You are on page 1of 3

Ignatius Dominic P.

Cumigad

2014-78590

Kas 1

WFW1
Siyudad ng Tuguegarao: A Home for You and Me
Kung papipiliin tayo ng isang bayan o siyudad para sa isang local
history paper, malamang sa malamang, pipiliin natin ang bayan o siyudad
nating kinalakihan o sinilangan. Ganun din ang aking kaso, pipiliin ko ang
siyudad kung saan ako ipinanganak at lumaki, ang siyudad ng Tuguegarao.
Ang siyudad ng Tuguegarao ay isang ikatlong-klaseng siyudad at ang
kabisera ng Probinsya ng Cagayan. Ito ay matatagpuan sa isang tangway
na pinalilibutan ng dalawang ilog: ang Ilog Pinacanauan at ang
pinakamahabang ilog sa Pilipinas: ang Ilog Cagayan. Pinalilibutan din ito
ng tatlong bulubundukin: Sierra Madre sa may silangan, Cordillera sa may
kanluran at Caraballo sa may timog. Ito ay naitatag bilang isang bayan
noong Mayo 1604 at nagging ganap na lungsod noong Disyembre 1999.
Maraming alamat mula sa pinagmulan ng pangalan na Tuguegarao.
Ang isa ay dahil daw sa dami ng puno ng Tarrao sa lugar na ito. Sabi ng
iba ay galling daw ito sa salitang Ybanag na Tuggi na ang ibig sabihin ay
apoy o sunog. Mayroon ding mga nagsasabing galing ito sa dalawang
salitang Ybanag na Tuggi na at Aggao na ang ibig sabihin ay araw, na

tumutukoy sa sa sunog na nangyari sa isang umaga. Ngunit ang


pinakatanggap na bersyon ng ng alamat ng pangalang Tuguegarao ay ang
tugon ng mga Ybanag sa mga Espanyol nang tinanong nila ang pangalan
ng bayan na ito: Tuggi gari yaw, na ang ibig sabihin ay Itong lugar ay
dating natupok ng apoy na kadahilanan ng pagkausbong ng bayang ito.
Pinili ko ang aking siyudad na sinilangan at kinalakihan, ang
Tuguegarao dahil ito raw ay siyudad ng extremes sa larangan ng
temperatura. Dito ang naitala na pinakamainit na temperatura sa buong
Pilipinas na pumalo sa 42.2oC, at tuwing Nobyembre hanggang Pebrero,
sobrang ginaw at kumakagat na lamig na pumapatak sa 12-14 oC.
Bagamat marami ring nagsasabi na urbanisado na ang Tuguegarao,
ngunit iilang barangay lamang ang urbanisado, kasama na ang Poblacion.
Maaari pa ring mamuhay nang rural sa ibang mga barangay na hindi rin
naman kalayuan sa Poblacion. Nabanggit ko ito sa isa sa mga rason
sapagkat marami-marami ring mga pinagkakainteresan na mga lugar dito,
tulad ng Buntun Bridge, na itinuturing pinakamahabang tulay sa buong
Pilipinas (1.124 km) at tanaw dito ang kahabaan ng Ilog Cagayan. Narito
rin ang St. Peter Metropolitan Cathedral na pagkaganda-ganda dahil
katatapos lang na maibalik ang loob nito sa dati nitong anyo.

Sikat din ang Tuguegarao sa uri ng pansit nito: ang Pansit Batil
Patung na binubuo ng atay, dinurog na karne, miki (noodles), ang itlog na
ginawang sabaw (Batil) at ang itlog na ipinapatong sa tuktok (Patung).
Sikat din ito sa mga produktong nanggaling sa Kalabaw (Chicharabao,
Carabao Milk Candy, Carabeef Longganisa, etc.)
Pinili ko ito dahil sa masaya at makulay na piyesta nito. Tuwing
Agosto 16, idinadaraos ang Pav-vurulun Festival, na nanggaling sa salitang
Ybanag na ang ibig sabihin ay Pakikisama o Pagsasama-sama.
Idinadaraos ito bilang pagpupugay kay San Jacinto, ang patron saint ng
siyudad. Nagsasama-sama ang mga Tuguegaraoeos para sa isang
linggong kasiyahan, misa at prusisyon ng patron saint sa ika-16 ng Agosto.
Marami ring mga makukulay, maiingay at masasayang aktibidades tulad ng
Street-Dancing

Competition,

Drum

and

Lyre

Competition,

Miss

Tuguegarao, Pancit Batil-Patung Eating Contests, Trade Fairs at iba pa.


Sa pagkakabalanse ng urban at rural na mga barangay rito,
masasabi mong masarap manirahan dito dahil nandito na lahat, mapakapatagan, kabundukan, at kahit ano pang anyong-lupa at tubig. Sagana
rin ito sa likas na yaman, at tunay nga nating masasabi, na ayon sa city
hymn nito: Tuguegarao City, a beautiful place, a home for you and me...

You might also like