You are on page 1of 1

Ang konsepto ng kaginhawaang pangkalooban at pangkaisipan ay may

malawak na kaugnayan hindi lamang sa indibidwal ngunit higit sa kalikasan,


kalinangan, ispiritwalidad, pamilya at pamayanan at sa kung paano nito
naiimpluwensyahan ang indibidwal( SHRG, 2004). Nagsimula ng ituring ng
mga paham sa sikolohiya ang kalusugang pangkaisipan at ang mga kaugnay
na dahilan at mga sintomas nito bilang mga "likhang panlipunan" o social
construction na bahagi ng pagbibigay kahulugan ng mga tao sa mga
nangyayari sa kanilang sarili at kapaligiran (Millon, 1988 binanggit sa ____ ).
Ang pag-aaral ng kaginhawaang pangkaisipan partikular ng kalusugan at
patolohiyang pangkaisipan ay bahagi ng umuusbong na larangan ng
"katutubong sikolohiya" o indigenous psychology. Ayon kay Heelas (1981),
ang katutubong sikolohiya ay pumapatungkol sa mga "kultural na pananaw,
teorya, tunguhin, klasipikasyon, paghihinuha at talinhaga na naka-ugnay sa
mga panlipunang institusyon na sumasaklaw sa mga paksang sikolohikal".
Malawak ang konsepto ng kaginhawaan. Sa ilalim nito ay ang kategorya ng
kalusugang pangkaisipan.

You might also like