You are on page 1of 1

KAHALAGAHAN SA SARILI (Macathur ni Bob Ong)

Sa aking pagbabasa ng Macarthur ay marami akong natutunan. Una ay ang


kahalagahan ng pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan. Kailangan natin sila upang
magkaroon ng katuwang sa hirap at ginhawa. Ngunit sa kwentong ito ay mayroong
masamang bisyo ang apat na magkakaibigan. Ikalawa, hindi dapat tayo basta-basta
nanghuhusga ng tao. Dapat ay kilalanin muna natin sila bago natin sila sabihan ng kung
anu-ano. Dapat ay makuntento na rin tayo sa kung ano man ang mayron tayo ngayon.
Hindi naman masama ang maghangad, ngunit dapat ay hindi tayo gagawa ng masama
para lamang makuha ang mga ito, dahil maari tayong makasira nang buhay, at ang mas
masama ay tayo mismo ang makasira sa ating mga buhay.

- Janine Solivio, BSA 1-3

You might also like