You are on page 1of 9

Shhh sekreto lang natin, ha?

Ang pagkain ng karneng tao ay nakabubulok ng ngipin.


Nay? Baling ko kay Inay na nakatayo sa may pintuan at nakikipag-usap sa kung sino. Abala kasi ako sa pagaasikaso sa mga bisita namin nang tawagin nya ako kanina. Sorry po. Dagdag ko pa nang tuluyang makalapit
sa kinatatayuan nya.
Agad nabaling ang tingin ko sa ginang na kausap nya. Tulad nang lahat ng narito sa bahay, nakasuot din ito ng
itim. Kamamatay lang kasi ni Itay kahapon kaya malamang isa ito sa mga nakikiramay.
Jeli, sya ang katiwala nang amo ng Itay mo. Ani Inay.
Napansin kong tumayo ang ginang na sa palagay koy nasa mid-40s. Merlinda. Tawagin mo na lang akong
Nana Mer. Pagpapakilala nito sa kanyang sarili sa akin.
Ginantihan ko ang kanyang ngiti bago ako nagpakilala, Jelina Banal po. Jeli na lang po.
May mga pinag-usapan pa sila ni Inay subalit ako naman ay abala sa pag-iisip tungkol sa katauhan ng ginang na
ito.
Katiwala sya ng amo ni Itay? Pero kailanman ay walang nabanggit si Itay sa akin na may kasama silang babae
sa bahay ng amo nya. Nakapagtataka. Sabi ni Itay, isang matandang lalaki ang kanyang pinagsisilbihan bilang
personal na driver at care-giver niyon. Sabi pa ni Itay mayaman iyon subalit wala nang kamag-anak na maaring
mag-aruga kaya umaasa ito at lubos na tiwala kay Itay.
Ah, sige hija. Tena. Untag nya sa akin at saka nagpatiuna na sa paglalakad.
Ano raw? Sasama raw ako sa kanya?
Binalingan ko na lang si Inay. Nakayuko sya.
Sumama ka na, anak. Ipinambayad ka ng iyong Itay sa amo nina ni Merlinda. Iyong pera na ginamit natin
pambayad sa ospital ng iyong Itay, sa amo nya naming nakuha.
"N-nay?"
"Sige na, Jeli. Hwag matigas ang ulo mo roon."
Pinanood ko na lamang ang Inay na maglakad papasok sa loob ng bahay, palayo sa akin. Hindi nya man lamang
ako nilingon. Bakit? Bakit nila nagawang ipambayad-utang ako nang ganun-ganon na lamang?
Sa mansyon.
Huminto sa tapat ng isang malaking gate ang kotseng sinasakyan namin. Naunang bumaba ang driver nito na
nakilala kong si Marcus. Sa palagay ko, hindi nagkakalayo ang edad namin.
Ipinagbukas nya kami ni Nana Mer ng pintuan.
Ngumiti na naman sya sa akin subalit hindi naman nagsalita.
Marahil hindi talaga sya pala-imik.
Tena sa loob, Jenny. Paganyaya sa akin ni Nana Mer.
Hindi ko naiwasang mangunot-noo. Jeli po.
Pasensya na, hija. Mauna ka nang pumasok. Kakausapin ko lamang sandali si Marcus. Aniya at saka tinulak

na ako papasok sa gate.


Tumuloy ka agad at magpahinga sa sala. Susunod ako. Hala sige na, Jemma.
Napilitan na lamang akong sundin ang sinabi nya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako patungo sa
pintuan ng mansyon nang lingunin ko sila.
Nakatalikod sa dereksyon ko si Nana Mer.
Malinaw kong nadinig ang sinabi nya sa kausap.
Marcus, wala syang dapat malaman hanggat hindi pa oras. Pigilan mo ang iyong sarili.
Kitang-kita kong gumuhit ang isang di kaaya-ayang ngiti sa mukha ni Marcus.
Habol ko ang hininga ng makarating sa tapat ng main door ng Mansyon.
Mabuti na lamang at nakaawang iyon kaya agad akong nakapasok.
Napakalawak ng sala at napakamaespasyo rin.
Tao po? pagtawag ko ng paulit-ulit. Nang matiyak kong wala ngang ibang tao maliban sa akin, naupo na lang
ako sa isang kahoy na silya na may sandalan.
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaba na bumalot sa akin nang makita kong ngumiti si Marcus kay Nana
Mer. Lalo na nang magsalita sya. Oo, Mer. Alam ko iyan. Aniya sa nakakatakot na tinig na animoy
nagmumula sa ilalim nang lupa. Bigla na lamang tuloy akong napatakbo palayo sa kanila.
Nariyan ka na pala.
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Isang dalaga.
Pababa sya nang napakataas na hagdan pero sa halip na tumingin sa mga baitang ay sa akin sya nakatitig
habang nakangiti.
Tila ba isa siyang prinsesa.
Abot hanggang baywang nya ang nakalugay na buhokkulot iyon at kulay abo. Nakasuot sya ng bestidang
kulay pula na lagpas ng bahagya sa kanyang tuhod.
Naningkit ang aking mga mata upang aninagin ang kanyang mukha dahil sa medyo malayo ang aking
kinauupuan sa hagdan.
Halata na anak mayaman sya. Di tulad ko na sunog sa araw, malaporselana ang kanyang kutis. Mapupula ang
kanyang maninipis na labi. Matangos ang kanyang ilong.
Hindi ko na sana namalayan na tuluyan na pala syang nakalapit sa kinatatayuan ko kung hindi pa sya
nagsalita.
Kamusta, Jeli. Ako si Meg.
Sandali, hindi ko matandaan na nagpakilala na ako sa kanya.
A-a, Jelina Banal po, k-kayo po y-yata ang amo ko.
Ngumiti naman sya ng payak bago magsalita. Tila yata nakakatakot ako sa iyong palagay sapagkat
nagkakandamali ka sa iyong pagpapahayag. Subalit, ikinatutuwa kitang makilala, Jeli.
Ano ba Jelina?! Nainsulto mo pa yata ang amo mo!

Kinagalitan ko ang sarili sa sobrang hiya kinagabihan.


Kebago-bago ko pa lamang, eh hindi na maganda ang first impression sa akin ng amo ko. Paano na lamang
kung dagdagan pa nila ang araw ng pagtr-trabaho ko rito? Baka kapag ganito ako palagi ay imbes na
dalawang lingo maging taon ang ilalagi ko rito.
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising para tumulong sa mga gawaing-bahay at nang makapagsimula na
sa pagbabayad ng utang ng pamilya ko sa kanila.
Paglabas ko ng aking silid ay hindi ko alam kung kakaliwa ba ako o kakanan sa makipot na pasilyo na
sumalubong sa akin. May kadiliman sa bandang kaliwa kaya nagpasya na lamang akong kumanan.
Mukhang tama naman ang kutob ko dahil agad akong nakarating sa kusina. Napakalaki rito at napakaraming
gamit. Lumang-luma na rin ang hitsura nito sang-ayon sa kalagayan ng buong mansion. Mukhang hindi ito
masyadong naalagaan ng linis. Maagiw kasi at medyo hindi rin kaaya-aya ang naaamoy ko sa maraming sulok
rito. Sa pangkalahatang amoy ay tila ba masangsang. Animoy amoy ng nabubulok na basura. Marahil nga dahil
sa sobrang laki nitong tahanan ay hindi kinakaya nina Nana Mer at Marcus ang pagpapanatili nito.
--Magandang araw po? May tao po ba rito? Sigaw ko sa kaharap kong madilim na silid. Dinala ako rito ng
aking mga paa sa di ko maipaliwanag na dahilan. Walong araw na rin ako rito sa Mansyon subalit ngayon ko
lamang narating itong silid sa dulo ng pasilyo sa kaliwa ng aking kwarto.
Ano kaya ang mayroon rito?
Bakit kaya napakadilim naman yata?
Kinapa ko ang mga pader sa pag-asang mayroong ilaw rito.
Baka sakali ay narito lamang ang switch. T-teka? A-ANO BA ITONG NAKAKAPA KONG TILA
MALAGKIT?
Nahintakutan ako sa pakiramdam na may kung anong malambot at mamasa akong nahawakan kaya dagli akong
nagbalak lumabas sa silid.
Dyos ko! hiyaw ko.
BIGLA NA LANG KASI SUMARA ANG PINTO.
Ang dilim. Wala akong ibang makita kundi hindi masukat na kadiliman.
Huhuhu tulungan mo kami.
S-sino y-yan? garalgal na ang boses ko. Tila maiiyak na ako sa takot ano mang sandali.
Tulungan mo kami iyak pa ng tinig na hindi ko mawari kung saan nagmumula. Madilim. Wala akong
makita.
Ilang sandali kong hindi makakilos at makapagsalita dahil sa napakaraming umiiyak na tinig na paulit-ulit sa
pagsasabi na TULUNGAN KO SILA. Puros babaeing tinig ang naririnig ko. Lahat sila umiiyak.
Nagitla ako ng makarinig ng mga patak. At may naramdaman rin akong tumatama sa aking mga talsik mula sa
kung ano mang likidong iyon na natatapon.
Hindi ko na namalayang umaatras na pala ako. Hanggang sa ang huli kong hakbang paatras ang nagdikit sa akin
sa pader.

Shit!
Napapikit na lamang ako sa sobrang takot. Pero mukhang mali ang pasyang iyon dahil ng pumikit ako ay
napansin kong mas naging sensitibo ang aking pandinig at pakiramdam.
NAKADIDININIG AKO NANG MGA YABAG. MALAYO SUBALIT PALAKAS NG PALAKAS.
LUMALAPIT ITO SA KINALALAGYAN KO!
Napayakap na lamang ako sa aking tuhod sa kawalang pag-asa at sa paggalaw kong iyong ko lamang
napagtanto na nakaupo na pala ako sa sahig.
NGUNIT BAKIT BASA? BAKIT PAKIRAMDAM KO NAKALUBOG AKO SA TUBIG?!
Shit!
Napamulat na lang ako. Madilim pa rin. Wala pa rin akong makita. Ngunit napakalapit na ng mga yabag sa akin!
Napatayo ako at inalala kung nasaan ba ng pintuan na pinasukan ko kanina.
Patakbo kong tinungo ang dereksyon na sa palagay koy magdadala sa akin sa pinto. Hindi nga ako nagkamali.
Narito nga itong pinto.
Pero hindi ko pa rin magawang buksan. Diyos ko! Maawa ka!
Bunga ng paulit-ulit at ubos lakas kong paghila sa door knob gamit ang aking malagkit na mga kamay, dumulas
ang paghila ko at napasandal ako sa pader sa gilid ng pinto.
Laking gulat ko ng sumindi ang ilaw.
Akala ko ikatutuwa ko iyon subalit ng masaksihan ko ang kabuuan ng kwarto ay pinagsisihan kong nabuksan ko
ang ilaw.
PATAY-SINDI ANG ILAW AT TAKOT NA TAKOT KONG SINASAKSIHAN ANG PAGLALAHO SA DILIM
AT MULING PAGLITAW NG MAY-ARI NG MGA YABAG.
SA BAWAT PAGBABALIK NG ILAW AY MAS LUMALAPIT SYA SA AKIN.
Shit!
AT NANG LUMITAW SYA SA TAPAT KO, NARAMDAMAN KO NA LANG ANG PAGHALIK KO SA
MATUBIG NA SAHIG NG SILID.
---S-sino ba kayo?! Tili ko sa sobrang takot nang mapabalikwas ako sa higaan.
Nasaan ako?
Bakit ako naririto sa kawarto ko?
Nilingon ko ang oras sa lumang orasan sa taas ng pintuan nitong kwarto ko. Ala-sais.
Nakadinig ako ng pagtilaok ng mga manok.

Umaga?
Panaginip lang ba ng lahat?
Ilang minuto ng pagninilay-nilay ay pumasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako narito sa Mansion nang mga
Barramendina.
Naku! Dapat na akong gumayak para magluto nang almusal.
Sa kusina.
Binuksan ko ang naglilimahid na refrigerator at kumuha ng karne mula sa freezer.
Nakapagtataka. Palagi na lamang karne ang ulam namin. Hindi pa ako nakakaulam ng isda o gulay magmula
pumasok ako rito bilang kasambahay. Naibublong ko sa hangin.
Hindi kasi ako kumakain ng gulay. Saad ng isang pamilyar na tinig.
Binalingan ko ang nagsalita. Nakatayo sya sa may pinto nitong malawak na kusina. Sinyorita Meg, ang aga
niyo naman ho nagising. Naku, hindi pa ho ako nakakapagluto.
Hindi pa ako gutom. Hindi pa. nakangiti nyang saad bago ako iwan roon na takang-taka.
Biglang gumuhit sa isip ko ang huling kataga na narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay sa panaginip
ko.
Tumigil ka na Sinyora Meg!
Bakit mo naman sinampal ang iyong sarili?
Kung ano-ano kasi ang naiisip nitong baliw kong utak eh. Wala sa sarili kong sagot sa tanong ng isang hindi
pamilyar na boses.
Teka?
Nilingon ko ang nagtanong at nagitla ako ng matagpuan sa may bintana nitong kusina ang isang dalagita.
Siguroy labing anim na taong gulang, itim ang tuwid at hanggang balikat nitong buhok. Nakasuot ito ng
bistidang puti na abot hanggang sahig.
S-sino ka naman? T-taga rito ka ba? usisa ko.
Nakapagtataka. Sa pagkakaalam ko at ayon sa kwento ni Nana Mer, apat lamang kami rito sa bahay. Kung
gayun maaari kayang m-multo?
Hindi kita sasaktan, Jeli. Sa katunayan, ako ang nagligtas sa iyo kagabi. Subalit, hindi ko maipapangako na
matutulungan pa kita ulit. Sana tulungan mo kami. At magiingat ka. Seryoso niyang saad bago ako talikuran at
tumungo sa malaking bintana.
Kung g-ganon, hindi pala panaginip ang lahat?
Subalit hindi nya pa rin sinagot ang aking tanong. Nagulat na lamang ako ng umakyat sya sa bintana at tila ba
nagbabalak tumalon.
U-uy bata! naisigaw ko na lamang at patakbong tinungo ko ang bintana kung saan sya lumundag. Laking
gulat ko ng wala akong makitang anuman sa hardin sa baba nitong bintana.
Pero kitang-kita ko na tumalon sya!

---PARANG-AWA MO NA, HWAG KANG MAMAMATAY.


Limang-araw na mula noong marinig ko ang huling mga salita ng dalagitang lumundag doon sa bintana ng
kusina sa ikalawang palapag nitong mansion.
Ito na ang aking huling araw rito dahil panglabing-apat na araw ko na. Sa wakas, makakakita na rin ako ng tao.
Ang buhay ko sa labas ng matataas na mga pader na bakod nitong mansyon ay puno ng kulay kumpara rito na
animoy mga robot ang mga nakatira. Mga walang emosyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ituring na mga tao
ang mga nananahan rito. Mga robot sila. Mga wirdo. At madalas nakakatakot.
Mabilis na lumipas ang mga oras at namalayan ko na lamang ay gabi na pala.
Gabi na subalit iniisip ko pa rin ang sinabi ni Senyorita Meg kanina habang kasalukuyan kaming nag-aalmusal.
ITO NA ANG ARAW. NAGUGUTOM NA AKO. NASASABIK NA AKONG KUMAIN. PAGKAING
SARIWA.
Ano kaya ang kahulugan ng mga sinabi nya?
Paakyat na ako sa aking silid dala itong singsing ni Itay na nakuha ko sa pinto ng refrigerator. Tapos ko na ang
aking mga gawain at nakapagkandado na rin ako ng buong kabahayan. Ang gate naman kasi ng mansion ay si
Marcus ang nagsasara.
Oras na para maglinis ng katawan at matulog. Masaya kong paalala sa sarili.
Hindi na dapat ako nag-iisip pa ng kung ano-ano. Excited na akong makauwi bukas ng umaga. Excited na akong
makita si Inay. Tiyak na matutuwa rin sya kapag naisauli ko sa kanya itong singsing.
Sa loob ng banyo sa aking silid, mataman kong tinitigan ang aking hitsura sa salamin.
Maputla ang aking balat, nahahawig na halos sa kutis ni Senyorita Meg.
Ngunit ang hindi ko mapaniwalaan ay ng nasasaksihan kong kapansin-pansing pagkasira ng aking mga ngipin.
Bulok na ang mga ito. Paanong?
Nabigla ako sa pagguhit ng isang ala-ala. Nung araw na namatay si Itay, labing-apat na araw na ang nakalilipas.
Tinanong ko si lola noon kung bakit biglaan ang pagkabulok ng ngipin ni Itay. Ang sagot ni lola--Ang pagkain ng karneng tao ay nakabubulok ng ngipin.
Hindi kaya, ang palagi naming ulam?
Biglang sumariwa sa isip ko ang ilan sa mga makakahulugang sinabi nila sa akin.
Hwag kang mag-alala, hija. Dalawang lingo ka lamang magsisilbi sa senyorita. Sa ika-labing apat na araw,
paniguradoy hindi na magku-krus pa ang mga landas natin kahit kailan. Nana Mer
Napakaganda niyang dilag. Malamang ay masarap rin siya masarap siyang magluto.- Marcus
Hindi pa ako nagugutom, hindi pa. Senyorita Meg
ITO NA ANG ARAW. NAGUGUTOM NA AKO. NASASABIK NA AKONG KUMAIN. PAGKAING
SARIWA.
Nanindig ang mga balahibo ko sa huling naalala.

Anak, hindi natin maililibing ang katawan ng Itay mo. Naabo na raw kasi ng pagsabog ng kotse, magkatulad
ang sinapit nila ng Senior Miguel.
Kung gayon bakit? Paanong? Nasa ref ang singsing ni Itay?
Nagmamadali kong inayos ang aking mga gamit. Hindi na ako dapat abutan ng umaga rito. Dapat na akong
makaalis.
Marahan akong lumabas ng kwarto.
Lumalangitngit ang bawat baiting ng kahoy na hagdan dahilan ng abot-abot na kabog ng aking dibdib.
Tanging liwanag lamang ng buwan ang ilaw ko sa aking maingat na paglalakad.
Hayun na ang main door.
Inilingon ko ang tingin sa sabitan ng susi. Naroon banda.
Nang palapit na ako roon ay --Wala rito ang susi?!
Anak ng! nasa banyo, sa kwarto ko. Naiwan ko!
Saan ang punta mo, Jeli? usisa ni Nana Mer.
Nilingon ko sya. Hindi ko mapigil ang panginginig ng mga tuhod ko.
Ito ang unang pagkakataon na tinawag nya ako sa pangalan ko.
Marahil ang mga umiiyak na babae ay mga biktima nila.
Kaya siguro madalas na akong Tawagin sa kung ano-anong pangalan.
S-sinigurado ko lamang ho kung naisara ko ang pinto.
Bakit marami kang dalang gamit?
A-ah, i-ibinaba ko na rin ho. Para ho bukas eh, dito ko na lamang ho kukunin.
Ganun ba?
eh, b-bakit ho kayo may dalang kutsilyo?
Ah, naghahanda kasi ako ng recado para sa lulutiin kong espesyal na menu mamayang medaling araw. May
kakatayin kasi si Marcus.
Napaatras ako at naluha nang biglang may magsalita sa aking likuran.
Sariwa. Permi na lang kasi stock sa ref ang kinakain namin. Oras na para makatikim naman kami ng sariwa.
Lumitaw si Marcus sa kadiliman.
K-kami ho?
Oo. Ani Marcus.
Nakakatakot ang kanyang hitsura.

Bakit,Jeli? May balak ka pa bang magtagal rito? usisa ni Nana Mer.


Hindi! Gusto ko nang umalis! Aalis na ako rito!
--k-kung gayun?
Oo. Si sinyora Meg ang pumatay kay Senior Miguel dahil sa selos.
P-pero nagtrabaho si Itay kay Senior Miguel at naalala ko minsan ay nakilala ko rin siya.
Jeli, tinangka ni Sinyora pero sya ang nabiktima ng sarili nyang tangka. Gayun pa man dahil hindi naman
talaga kailanman nagtaksil ang senior, ginawa nya ang lahat para mabuhay muli ang sinyora. Nagawa nya iyon
sa tulong ng masamang ispiritu. Ang kapalit ay dapat silang mag-alay ng kaluluwa ng mga babae sa diablo at
ang katawan naman ng mga iyon ay kakainin nila upang mapanatili silang nabubuhay at hindi tatanda.
P-pero n-namatay si Senior.
Dahil sa itay mo. Hindi nabigyan ng anak ni sinyora ang ssenior Miguel kayat nang dumating ang iyong ama
at arugain nito ang senior ay minahal niya iti na tila isang tunay na anak. Nung oras na hingiin ni senyora ang
iyong ama para kainin, nagtalo ang mag-asawa at kaya pinatay ni Senyora ng tuluyan ang senior.
--May limang oras akong nanatili sa aking silid matapos ang tagpo na nahuli ako ni Nana Mer at Marcus na
tatakas. Nagulat na lamang ako ng sunduin ako ni dalagita na si Jemma. Sya iyong lumundag sa may bintana sa
kusina. Kaya pala ay isa na laamang siyang kaluluwa.
Kailangan kong makatakas rito!
Dapat kong mailigtas ang aking sarili at nang matulungan ko ng mga kaluluwang nakakulong rito na mga
biktima nina Senyorita Meg.
SA ORAS NA MAKALABAS KA. HILINGIN MO SA KURA PAROKO NA BENDISYUNAN ANG
BAHAY ATSAKA SUNUGIN. SA GAYUN AY MAPALALAYA MO KAMI NG IBA PANG KALULUWA.
PARANG AWA MO NA.
Lumapit ako sa pinto ng aking silid at saka inihilig ang aking tainga.
Pinakinggan kong mabuti ang ingay.
Isang babaeng tumatawa na animoy isang demonyo.
Sa dulong silid iyon nagmumula.
Sa silid kung saan naroon ko nakita ang senyora Meg na balak pala akong ialay sa demonyo at kainin ang
katawan ko.
Aalis na ako rito!
Hinawakan ko ang siradura ng pinto atsaka pinihit iyon.
Tiyak ko na ang gagawin ko.
Bibilang ako ng tatlo at hihilain pabukas ang pinto at walang lingon-lingon akong tatakbo palabas ng gate ng
Impyernong lugar na ito!
Ligtas kong narrating ang gate subalit nanghina ako ng matagpuang nakakandado ito.

Saan ang punta mo,Jeli? ani Marcus na may hawak na kutsilyong pangkatay.
Magpapaklusot na sana ako subalit naramdaman ko na lang--ANG KUTSILYO NA NAKATARAK SA AKING NOO.
--END--

You might also like