PVC Interior-Goma mula sa lumang bisekleta Spray paint-silver Silver at Gold na Glitters Glue-Gun at Glue Sticks Tulco paint Lumang Christmas accessories
Christmas Bongo Drum
Ito ay yari sa pinaglumaang goma na ibinalot sa PVC pipe, kung saan nakalilikha ito ng kakaibang tunog na nakakapagbigay ng kakaibang himig sa ating mga tenga. Pinalamutian ito ng makikinang na bituin mula sa lumang dekorarsyon na isinasabit tuwing sasapit ang kapaskuhan. Upang mas makapagbigay ito ng kariktan ay pinunan ito ng dalawang kulay na sumisimbulo sa diwa ng kapaskuhan. Hindi lamang ito isang pamaskong instrument na magagamit sa pagbibigay aliw upang makalikha ng tunog, kundi magagamit din ito bilang isang makinang na dekorasyon sa ating tahanan, na tiyak na makapagbibigay sigla sa ating mga mata at aliw sa ating pandinig.