You are on page 1of 2

Mariel Jane D.

Tagaza
August 12, 2015
2013 15871
Sa dokumentaryong The Money Masters nakasaad kung paano
nagsimula ang pagkakaroon ng kapangyarihan ang political na estruktura na
namamahala sa bawat bansa. Ang mga pulitiko ngayon ay may kinalaman sa
dating pagpapatakbo ng pera. Dito mo malalaman kung ano ang kasaysayan
ng perang dolyar, kung paano at bakit kontrolado ang ekonomiya, kung bakit
may business cycles, kung bakit may inflation at deflation na nangyayari, at
kung ano ang nararapat na gawin kung paano bayaran ang utang at maging
malaya sa pamamahala ng mga financial institutions.
Ang dokumentaryong ito ay nararapat na panuorin ng mga estudyante
upang malaman nila ang tungkol sa karahasan ng ekonomiya sa buong
mundo. Kailangan makita ito ng bawat tao upang magkaroon sila ng
kaalaman tungkol sa kung ano ang nangyayari ngayon. Ipinakita sa senaryo
kung ano ang patuloy na ginagawa ng mga pulitika upang magkaroon ng
pera. Ipinakita rin kung sino ang may responsibilidad sa napakalaking utang
na pera.
Wala akong ideya kung paano mawala ang kaguluhang ito. Ngunit
nang dahil sa dokumentaryo, ako ay napaniwala ng dokumentaryong ito na
ang natatanging solusyon sa problemang ekonomiya ay ang Monetary
Reform Act. Bakit hindi ito klaro sa mga pulitiko? Ang dokumentaryong ito ay

naglalaman ng powerful quotations na makatutulong sa pangangatwiran


upang i-reform ang money system.
Ang iniisip ko, wala pa bang pulitiko dito na napanood na ang
dokumentaryong ito? O mas pinili nalang nila na ibalewala ito sapagkat ito ay
makakabuti sa ekonomiya ng bansa?

You might also like