You are on page 1of 2

17 July 2002

MS. LIGAYA C. DEL ROSARIO


No. 25 Visayan Ave.,
Proj. 6, Quezon City
Dear Ms. Del Rosario:
Ang liham pong ito ay sa kahilingan ng inyong kapatid na si LUZVIMINDA
VILLAROSA at ito ay tungkol sa minana ninyong lupa buhat sa inyong magulang o ninuno.
Sang-ayon sa kapatid mong si Luzviminda, kayo raw ay mayroong ibinenta na mga pwestong
minana ninyo na nasa Montalban noong taong siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa at nalaman na
lang niya ito noong siya ay nasa Pilipinas na.
Ang pinagbilhan daw ay sinolo ninyong magkapatid (IMELDA at ikaw) at hindi ninyo
raw siya pinartihan bilang kapatid. Sana naman daw ay inalala ninyo siya at binigyan ng
kanyang kaparte.
Mayroon pa kayong dalawang pirasong lupa na nasa pangalan ng inyong magulang na si
Igmedio Castillo at Lola ninyong Rafaela at ito ay pinag-uusapan ninyo na maipagbili na rin at
hindi naman tumututol ang kapatid ninyong si Luzviminda bagkus pa nga ay ini-encourage kayo
na maipagbili rin ninyong tatlo bilang magkakapatid at makuha niya ang kaniyang kaparte.
Inaasahan din ng opisinang ito na may kasamang babala na huwag na sanang maulit ang
nangyaring pagsolo ninyo sa pagbebenta at pinagbilhan. Katotohanan lamang at katarungan na
yang minana ninyo ay dapat pakinabangan ninyong tatlong magkakapatid batay sa Birth
Certificates at Death Certificates at Tax Declaration ng mga minana ninyong pira-piraso or ibat
ibang lote or lupa na hawak ng opisinang ito.
Sana amging makatotohanan kayo at makatarungan sa isat isa at ang opisinang ito ay
matutulungan kayo sa lahat ng legal na kaparaanan sa pagaalis at pagtatamasa ng iyong mga
minana.
Umaasa ang opisinang ito na magkakaroon kayo ng kauyusan sa mga bagay na ito ayon
sa batas.
Sumasainyo,
JOSE C. SALVADOR

You might also like