You are on page 1of 4

Ako po ay si Mr.

Gershom Cabalquinto na nagpapaliwanag ng hindi


magandang ginawa sa akin nang Chief Mate ko na magkasama kaming
magtrabaho sa isang barko. Una sa lahat ako ay kumukuha ng job order sa
kanya araw-araw tuwing alas singko y medya (5:30 a.m.) or quarter to 6:00
ng umaga ang dahilan ng di parehas ang pagtingin niya sa akin na
binawasan niya ako ng 9 hrs. overtime sa kabuuan kong 150 hrs. overtime.
Ang dahilan noong papunta kami sa lugar ng Alabama sumagi ang barko
namin sa isa pang barko na dahilan ng pagkabutas ng aming barko sa
parte ng Bulwark at pagdating namin ng Puerto humingi ng hot work permit
para marepair ko ang sira. Na ang pinalit kong sukat ng metal plate ay
40cm x 40cm, ngayon sabi ni chief Engr. Kailangan matapos dahil aalis
kami kinabukasan. Ako naman sinimulan ko ng ala 6:00 ng umaga dahil
yan ang oras ng pasok ko araw-araw. At sa madaling salita natapos ko
nang mawelding pagdating ng katapusan ng July ang overtime ko ay 150
hrs. tapos binawasan niya ng 9hrs. Ang dahilan niya sa akin di naman daw
ako nagsimula ng maaga doon sa pagwewelding ko ng Bulwark para sa
akin sumama ang loob ko. Ginawa ko ng maayos at tinapos ko ng maayos
tapos pagdating ng katapusan ng buwan ng July ay binawasan niya ako.
Ang sabi ko sa kanya chief binawasan nyo pala ang overtime ko ang sagot
niya sa akin oo, pero idinagdag ko doon sa extra work mop sabi ko naman
sa kanya ayaw ko dahil hindi ko naman pinagtrabahohan yon. Tapos sabi
ko sa kanya pakibalik mo na lang ang 9hrs. na binawas mo sa akin. Di
talaga siya pumayag ang ginawa ko hindi ko pinirmahan ang payroll halos
isang linggo dahil gusto kong malaman ng kapitan ang ginagawa niya sa
akin. Ngayon ang sabi pa nga sa akin ng second mate/fitter magkano ba
ang overtime mo ngayong buwan ng July sagot ko
naman sa kanya
(second mate) baka aabot ako ng 150 hrs. Baka daw magnegative ako sa
payroll kasi may cash advance ako. Ang sagot ko sa kanya hindi ko
gagawin yan. Sabi pa sa akin ng second mate di bale maliit ang extra work
mo magdagdag ka na lang sa overtime mo. Sabi ko sa second mate kahit
150 hrs. lang ang overtime ko okey na sa akin dahil yan lang ang
pinagtrabahohan ko. Tapos mga ilang linggo minsan hindi na ako
tinawagan sa telepono.
Pag parating na kami sa Puerto eh kasama
naman ako sa maneuvering, siguro parang masama ang loob sa akin ng
Second Mate, dahil trabaho niya ang magpirma ng payroll. Tapos sabi sa
akin ni Second Mate Fitter, uma-attend ka ba ng PEDOS or Accounting
Briefing? Ang sagot ko oo, 120 hrs. lang pero sabi ko naman sa Second
Mate ko hindi ako nakikialam sa overtime ng mga kasama ko bakit sila 193
hrs. at 175 hrs. hindi sila binawasan ni chiefmate, ako 150 hrs. nga lng,
binawasan pa ako ni Chief Mate. Tapos bago ako mag-sign off marami

siya nilagay na check sa Seafarers Performance Appraisal kayat hindi ko


ito pinirmahan. Ang sabi ko sa kanya, Ano ba ang nagawa kong kasalanan
ko sa yo? Bakit anim ang inilagay mong check? Sabi ko kay Chief Mate
puwede bang burahin mo yan bago pirmahan?, sagot nya naman sa akin,
Okey kung yan ang gusto, sige burahin ko. Sabi ko sa kanya noong
inakyat tayo na pirata di mo nilagyan ng check ang Seafarers Appraisal
Performance ng kasama ko na nagkasala pero bakit nilagyan mo ngayon
ang sa akin na wala naman akong nagawang kamalian sa yo? Tumahimik
siya, di siya sumagot sa akin. Ang paliwanag ko pa kay Chief Mate lahat
ng Job Order sa akin sinusunod ko at ginagawa ko at tinatapos ko ng
maayos, tapos ganyan pa ang ginawa mo sa akin. Minsan may panahon
na ala sais pa lang ng umaga at madilim pa ay inihahanda ko na ang mga
welding cable at oxygen hose hanggang 7:30 tapos kakain ako,
magsisimula na naman ako ng alas 8:00, tapos sasabihin nya sa akin na
hindi ako nagsisimula ng maaga. Sinabi ko nga sa kanya, anong klaseng
sistema yang sa yo? Halos mag-isa akong nagtatrabaho ganyan pa ang
sasabihin mo sa akin. Naniniwala kasi siya sa mga sumbong ng mga
kasama ko. Kapag di nila ako makita sa loob ng bodega na nagtatrabaho.
Dahil may mayroon Emergency sa Engine Department, na nabutas ang
tubo tapos hindi alam ng mga kasama ko na nagwelding ako ng sirang
tubo. Alam ng Chief Engineer, 2 nd Engineer at 3rd Engineer na nagtrabaho
ako sa oras na iyon. Para sa akin masama ang loob ko sa nangyari na
napasama pa ako sa Chief Mate sa kabila ng pagtulong o kooperasyon ko
sa Engine Department. Hanggang dito na lamang po ang aking paliwanag,
sana ay naunawaan nyo po at maraming salamat po.
Respectfully yours,
GERSHOM M. CABALQUINTO
Deckfitter/MV RICKMERS ANTWERP

Note:
You can send your reply by FAX No. (02)711-1422.

Note:
You can send your reply by FAX No. (02)711-1422.

You might also like