You are on page 1of 2

July 10, 2004

THE MANAGER
Asialink Finance Corporation
Unit 209, 2nd Floor AIC Gold Tower
Emerald Ave., cor. Garnet St.,
Ortigas Complex, Bgy. San Antonio
Pasig City
Sir:
Ako po ay napilitang lumiham sa inyo dahil nangingilag na po kaming makipagusap at natatakot naman kaming humarap diyan sa inyong opisina dahil sa inyong
kinatawan na tumatawag sa amin na nagmumura at sinasabi ang mga sumusunod:
HAYOP KA!PUTANG INA MO!MANDARAMBONG KATANG-INA MO!
WALA AKONG DIYOS KUNG KAILANGANG MAGNAKAW KA, GAWIN
MO PARA MAKABAYAD KA SA UTANG MO!
Naging gawi din ng inyong mga kinatawan na kami ay kakalampagin ng alas 9:00
ng gabi at maniningil. Ang pagsasalita nilay may kasamang pananakot na nakakadepress sa akin at maging sa aking mga anak. Minsan nga po at may naningil sa
aming bahay noong wala ako at ang mga anak ko po ang nadatnan at tinakot, na
dahil sa takot ay natuto silang maghalughog sa aking tabihan at doon ay napuwersa
silang ibigay sa inyong kinatawan ang natitira kong pera na P1,100.00 at ang
kabayarang ito ay pinatutunayan ng Provisional Receipt No. 175164 na ini-issue sa
akin noong April 3, 2004.
Nakakalungkot pong masyado ang ginagawa ninyo sa amin lalo na ang pagmumura
sa aming katauhan dahil hindi ko po akalain na ganyan karurumi ang inyong mga
dila, bibig, puso at kaisipan dahil wala kayong pasintabi sa pagmumura sa katulad
kong babae at sa mga anak kong walang magagawa. Hindi ko rin akalain na
makukuha ninyo kaming takutin lalo na ang mga anak ko na mga bata pa. Kung
buhay lang po ang aking asawa ay baka siya ang inyong mapatay o kayo ang
mapatay niya.
Alam po naman ninyo na ang aking inutang ko ay P20,000.00 at nakapagbayad
naman po ako ng P8,200.00 para sa buwan ng Disyembre 2003 at January 2004
(P4,100.00 bawat buwan) at kasama na ang P1,100.00 na ibinigay noong April 3,
2004, ngunit sa inyong kwentang ibinibigay sa amin ngayon ay may utang pa
kaming P21,047.80 na nangangahulugan na ang ibinayad namin ay ini-apply
lamang na interes.

Ako po ay magtatapat sa inyo na dahil sa sama ng loob at depression na inabot ko


sa mga pagmumura ninyo at panaanakot, ako ay nagkasakit at ang kaunti kong
perang pinupuhunan sa aking pagtitinda ay naubos tuloy at ngayon ay lalo kaming
walang maibayad sa inyo.
Nais ko po sanang patuloy na makiusap sa inyong opisina na kung maaari sana ay
bigyang daan sana kaming makagawa ng paraang kumita o makapaghanapbuhay
at kamiy makakabayad din sa inyo ng unti-unti.
Ito po ay aking pakiusap na marahil ay mauunawaan ninyo kung kayoy magulang
ding kamukha ko. Ako po ay nagpupursiging makahiram sa ibang kamag-anak o
kaibigan para may mapuhunan para kumita para sa aming pangkain at pambayad
sa inyo. Akoy nakikiusap din sana na kung maaari huwag ninyo na kaming
sinisingil sa telepono na may kasamang pagmumura. Iyon pong ibang hinihiraman
ko ay ayaw akong pahiramin dahil kapag naikukuwento ko ang mga sinapit ko sa
inyo ay sinasabing, ganyan pala kawalang-hiya ang mga taga-Asialink..
Magpupursigi po kaming kumita ng mabuti upang kayoy mabayaran ng unti-unti
dahil wala naman kaming maibabayad ng bigla.
Sana po ang mga pakiusap na ito ay magkaroon ng puwang sa inyong puso at isip at
sa kabila ng inyong kalupitan ay idadalangin pa rin naming sanay pagpalain kayo
ng Diyos.
Ang sa inyoy gumagalang,
ANITA GOMINTONG
Copy Furnished:
Brgy. Capt. ANTONIO MANAL0
Brgy. Damayang Lagi, Quezon City

You might also like