You are on page 1of 4
PAMAYANAN PARA SA LINDOL BATAYAN: 1. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 (Republic Act No. 101211) 2. The Valley Fault System in Greater Metro Manila Area 3. Metropolitan Manila Development Authority Charter (Republic Act No. 7924) PAUNANG SALITA: Ang Valley Fault System ay binubuo ng East Valley Fault at ng West Valley Fault. Angmga Faultsnaito ay maaaring pagmulan ng isang mal- akas at malawakang lindol na makakaapekto sa Metro Manila at mga karatig lalawigan tulad ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna. Walang pagdududa na isang araw ay maaring mangyari ang lindol na ito. Kaya’t bilang paghahanda, magsasagawa ng Earthquake Pre- paredness Drill sa Hulyo 30, 2015 (Huwebes) mula 10:30 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga sa buong Metro Manila. Ito ay lalahukan ng National Government/Agencies at Local Government Units, paaralan, ospital, simbahan/ relihiyoso, negosyo, militar, pulis at iba pang mga volunteer groups. Makikita sa pagsasanay na ito ang antas ng kahandaan ng lahat ng tao at dito malalaman kung ano pa ang mga dapat gawin upang maging lubos ang kakayanan sa pagharap sa sakuna. Kung kailangan pa ng higit na impormasyon, maari po lamang na bisi- tahin ang mga susmusunod na website sa internet: www.beprepared- metromanila.com and www.metromanilashakedrill.com para sa mga detalye ng Shake Drill. Dito rin makukuha ang tunog ng lindol na patu- tunugin sa araw ng Shake Drill. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG EARTHQUAKE PREPAREDNESS DRILL ‘Ang Barangay Development Council ang magsisilbing Local Disaster Risk Reduc- tion and Management Council (LDRRMC). Siguraduhing buo ang komposisyon ng LDRRMC. Dapat bumuo ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) na pamumunuan ng Punong Barangay. zens, kabataan, samahan ng kababaihan at iba pang organisasyon. Bumuo ng “Observer Team” na magmamasid sa Earthquake Preparedness Drill. ‘Ang Team na ito ang pupuna at magkokomento sa mga tama at maling gagawin sa pagsasanay at paano maiwawasto ang mga paghahanda ‘Ang mga lider sa tulong ng mg samahan at residente at kung may eksperto ay dapat gumawa ng earthquake evacuation and response plan pati n a rin mga mapa at babala na ikakalat sa buong barangay. gE Hilingin ang kooperasyon ng lahat ng sector ng pamayanan katulad ng senior citi- Alamin ang mga sumusunod: a. llan at sinu-sino ang mga tao na naninirahan o nagtatrabaho sa baran gay 0 pamayanan? Sinu-sino ang may mga kapansanan o nangangailangan ng ibang uri ng pangangalaga (matanda, pilay, bulag, bingi, kulang sa pag-ii sip at iba pa).Gumawa ng talaan ukol dito. b. llan ang / nasaan ang / sino ang pinuno ng / paano makikipagugnayan sa mga opisina, pagawaan, simbahan, paaralan, ospital, himpilan ng militar, pulis at bumbero, grocery, tindahan ng bigas at tubig, at iba pang mga maha halagang lugar sa inyong nasasakupan? Gumawa ng talaan ukol dito. c. Suriin nang mabuti ang barangay at pamayanan at alamin kung ano ang mga delikadong bundok, burol, dagat, ilog, lawa, canal, dike, dam, kalsada, tulay, bahay, gusali, poste, kawad ng kuryente, puno, billboards at iba pang mga bagay na maaaring masira, gumuho, bumagsak o magdulot ng pinsala? Gumawa ng talaan ukol dito at magsagawa ng mga hakbang upang ang mga ito ay hindi maging panganib. d. Ano ang kakayanan ng barangay at pamayanan upang magsagawa ng pagliligtas at paglilikas at sinu-sino ang mga taong maaaring tumulong saga waing ito? e. Ano ang mga gagamiting hudyat o signal para malaman ng mga tao ang pagsisimula ng pagsasanay sa lindol ~ sirena ng mga ambulansya at bum bero, kampana ng mga simbahan, megaphones, public address sys tem/trompa ng barangay at paaralan, at iba pa? f. Saan ang mga malalawak nalugar sa barangay at pamayanan na ligtas sa lindol? Dapat walang katabing mga matataas na gusali, poste at iba pang banta sa kaligtasan. g. Paano makakarating ang mga lilikas sa mga evacuation centers o safe zones? Paano dadalhin ang mga nasaktan sa paunang lunas (first aid) 0 ospital? h. Pano magkakatulungan ang mga magkakaratig na barangay at pamayanan? i, Ano ang mga alternatibong pamamaraan ng komunikasyon kung sakaling mawalan ng kuryente o masira ang mga kawad ng telepono at cellular tele phone sites? Magparehistro ang barangay sa www.metromanilashakedrill.comb ilang opisyal na paglahok sa Earthquake Preparedness Drill sa Hulyo 30, 2015. Ipagbigay alam sa mga tao sa barangay at pamayanan ang paglahok sa Earth- quake Preparedness Drill sa Hulyo 30, 2015 mula 10:30 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga at ano ang dapat gawin: a. Magsanay ng “DROP, COVER AND HOLD” sakani-kanilang mga bahay, opisina, paaralan at iba pa; b. Gumawa ng “Go Bag” ang bawa’t miyembro ng pamilya na naglalaman ng identity card at emergency contact numbers, whistle/pito, flashlight at batter ies, first aid kit at gamot, pagkain at tubig na sapat para sa tatlong (3) araw, damit at kapote, utility knife/tools, lubid/tali at iba pang mga bagay na maglil igtas ng buhay; c. Maging pamilyar kung saan at paano makakarating sa mga evacuation centers o safe zones at mga paunang lunas (first aid) at ospital; at d. Bigyan sila ng listahan ng mahahalagang numero tulad ng ospital, pulis at bumbero. Sa pagsasanay na ito, ipagpalagay na maaaring mawalan ng kuryente, tubig, at komunikasyon (TV, radio, telephone at cellular phone) at sira o barado ang mga kalsada at tulay. Maaaring magkaroon ng pagbaha sa mga lugar na tabi ng dagat, ilog, lawa o canal. Hindi kaagad-agad makakarating ang tulong mula sa National Government/Agen- cies. Ano ang inyong gagawin pansamantala upang matulungan ang inyong mga nasa- sakupan? MGA DAPAT GAWIN SA ARAW NG EARTHQUAKE PREPAREDNESS DRILL Sa Hulyo 30, 2015, gawin ng mga tao sa barangay at pamayanan ang normal na ginagawa sa pang araw-araw. Ang “Observer Team” ay nagbabantay na. at bumbero, kampana ng mga simbahan, public address systemv/trompa ng baran- gay at paaralan at iba pang mga hudyat o signal ay tutunog 0 magbababala ng pagsisimula ng Earthquake Preparedness Drill. Ang hudyat o signal naito ay mag- tatagal ng 45 nasegundo ~ ito ang tagal ng pinagpapalagay na lindol ‘Ang tunog na lindol na kinuha sa website ay maari ring patunugin sa mga speak- ers ng barangay o sa mga baha-bahay. Sa loob ng 45 na segundong ito, ang lahat ng tao sa barangay at pamayanan ay gagawin ang "DROP, COVER AND HOLD" kung saan man sila naroroon. Tingnan sa paligid ang mga maaaring maging panganib tulad ng mga posibleng masira o gumuhong mga instruktura at iba pa. p Sa ganapna 10:30 ng umaga ng Hulyo 30, 2015, ang sirena ng mga ambulansya PAALALA: Walang tatakbo, walang sisigaw at walang magtutulakan! Seryosohin ang pagsasanay! Pagkatapos ng 45 nasegundo, hihinto na ang mga hudyat o signal. | big sabihin, tapos na ang lindol. Ang mga tao ay maaari nang tumayo at tingnan ang sarili at mga katabi kung may sugat o may nasaktan. Pagmasdan din ang paligid kung mayroong mga nasirang mga istruktura at iba pa. Alamin kung mayroong pangan- ib tulad ng naputol na kawad ng kuryente (live wire), nasirang dike/canal, sunog at iba pa Para sa mga guro ng mga Day Care Center, ipaliwanag sa mga batang mag-aaral 1 ang kahalagahan ng pagsasanay na ito at ipagawa ang mga sumusunod sa mga bata: Sa hudyat ng kamapana o sirena, utusan ang lahat na dumapa sa sahig, protek- tahan ang sarili at pumailalim sa lamesa o upuan at hawakan ito ng maigi. a. Makilipas ang 45 segundo, patayuin nag mga bata at dahan-dahan silang ilabas patungo sa ligtas na lugar. b. Lumabas ng magkapares. Ang guro sa harapan at isang teaching aide sa likuran ng pila. c. Panatilihing magkakasama ang mga bata sa labas ng gusali o sa isang ligtas na lugar. Bilangin ang mga bata. Isaisahin ang kanilang mga pangalan. Siguraduhing silang lahat ay kumpleto at magkakasama. Ipatawag ang mga kasapi ng mga LORRMC at BDRRMC at magsimulang ipatupad ang mga tungkulin. Maghanda ng mga alternatibong kasapi ng LDRRMC at BDRRMC kung sakaling hindi makararating ang mga pangunahing kasapi. Magsimulang magsagawa ng paunang lunas at paglilikas sa evacuation centers 0 safe zones. ig sa TV at radio para sa balita ukol sa lindol. Alamin ang kalagayan ng mga kalsa- da, tulay at iba pa. Bigyan ng mahalagang impormasyon at humingi ng tulong mula sa mga kinauukulan. Maging handa sa posibleng muling paghanig ng lupa o aftershocks. Kapag nang- yari ito, magsagawa ulit ng "DROP, COVER AND HOLD”. a a Qn Tingnan kung maayos pa ang linya ng mga komunikasyon. Kung mayroon, makin- 7 Magtalaga ng mga taong iikot sa barangay at pamayanan upang siguruhing ligtas 12) © nakalikas na ang mga tao. Dito gagamitin sa mga tala/listahan na ginawa para sa mga opisina, pagawaan, paaralan at iba pa. fF Magtalaga ng mga pinuno para sa mga sumusunod: a. Ruta ng trapiko papunta sa lugar ng paunang lunas at ospital; b. Ruta ng trapiko papunta sa evacuation centers o safe zones; c. Evacuation centers o safe zones (pagkain, gamot, tutulugan at iba pa); at d. Transportasyon at komunikasyon Mas maganda kung may video at photo coverage ang gagawing pagsasanay para makatulong sa pag-aaral. mE MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG EARTHQUAKE PREPAREDNESS DRILL Pulunginang LDRRMC, BDRRMC, “Observer Team” at mga natalagang mga iba’t-ibang pinuno ng mga pangkat. Pag-usapan kung ano ang mga natutunan sa naganap na pagsasanay gamit ang video at photo coverage (kung mayroon), mga talallistahan at mga obserbasyon ng lahat. Bigyan ng pansin kung ano ang mga tama na ginawa at paano pa ito higit na aayusin at ano naman ang mga mali na ginawa at paano ito iwawasto. daan, sa kagamitan, sa impormasyon/ kaalaman at iba pa? Hindi inaasahang maging lubos at perpekto ang paghahanda ng barangay at pamayanan sa Earthquake Preparedness Drill sa Hulyo 30, 2015. Ang paghahan- da ay isang patuloy na gawain at pag-aaral. Mag patuloy sa paghahanda at pag- sasanay! Makipag-usap sa mga karatig na barangay at magpalitan ng karanasan ukol sa paghahanda sa lindol, Paano kayo magkakatulungan? Pagusapan kung ano ang mga gamit na pwedeng ipahiram katulad ng mga jack hammer, pay loader, dump truck at mga bakanteng lote pwedeng magamit ng isat isa na tent city, command center o imbakan ng gamit at pagakain sakaling may sakuna. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ang mga barangay na salat sa pasilidad at gamit na makapag- bigay ng ayuda sa kanilang mamamayan sa paanhon ng kagipitan. = Paghandaan ang mga nakitang kakulangan. Kakulangan ba sa tao, sa kahan- bayan, military, pulis, bumbero, ospital at mga volunteer groups. Paano maka- A Makipag-ugnayan sa National Government/Agencies at pamahalaang lungsod o karating at ano ang tulong sa barangay at pamayanan? Mag-post ng mga video, larawan at mga obserbasyon sa Earthquake Prepared- ness Drill sa www.metromanilaquakedrill.com o sa iba pang social media. MAGING HANDA, MAGING LIGTAS! AT BUMANGON!

You might also like