You are on page 1of 2

Ronald Patrick D.

Pascual

Siya si Ronald Patrick D. Pascual. Sa kasalukuyan, nag-aaral siya sa Adamson


University sa kursong Chemical Engineering. Sino nga ba sya?
Nagsimula ang kanyang buhay bilang isang batang masunurin sa magulang.
Mahigpit kasi ang mga magulang ni Ron. Hindi siya pinapayagang maglaro sa labas
ng bahay kaya hindi sya agad natutong makipagkaibigan. Sa pagiging taong-bahay
ng maraming taon, nagging mailap sa tao ang bida na ating kuwento. Isa ito sa mga
potensyal na hindi nya agad naidevelop. Kung sanay hindi masyadong protective
ang kanyang mga magulang marahil siya ngayoy magaling na sa pakikipagkapwa
tao.
Si Ron ay hindi pinanganak na matalino. Hindi rin nya gustong maging
marunong sa klase noong pagtungtong nya ng hayskul. Dahil nga mailap sya sa tao,
ayaw nyang nakikilala ng mga guro o kahit mapansin man lang ng ibang tao. Dahil
rito, hindi nya agad natuklasang kaya nya palang mag-isip ng mabilis. Ayaw nya
ding sumali sa kung ano anong contest kahit na lagi silang kumakanta at
sumasayaw ng kanyang kapatid sa bahay. Ayaw nya dahil nahihiya sya. Akala nya
hindi nya kaya.
Marami pang naging problema ang buhay ni Ron. Wala syang gaanong
naging kaibigan sa mga unang taon ng hayskul. Marami syang nakakaaway dahil
masama daw syang makatingin at hindi daw sya pala-imik. Nakaka tatlong
suntukan ata sya sa isang taon. Hindi rin sya gustong maging kagrupo ng kahit sino
sa classroom. Dito niya napagtanto na kailangan nya ng magbago. Kailangan nya
ng kumawala sa buhay na nakagapos sa batas na binigay ng kanyang ama.
Umalis si Ron sa kanilang bahay ng isang buwan. Maaring sabihin ng mga
mambabasa nito na isa pa to sa mga panahong nasayang ni Ron. Pero para sa
kanya, itong isang buwan na ito ang pinakamasayang buwan ng kanyang buhay.
Para kay Ron, kahit puro paglalakwatsa, pagliliwaliw at pagpapakagago ang ginawa
nya sa loob ng isang buwan, naranasan nya nang mabuhay. Para sa kanya, hindi
lahat ng masama ay naging masama ang epekto.
Bumalik si Ron at nakapagtapos ng pag-aaral bilang 3 rd Honorable Mention.
Alam nya sa sarili nya na hindi pa ito ang sukdulan ng kanyang potensyal kaya
sumumpa syang gagawin nya ang lahat sa kolehiyo. Nagkaroon din pala sya ng
mangilan-ngilang mga kaibigan bago grumaduate.
Gustong gusto ni Ron noong makapag-aral sa UP Diliman. Kaso hindi nya
alam kung anong kurso dahil hindi nya agad natuklasan ang kanyang mga interes.
Kumuha sya ng entrance exam at nilagay ang Civil Engineering sa kursong
pagpipilian. Mapalad na pumasa sya rito. Ngunit, sa paghihigpit ng kanyang mga
magulang hindi natuloy si Ron dito. Isa ito sa mga bagay na iniyakan ni Ron. Alam
nya na ang UP ang magbibigay sa kanya ng kalayaan kasabay ng dekalidad na
edukasyon. Isa ito sa mga bagay na sa tingin nyang makakapagpaangat sa kanyang
mga potensyal ngunit hindi nya nakamtan.
Kailangang magmove on. Kahit sobrang nasaktan ni Ron, sinunod nya ang
kanyang mga magulang at nag-aral sa paaralan ng kanyang ama, ang Adamson
University. Bakit kaya Chemical Engineering? Akala kasi ni Ron noon kapag Civil
puro alikabok HAHAHAHA =). Nakuntento naman si Ron lalo na nung natanggap nya
ang kanyang scholarship. Maaring sayang ang UP, pero sa isip nya okay na din ang
Adamson atleast may scholarship. Nung una, pareho ang naging problema ni Ron.
Hindi agad sya nagkaroon ng kaibigan at maraming natatakot sa kanya. Pero
ngayon, alam ni Ron sa sarili nyang napagbubuti at nagagamit na nya ang kanyang
mga potensyal. Nagkaroon na rin sya ng mga kaibigan at natuto na rin syang
makisalamuha sa lahat ng klase ng pag-uugali.
Sa kasalukuyan, maraming pangarap si Ron. Marami syang gustong makamit
bilang isang mag-aaral. Alam niya sa sarili nya na kasabay ng matinding
pagpupursige at dasal, unti unti nyang makakamit ang mga bagay na gusto nyang
mabago at makuha.

Ikaw na nagbabasa nito, maaring naiisip mo na sayang. Sayang na hindi


nagawa ni Ron lahat ng mga bagay na dapat na kanyang ginawa noong bata pa sya.
Pero sa tingin niya, okay lang. Okay lang na hindi naging makulay agad ang
kanyang buhay. Naniniwala sya na ang mga susunod na taon ay magiging
oportunidad para palawakin at pagandahin ang mundong minsay naging ubod ng
payak. Hindi pa huli ang lahat.
I think therefore I am Rene Descartes

You might also like