You are on page 1of 2

Noon, mayroon isang grupo ng mga bata na nakakulong sa isang tore.

Ang tore ay mataas at


malayo sa lupa, binabantayan ng mabangis na dragon. Ang dragon ay mapang-angkin, kaya ang
mga bata ay walang paraang makatakas. Ang tore ay may isang bintana lamang, walang pinto,
at isang lebel. Ang mga bata ay nakakulong ng walang hanggan.
Sa mataas na tore, may dalawang kwarto lamang; isang kwarto puno ng mga kama, at kwartong
puno ng mga libro. Sa paningin ng mga bata, ang kwartong puno ng libro ay walang silbi,
maliban sa isa. Ang isang bata bukod-tangi ay mahilig magbasa. Kapag walang natitirang
gawain, nag-basa siya't nag-basa hanggang nabasa niya na ang bawat libro sa kwarto. May
daan-daang mga libro sa mga pader, ngunit may isang libro lamang na laging nakakuha ng
kanyang pansin.
May isang libro. Isang manipis, at magandang libro. Ito ay merong puti at pulang takip na may
kulay-rosas na mga detalhe. Sa loob ng libro ay isang istorya tungkol sa isang babae at isang
alamat. Ang alamit ay lagi bukod-tangi nakahuli ng kanyang mata. Sabi sa alamat na kung isa ay
gagawa ng isang libong papel na bakaw, isang hiling ay matutupad sa iyo. Mapag-asa ang bata.
Ibig-sabihin ba nun na kung totoo ang alamat, maaari silang maging malaya sa isang libong
papel na bakaw lang? Lumiwanag ang kanyang mga mata sa haka, pero nangkambot
pagkatapos. Pero saan nila makukuha ang lahat ng papel na yun? Tumingin ang kanyang mata
paikot ng kwarto at naghanap ng papel at malalim siyang huminga palabas. Walang pag-asa ito.
Mabilis siyang tumalon pataas sa kanyang apuan para sabihan ang mga iba. Ipinaliwanag niya sa
kanila ang alamat at kung ano ang kinailangan nila gawin para makatakas. Lahat ng kanilang
mga mata ay lumiwanag at lahat sila ay natuwa hanggang ipinaliwanag niya na wala silang kahit
anumang papel. Isang bata at nalito, 'Pero may isa tayong kwartong puno ng papel'. Bumuka
ang mga mata ng taga-basang palaki, 'Gamitin ang mga libro?'
Ang mga bata ay nagmadali papunta sa libraryo at sinimulang punitin ang lahat ng mga pahina
palabas. Ang taga-basa'y umiyak sa dalamhati sa mga punit na pahina ng kanyang mga
paboritong libro. Ang ibang mga bata ay tumawa, naglaro, at gumawa ng mga maliliit na mga
papel na bakaw, nuiypag-usa sa kanilang plano.
Lumipas ang mga araw at ang kanilang layunin ay parang pumunta palayo at palato, ang
kwarto ay nagiging mas-magulo at ang mga bata ay nagiging pagod na. Ang dragon sa labas ay
tumuloy na umatungal at lahat ay pumupunta pababa. Bawat gabi, ang taga-basa ay umuupo sa
tabi ng kanilang tanging bintana at binababa ang kanyang ulo, ibinubulong ang kanyang tanging
hiling,
"Hiling ko na lahat kami ay maging malaya"
Parang wala nang pag-asa hanggang ang susunod na araw.

Maaga sa susunod na umaga, gumising ang mga bata sa tunog ng mga masayang sigaw. Katakataka, tumingin ang mga bata palabas ng kanilang tanging bintana, para makita ang isang
malaking bagay lumilipad sa kabila ng kagiliran.
Nanggagaling sa lumulubog na araw, ay isang grupo ng malaking, lumilipad na mg papael na
bakaw. Nagmukha silang sobrang totoo, sobrang parang buhay. Sa mas-maiging pagtingin,
nakita ang mga bata ang iba pang mga bata na nakasakay sa bawat bakaw. Lumipas sila pababa,
inuumakay ang ibang bakaw sa parehong direksyon . Ang grupo ng mga bardo, salamangkero,
sundalo, kabalyero at iba pa ay lumapit sa dragon ng nakasakay sa kanilang mga bakaw ,
lumalaslas at lumalaban gamit ang lahat nila.
Ang mga tagamalayo ay lumaban at lumaban hanggang sa wakas, natumba na ang dragon ng
may iyak ng hapis. Pumunta sila sa bintana at inilabas ang mga bata, isa't isa. Habang tumalon
ang taga-basa sa ibabaw ng bakaw, tagasakay ay tumalikod at ngumiti "Isa sa mga bakaw niyo
ay lumipad at tinawag kami" tumingin siya patalikod, nalilito. Sa sulok ng kanyang mata,
nakakita siya ng maliit na papel na bakaw, isang pula puti na bakaw, na may kulay-rosas na
pakpak. Bumuka ang kanyang mga mata habang lumipad ang papel na bakaw sa kanyang tabi.
"Ilan kayo?" Tinanong ng taga-basa ng mahinhin, hindi sanay sa paglipad ng mataas.
"Halos isang libo" sumagot siyang masaya, ngumingiti ng magaan, iniikot ang kanyang ulo
pabalik para harapin ang kalangitan sa harap nila. Nagawa nila, sa wakas ay malaya na sila.
Naramdaman ng taga-basa ang hangin sa kanyang mukha, malaya na sila.
Revised by:
Ella Garcia 9D and Andrea Kaye Garcia H3C
HS lb@k
09/20/15

You might also like