May mga taong nagsasaya sa isang bayan. Nagpakita ang mga
kababaihan kasama ang isang magandang babae. Inakit ng babae ang isa sa mga gwardiya. Nauwi ito sa kaguluhan. Nasawi ang babae.
Ang tema ng kwento ay trahediya. Ang babae ay nasawi at nawalan
ng buhay. Sa kasalukuyan, marami rin ang nauuwing pag-iibigan sa trahediya tulad ng kwento sa baley.
Ang kasuotan ng mga tagapalabas ay makulay at maganda. Ang ilaw
ay nakasentro sa mga pangunahing tauhan. Ang kanilang props ay naaayon. Ang entablado ay malaki. Ang mga tauhan ay nagsipaganap ng kanilang mga papel sa kwento.
Para sa akin, ang baley ay maganda sa paraang ito ay nagbibigay ng
aral sa atin. Makukuha natin na ang buhay ay may hangganan. Ang buhay ay mayroong trahediya at kailangan natin itong tanggapin. Sa Carmen makikita ang galing ng mga performer. Ang kanilang mga aksyon ay naaayon.