You are on page 1of 16

"S'ya na naman ano? Kunin mo 'to.

"
She was still pretty, despite those tears all over her face.
At first, she was hesitant to take my handkerchief but eventually she
accepted it.
"S-Sino ka naman? Kilala ba kita?"
"I'm Jeremy. I'm afraid you don't."
"Ah, bakit ka naman nandito?"
"Because I know you, Cez Arriana Dalpitran."
I felt degraded when I heard her chuckle before she said, "I'm
afraid you do. Are you one of my stalkers?"
"Maybe yes, maybe no." I said, smiling from ear to ear.

That's how I was able to enter her life.


As her hanky.
Someone who's willing to listen.
Someone who always have something to say for everything she was
going through.
Someone capable of making her laugh.
And most importantly, someone who sees her crying.

I am like her best friend. Just like.

"Entry nth thousand: Feb. 14, 2008


Dear Cez,
'Di ko akalain na ipagpapasalamat ko pala nang sobra ang ikalabing apat na pag-iyak mo sa secret canteen.
Mabuti na lang may dala akong panyo.
Love,
Mr. Hanky"

The bell had just rang. I, being the all-time loner, decided to have
my lunch at the secret canteen again. Lagi naman, doon ko lang kasi
s'ya natititigan ng matagal.
"Look who's here. The queen of all assummera. Akala mo
talaga siguro kaya mong talian si Prince Xavier ko, 'no? Hi,
Cez. Wake up! Loser!"
I saw her and that noisy brat at the center of the commotion in the
crowded hallway.
"Again." I hissed to no one in particular as I took the left turn para
hindi n'ya malamang nakita ko kung paano na naman s'ya i-bully ng
mga walang magawang schoolmates namin.

As much as I want to, she hates it--- having someone around to


protect her.
All I can do is to be with her at our sanctuary.
"Manang Glo, panyo nga po. Heto po, sampung piso."
"Oh, heto. Sino ga iyang nobya mo at napapansin ko'y halos
araw-araw mo yatang pinaiiyak?"
Girlfriend? Sana nga magdilang-anghel si Manang Glo.

Sa secret garden, umiiyak na naman s'ya nang abutan ko.


Nakasandal s'ya sa puno ng Mangga habang nakaupo sa ugat nun.
Suot na naman n'ya ang kanyang paboritong disguise---a pair of
sunglasses and cap.
Sino nga ba namang mag-aakalang sa likod ng maiitim na lente ng
kanyang salamin ay ang walang kaubusan n'yang luha?
"Ikaw na naman?" bati n'ya ng makalapit ako sa kanyang harapan.
I gave her my most consoling smile before handing her the hanky I
bought a while ago. "Wala ka na namang panyo."
"Salamat. Ano nga ulit ang pangalan mo?"
Ouch! It feels like a thousand stab on my heart.
"Congrats."
"Para saan?"

"Because you just hurt my feelings for not remembering my


name."
"Seriously? I was just joking, Jeremy." She smiled.
A sigh escaped my mouth. Relieved!
"How could I afford to forget the name of such a caring
person? Except for you always have my hanky with you
every day, gwapo ka pa."

"Entry nth thousand: Feb. 29, 2008


Dear Cez,
Napansin ko lang, halos araw-araw ka na kung umiyak. Sa totoo
lang magastos maging Mr. Hanky mo, pero okay lang.
Sana makapag-move on ka na.
Love,
Mr. Hanky"

Sa secret canteen, himala hindi s'ya umiiyak nang makita ko. She
sits comfortably at her favorite spot, under the Mango tree.
Malayo pa man ay binati ko na s'ya, "Mukhang masaya, ah.
Nakatipid ako ng panyo ngayong araw."
"We were back together." She said, grinning widely.

I want to be happy. I do. But, I just can't.

Ilang araw rin ang nagdaan. Hindi ko na s'ya naabutan sa ilalim ng


Mangga. Nasasayang lang ang sampung piso ko araw-araw sa
kabibili ng panyo, umaasang makikita ko ulit s'yang umiiyak.

"Entry nth thousand: March 18, 2008


Dear Cez,
Graduation na natin bukas, sana makita kita ulit sa dating lugar.
H'wag ka lang sana iiyak. Parang-awa mo na, ha?
Baka kasi hindi ko matupad ang pangako ko kay Mama na susunod
na sa kanya sa America para dun na magpatuloy ng pag-aaral.
Love,
Mr. Hanky"

Sa secret canteen, hindi ko inaasahang aabutan ko s'yang umiiyak.


"S'ya na naman?" I queried. She just nodded.
Ang sakit.
"Cez, can I ask you something?"
But she just asked instead of answering. "Aren't you going to
hand me a hanky first?"

"Here."
"Thank you."
"Uhm, can I stay with you?"
She gave me a confused look before answering. "I always want
you to."

"Entry nth thousand: March 19, 2008


Dear Cez,
Sabi ko naman h'wag kang magpapakita sa aking umiiyak ka. Hindi
tuloy ako nakaalis. Hindi kita kayang iwan eh. At least, not in the
same situation when I met you.
Sana kaya kong aminin sa'yo ang nararamdaman ko.
Love,
Mr. Hanky"

Sa secret canteen, una kaming nagkita.


Malamang, hindi na n'ya ako natatandaan nang araw na iyon.
Ako iyong nerd na grade four class A student na binully ng aking
mga kaklase dahil aksidente n'ya akong natapunan ng ovaltine hot
choco drink nung magkabangga kami sa gate palabas ng secret
canteen.

Abala kasi yata s'ya noon sa pagsilip sa four-C na noon ay naglalaro


sa quadrangle dahil P.E. nila.
Bali-balita kasi noon na crush n'ya 'yung soccer player na si Xaiver.
Sa sobrang pagka-abala n'ya ay hindi n'ya namalayang nagganap
ang aaksidenteng iyon.
In fact, I can still vividly recall that day when we first chatted.
Recess. Sa Secret Canteen ko hilig kumain tapos maga-advance
reading ako pagkatapos. Iilan lang kasi ang nakakaalam nun kaya
tahimik at peaceful.
"Bakit parang ilang na ilang ka sa akin? Hindi ako
nangangagat. Cez nga pala." aniya sabay alok na
makipagkamay.
Nanginginig man ay tinanggap ko ng kanyang kamay at nagpakilala
na lang din. "Jeremy Allen De Guzman, Four A"
"Kaklase pala kita? Ba't di ko alam?" aniya pa na tila takangtaka bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik
ulit sa ulo "Tsaka, sino bang tanga ang nagsaboy sa iyo ng
milo?"
Ang tanga n'ya talaga kung minsan. "Kilala kita, ikaw 'yung
madalas matulog sa klase. Ako naman 'yong top one. A-ah,
hindi ko mean magyabang."
Nginitian n'ya lang ako nun tsaka nakipaglaro ng isang round ng
chinese checkers. Nagulat nga ako dahil magaling s'ya doon at
natalo n'ya ako.
Matapos ang school year na iyon. Hindi na kami naging magkaklase
pa.

Usap-usapan sa school ang pagbaba ng mga marka n'ya nang


maghiwalay ang mga magulang n'ya.
Awang-awa ako noon sa kan'ya.
Ngunit, ngayon ay hangang-hanga na ako dahil sa dami ng naiinspire n'ya sa ipinapakita ny'ang pagkapositibo sa lahat nang
bagay.
Tanging ako lang ang nabiyayaang ng chance na makita s'ya sa
t'wing umiiyak s'ya.
That, I will always find as a great blessing. She finds me
exceptional. She's not afraid to cry with me around.

"Entry nth thousand: June 25, 2008


Dear Cez,
Gusto ko nang aminin sa iyo na mahal kita. Sana maisip mo na mas
ligtas ang puso sa akin.
I love you to infinity raised to the height-of-Mt.-Everest-in-Inches
years.
Love,
Mr. Hanky"

Sa secret canteen, madalas na kaming magkasama.

"H'wag mong mamasamain. 'yung boyfriend mo. Hindi na ba


babalI mean, kamusta ang love life?"
Nakakailang talagang i-open ang topic na 'yan. Isa pa, masakit din
sa kalooban.
"Opps, mukhang I sense something fishy ah. Pero, speaking
of that devil, hindi na babalik 'yun. Ang lakas ng loob,
feeling gwapo."
"Ah" I just nodded.
"Ikaw, Jeremy?" you raised you index finger in front of my face,
warning me, I guess. "Don't dare lie to me. Do you have a
girlfriend?"
"W-wala"
"Weh?" you asked in disbelief. "eversince? Kahit crush?"
"Nagkaroon na rin naman."
I find it awkward to see her face lighten up, excitedly bombarding
me with questions "Kailan? Sino? Taga saan? Nasan na s'ya?
Kilala ko ba ito?"
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa biglang pagbabago ng facial
expresion n'ya nang bigo akong makasagot agad.
"I'm sorry." She apologized as if she was the cutest puppy I could
ever dream to pet. "It's okay if you're not willing to answ---"
"Ikaw."
"What?" tila hindi s'ya makapaniwala. "Come again please. I
doubt if I heard it right."

"Ang sabi ko, Ikaw."


"tinatanong mo ba ako, signaling it's my turn or pass? O
baka naman, sinasabi mong ako 'yong crush mo?"
Napakatapat n'ya talaga sa akin.
Iba sya sa nakikita kong sya sa klase o sa harap ng mga
kaibigan n'ya.
"Pero, impossible naman yata iyon. I mean, iyakin ako at
mahina ang loob. Walang pwedeng magkagusto sa isang
taong ni hindi kayang ipaglaban ang sarili n'ya." 'Di hamak
na mas mahina na ang pagkakasambit n'ya sa huling bahagi
ng kanyang tanong.
Napansin kong namula ang kanyang mga pisngi. Ang cute n'ya
tingnan. Itinungo n'ya ang kanyang ulo at nag-fokus sa mga damong
nakapaligid sa kanya dito sa silong ng puno ng mangga. Nagsimula
akong maawa sa mga damo nang simulan n'yang pagbubunutin ang
mga ito.
"Cez?"
"Jeremy?"
"Cez,"
"Hmm?"
"Cez"
"Ano ba 'yon?"
"Cez," Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magpatuloy,
"Gusto kita. Ay mali, mahal na kita."

"Ano 'ka mo?"


Sandali nang nakabibinging katahimikan at nagulat na lamang ako
nang isaboy n'ya sa mukha ko ang mga kawawang damo bago ka
magsimulang tumakbo palayo sa akin. "ahaha. Wala akong narinig.
Habulin mo 'ko."
Sana lagi tayong ganito.

"Entry nth thousand: August 17, 2008


Dear Cez,
Hindi ko akalain na mabibigyang pagkakataon ang naudlot nating
pagkakaibigan. Ngunit, higit kong hindi akalain na gusto mo rin ako.
Pangako, gagalingan ko ang panliligaw. I love you!
Love,
Mr. Hanky"

Sa secret canteen, umiiyak na naman s'ya. Pero sa pagkakataong ito


ay dahil na sa akin. Okay kami for seven months pero hindi ko na
alam sa mga susunod pang buwan.
Ito ba ang sinasabi n'yang Valentines Gift?!

"Sabi mo hindi na s'ya babalik?" I asked her, my eyes closed as


my fist landed at the hard trunk of the Mango tree.
Hindi ko alintana ang sakit ng aking kamao. Ang sakit ng puso ko
ang hindi ko kayang hindi indahin.
D^MN!
"Jeremy, hindi ko alam na gagawin n'ya iyon. Maniwala ka sa
akin."
Her voice trembling.
Her eyes pleasing me.
Her touch telling me she wants me to believe.
"You want me to believe your lies?! Sagutin mo ako, mahal
mo pa ba s'ya?!"
"Jeremy?!"
It hurts so much to see her crying.
"Tss. I was such a fool! Always was! Sana hindi na lang kita
minahal, para hindi na ako nasaktan ng ganito! I'm just a
rebound, all this time!"
"Jeremy, come back!"

"Entry nth thousand: Feb. 14, 201O

Dear Cez,
Sa secret canteen tayo unang nagkita pero hindi ko akalaing doon
ang huli. Ilang taon na rin, pangako ito na talaga ang huling sulat
ko.
Sana hindi na lang ako umasa na may next level pa ang pagiging
magkaibigan natin. Kung hindi naging tayo sa maikling panahon na
iyon, marahil hindi siguro ako nasaktan nang mahuli ko kayo ni
Xaiver nung hinalikan ka n'ya.
Alam kong huli na ang mga pagsisisi ko at lalong-lalo na itong huli
kong mensahe sa iyo. Ikakasal ka na sa iba bukas, sa napili ng
pamilya mo para sa'yo. Pero, sana pakatatandaan mong MAHAL NA
MAHAL KITA.
Good bye, my love.
Love?
Apat na titik...
Katumbas ng apat na bagay sa buhay natin...
L-luha (Your tears, I thought were my loyal friends)
O-opportunity (Fake)
V-vulnerable (Fatal hurt)
E-ending (I'm stuck)
Bakit ba hindi ko napansin...
Na sa simula pa lang ay negatibo na?

Nagsimula tayo na umiiyak ka...


Nagtapos na lumuluha tayong dalawa...
Hindi ko na alam kung paano magsisimula muli...
Kung paano ko bubuohin pa ang nadurog kong puso...
Kung may ibinalik ka man lang siguro kahit isa sa daan-daang panyo
na ibinigay ko sa 'yo...
Baka sana may magagamit ako para maipon ulit ang mga piraso ng
puso ko...
Marahil, ito nga ang pinakamahaba kong liham.
Ito na rin kasi ang huli.
Sana makayanan ko nang kalimutan ang tayo noon.
Para makapagsimula na ako ng bagong ngayon.
Salamat sa sakit. Mas malakas na ako ngayon.
I know I'll get over you, soon.
Your friend,
Mr. Hanky"

MARAHAN KONG IBINABA ANG AKING LIHIM NA KAHON NA


NAGLALAMAN NG MGA LIHAM KO PARA SA KANYASA NAG-IISANG
BABAE NA MINAHAL KO.

BINALINGAN KO ANG MUNTING ANGHEL SA AKING TABI.


"DAD?"
"YES, CUPCAKE?"
"WHY DID YOU LET HER GO THAT EASY?"
"BECAUSE, I BELIEVE, WHATEVER HAPPENS, WHAT'S MADE IN
THE HEAVENS WILL COME ON EARTH. WHAT FATE BINDS
TOGETHER WILL FIND THEIR PLACES IN EACH OTHERS' ARMS.
WHY DID YOU ASK?"
"MEANING, YOU'RE NOT MEANT TO BE? UHM, BECAUSE SHE'S
NOT MY MOM."
I SMILED AT HER INNOCENCE. "INDEED. DO YOU STILL RECALL
WHAT I REFERED TO HER EVERYTIME WE WOULD TALK
ABOUT HER?"
"ANG NAG-IISANG BABAENG MINAHAL MO?"
"EXACTLY. SHE'S THE ONLY GIRL I LOVED. BUT, YOU, MY
LITTLE PRINCESS, YOUR LOVELY MOM, AND YOU GRANDMA,
THE THREE OF YOU ARE THE WOMAN I WILL ALWAYS LOVE."
"WHAT HAPPENED TO HER---CEZ?"
"SHE PASSED AWAY THE NIGHT BEFORE HER WEDDING DAY.
UNDETECTED BRAIN TUMOR."
"WHAT MADE YOU LIKE MY MOMMY?"
"UHM...CECILLE, I DON'T LIKE HER. SHE ADMIRED ME
SECRETLY SINCE WE WERE IN GRADE SCHOOL. SHE WATCHED
ME WEPT MY HEARTBREAKS AWAY. ACTUALLY, I DIDN'T SAW

IT COMING. BASTA, I JUST FELL FOR HER AFTER I


ACCIDENTALLY READ HER DIARY. I DON'T LIKE HER. I LOVE
HER FOR TEN RAISED TO THE-DISTANCE-FROM-EARTH-TOSUN YEARS."

---END

What make life worth living are the things you never saw coming.
Sanguine_Alile

Copyright July 24, 2015 by Sanguine_Alile


Plagiarism is a crime. Please ask permission.

You might also like