan, Benguet
Hunyo 2004-Marso 2010
SECONDARY:
Saint Louis School of Sablan
Sablan Benguet
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Good communication Skills
Mathematical Skills
Good and Trusted Researcher
Self-motivated
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED

Gender: Female
Age: 16
Citizenship: Filipino
Zip code:

30

Pagtawag ng Instruktor
Life and Spirit Seminar
Agosto 2014
Sacred Heart Community

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Celine H. San Andres
Gender: Female
Date of Birth: Enero 10, 1998
Age: 17
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Place of birth: Haifa, Israel
Zip code: 3100
Provincial Address: Cabanatuan City, Nueva Ecija
Present Address: Ciudad Grande, Phase 1, Bakakeng, Baguio City
Religious Affiliation: Roman Catholic
Language Spoken: Filipino, English
Contact Number/s: 0916-588-9350
Email Address: celine_said@yahoo.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
The Good Samaritan Colleges
Cabanatuan City, Nueva Ecija
Hunyo 2001-Marso 2010
SECONDARY:
Nueva Ecija High School
Cabanatuan City, Nueva Ecija
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Good Communication Skills
Knowledgeable in basic computer
Self-motivated and hard working
Ability to determine work priorities and meet deadlines
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED

31

Pagtawag ng Instruktor
Management Seminar
Nobyembre 2014
Saint Louis University

ABCs of Stock Exchange Seminar


Pebrero 2015
Saint Louis University

CURRICULUM VITAE
PERSONAL INFORMATION
Name: Fredalyn Joy S. Velaque
Date of Birth: Abril 8, 1998
Civil Status: Single
Place of birth: Baguio City
Provincial Address: #0484 Aguyad, Tadiangan, Tuba, Benguet
Present Address: #0484 Aguyad, Tadiangan, Tuba, Benguet
Religious Affiliation: Roman Catholic
Language Spoken: Filipino, English, Ilocano
Contact Number/s: 0909-814-9201
Email Address: fredalynvelaque@yahoo.com
EDUCATIONAL BACKGROUND
PRIMARY:
Kiwas Elementary School
Tadiangan, Tuba, Benguet
Hunyo 2004-Marso 2010
SECONDARY:
Cordillera Regional Science High School
Wangal, La Trinidad, Benguet
Hunyo 2010-Marso 2014
TERTIARY:
Bachelor of Science in Accountancy-Saint Louis University
Bakakeng, Baguio City
Agosto 2014-present
OTHER SKILLS AND PERSONAL TRAITS
Self-motivated and hard working
Badminton and Volleyball Skills
Friendly and jolly
Good and Trusted Researcher
TRAININGS AND SEMINAR ATTENDED

Gender: Female
Age: 17
Citizenship: Filipino
Zip code: 2603

32

Pagtawag ng Instruktor
Management Seminar
Nobyembre 2014
Saint Louis University

ABCs of Stock Exchange Seminar


Pebrero 2015
Saint Louis University

33

You might also like