You are on page 1of 1

Paghawi (Tula

ng Isang Lupa)
Ni DANIEL B. VEGAS
Kilala ko
ang talampakan
na nagkakalyo
na nakikipagniig
sa akin
Ang mga paang
pinagpala
sa tuwinang
tumatawid
sa kaparangan
ay naghahatid
ng biyaya
sa tulad kong
ibinaon sa limot
Kilala ko
ang bisig
na nakikipagbuno
sa karit
na masuyong
nagdadampi

sa alay
kong buhay
Alam ko
ang lasa
ng maalat
na luha
ng mga humahagulgol
sa tuwinang
may mga buwitre
na nagtatangkang
putulin
ang ating
pagkakaugnay
Higit kong
kinikilala
ang mga taong
umaakyat
ng burol
upang matanto
ang kagandahan
ng kapatagan
Makauri
ang pagkilala ko
sa kung sino
ang dapat
na nagmamay-ari
sa akin

You might also like