You are on page 1of 1

Hindi dapat magpakulong sa konsepto at sistema, dapat maging alisto tayo sa

meron, sa mga sistemang tago at hindi natin makokontrol. Wag itaboy ang sistema
kasi magwawala tayo. Hindi pagtaboy sa sistema at konsepto ang kinakailangan,
kundi isang pagtitig sa meron, pagiging alisto sa pag-iral ng meron sa mga konsepto
at sistemang ito. Kapag nagpakulong sa konsepto at sistema, hindi meron ang
kinakukulungan ngunit alam na hiwalay sa meron. Dahil minsan na ring naranasan
ang meron. Kapag itinuring ang sistema bilang talagang totoo at talagang
nangyayari, malabo man o malinaw, makukulong pa rin tayo dito.

You might also like