You are on page 1of 10

EL FILIBUSTERISMO NI JOSE RIZAL

GROUP 2

SCENE 1: ACT 1
TAGPUAN: BAPOR O BARKO
TAUHAN: KAPITAN BASILIO, BASILIO AT ISAGANI
(note: Nasa lower deck ng barko)
KAPT. BASILIO: KAMUSTA NA SI KAPITAN TIYAGO?
BASILIO: TULAD NG DATI, AYAW PARING MAGPAGAMOT NI KAPITAN TIYAGO.
KAPT. BASILIO: (note: pa-iling na sumagot) NOONG MGA BATA PA KAMI NILA KAPITAN TIYAGO, WALA PA ANG DROGA NA IYAN.
HINDI KO RIN LUBOS MAISIP KUNG SAAN BA NAGMULA NG MASAMANG GAMOT NA IYAN.
ISAGANI: MAWALANG GALANG NA PO, NGUNIT ANG OPYO AY ISANG URI PO NG HALAMAN. ITO AY HINDI ISANG GAMOT NA
KATUTUKLAS PA LAMANG, AT HINDI RIN ISANG HALAMAN NA KATUTUBO PA LANG SA GANITONG KAPANAHUNAN,
HINDI BA, BASILIO?
BASILIO: SANG-AYON AKO SA SINABI MO KAIBIGAN. (note: palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)
KAPT. BASILIO: SA PAGKAKATANDA KO, MAYROON NGANG OPYO NOON. (note: malalim na nag-iisip tapos biglang may
maaalala siya) TAMA MERON NGA! NGUNIT ITOY HINDI GAANONG NAPAPANSIN DAHIL ABALA ANG MARAMI SA
PAG-AARAL. MAIBA AKO, KAMUSTA NA NGA PALA ANG ITINATATAG NINYONG AKADEMYA NG WIKANG KASTILA?
BASILIO: HANDA NA PO ANG LAHAT. MAY MGA GURO NA PO AT HANDA NA RING PUMASOK ANG MGA MAG-AARAL.
KAPT. BASILIO: MABUTI KUNG GANOON. SANAY MAGTAGUMPAY KAYO SA INYONG PLANO. PAANO, MAUNA NA AKO SA
INYO. KAILANGAN KO NG PUMUNTA SA ITAAS. MAIWAN KO NA KAYO.
(note: pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdating ng mag-aalahas na sa Simoun.)

SCENE 1: ACT 2
TAUHAN: SIMOUN, BASILIO AT ISAGANI

SIMOUN: MAGANDANG ARAW SA INYO. BASILIO, IKAW BA AY PAUWI NA AT MAGBABAKASYON?


BASILIO: GANOON NA NGA PO GINOONG SIMOUN.
SIMOUN: AT SINO NAMAN ANG IYONG KASAMA? KABABAYAN MO BA SIYA?
BASILIO: SIYA PO SI ISAGANI, ANG AKING KAIBIGAN. HINDI KO PO SIYA KABABAYAN, NGUNIT MAGKALAPIT LAMANG ANG
AMING BAYAN. BAKIT GINOO, HINDI PA PO BA KAYO NAKAKARATING SA BAYAN NILA?

SIMOUN: SADYANG HINDI AKO NAGTUTUNGO SA MGA LALAWIGAN DAHIL ANG MGA TAO DOOY HINDI NAMAN BUMIBILI NG
MGA ALAHAS, SA AKING PALAGAY AY DAHIL SA MAHIHIRAP ANG MGA TAO DOON.
ISAGANI: (note: magsasalita si Isagani na medyo irritable) SADYANG HINDI LAMANG KAMI BUMIBILI NANG MGA GAMIT NA HINDI NAMAN
NAMING KAILANGAN. (note: pilit na ngiti)
BASILIO: (note: sisikuhin niya si Isagani ng mahina. Tsaka kakausapin si Simoun.) IPAGPAUMANHIN NINYO GINOONG SIMOUN,
KAMIY MAUUNA NA SA INYO. ANG TIYO NG AKING KASAMA AY NAGHIHINTAY NA SA AMIN DOON SA MAY DAKONG
HULIHAN.

SCENE 2: ACT 1
TAGPUAN: SEMENTERYO (PAGABI NA)
TAUHAN: BASILIO AT SIMOUN

BASILIO: (note: pagkatapos lagyan ng bulaklak ang puntod. Umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito at parang naiiyak, si Basilio sa
kaniyang sarili) MATAGAL NA RIN NANG HULING PUNTA KO RITO. NAAALALA KO PA RIN ANG MGA PANGYAYARI,
SARIWA PA ANG LAHAT SA AKING ISIP. PARANG KAILAN LANG ANG MGA SAKIT NA SINAPIT KO. (note: napatayo at
napatingin sa isang ilaw na papalapit) ANO IYON?! SI GINOONG SIMOUN! NGUNIT ANONG GINAGAWA NIYA DITO SA
LIBINGAN NG AKING INA? (note: magkukubli si Basilio sa puno).
(note: nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.)
BASILIO: (note: ipinasyang magpakita sa mag-aalahas). MAAARI KO PO BA KAYONG MATULUNGAN, GINOO?
SIMOUN: (note: gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa) ANONG GINAGAWA MO SA GUBAT NA
ITO?
BASILIO: KUNG INYO PONG MAGUGUNITA, SA MISMONG POOK DING ITO TAYO NAGTAGPO MAY LABING TATLONG TAON NA
ANG NAKAKARAAN. SA AKING PALAGAY KAYO PO ANG NAGHANDOG SA AKIN NG ISANG PAKIKIRAMAY.
IKALILIGAYA KO KUNG AKOY MAKATUTULONG NAMAN SA INYO.
SIMOUN: AT SA TINGIN MOY SINO AKO? (note: humakbang paurong).
BASILIO: SI CRISOSTOMO IBARRA. ISANG TAONG IPINAGPAPALAGAY NG LAHAT, MALIBAN SA AKIN, NA PATAY NA.
SIMOUN: (note: kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio) ISANG NAKAMAMATAY NA LIHIM ANG IYONG NALAMAN. ISANG LIHIM
NA MAAARI MONG IKAPAHAMAK. HINDI MO BA NAISIP NA DAHIL DITO AY MAAARI KANG MASAWI SA AKING
KAMAY? TOTOONG AKOY NAPARITO MAY LABING TATLONG TAON NA ANG NAKAKARAAN, UPANG DAKILAIN ANG
ISANG KAIBIGAN NA INILAAN ANG BUHAY PARA IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA PILIPINO LABAN SA MGA
MAPANG-API.
AT NGAYOY NAGBALIK AKO UPANG IPAGPATULOY ANG KANYANG NASIMULAN. HINDI KO AKALAING ANG LASON
NA NAIWAN AY LUBUSAN NG KUMALAT SA LIPUNAN! AT ANG MGA KABATAAN! WALA NG GINAWA KUNDI
SUMUNOD! MAGPA-ALIPIN! HINDI PINAKIKINGGAN!
BASILIO: HINDI GINOONG SIMOUN! KUNG HINDI DAHIL SA PAG-AARAL NG MGA KABATAAN NG WIKANG KASTILA AY HINDI
TAYO PAKIKINGGAN NG PAMAHALAAN. AT ANG WIKANG ITO ANG MAGBUBUKLOD NG TULUYAN SA MGA PILIPINO.
SIMOUN: ISANG PAGKAKAMALI! HINDI KAILANMAN ITO MAGIGING WIKANG PAMBANSA! AANHIN NATIN ANG WIKANG ITO?
ITATAGO LAMANG NG HUWAD NA WIKANG ITO ANG ATING MGA KARAPATAN! ANG ATING MGA PAGKATAO!

BASILIO: MALI ANG INYONG INIISIP, GINOONG SIMOUN.


SIMOUN: IYO NA LAMANG BANG HAHAYAAN ANG IYONG INA AT KAPATID NA MABULOK SAILALIM NG LUPA NA TINATAPAKAN
NG MGA TAONG SIYA MISMONG PUMATAY SA KANILA?
BASILIO: ANO ANG NAIS NINYONG GAWIN KO GINOONG SIMOUN? ISA LAMANG AKONG HAMAK NA ESTUDYANTE, WALA SA
BUHAY. HINDI MAAARING HUKAYIN ANG AKING INA AT IHARAP SA HUKUMAN ANG KANYANG BANGKAY AT
PAGKATAPOS AY MANGBINTANG NANG KUNG SINO-SINONG KASTILA.
SIMOUN: KATULAD KO AY MAY DAPAT KA RING SINGILIN SA LIPUNAN. PINASLANG ANG KAPATID MO AT HINDI NABIGYAN NG
KATARUNGAN ANG PAGKABALIW NG NANAY MO. KAPWA TAYO UHAW SA KATARUNGAN. HAHAYAAN KITANG
MABUHAY BASILIO. SUMAMA KA SA AKIN, SABAY NATING ISAKATUPARAN ANG PLANO LABAN SA MGA MAPANGAPI.
(note: ngunit umalis ng payapa si Basilio. nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
SIMOUN: TAMA KAYA ANG AKING GINAWA? BAHALA NA! MAMAMATAY ANG MAHIHINA AT MATITIRA ANG MGA MALALAKAS!
KAUNTING PAGTITIIS NA LANG, MALAPIT NA AKONG MAGTAGUMPAY. KAUNTING TIIS NA LANG.

SCENE 4: ACT 1
TAGPUAN: HALLWAY NG PAARALAN
TAUHAN: JUANITO, PLACIDO, ISAGANI, PAULITA, TADEO AT MGA EXTRA

TAUHAN1: HINDI BAT SI PLACIDO YUN?


TAUHAN2: ALAM NIYO BA KUNG SAN SIYA NAG-AARAL?
TAUHAN3: ANG BALITA KO NAG-AARAL YAN SA UST, EH. AT NASA IKAAPAT NA TAON NA SIYA NG BACHILLER EN ARTES.
TAUHAN1: YAN ANG PINAKAMATALINONG ESTUDYANTE NI PADRE VALERIO.
(note: naglalakad si Placido tas dadating si Juanito Pelaez tapos tatapikin yung likod ni Placido na ikinainis nito. May
ibubulong si Juanito kay Palcido tapos tatawa siya)
JUANITO: WALA SIYANG MAGAGAWA. ISANG UTOS LANG AY MAIPABIBILANGGO ANG AMA, ASAWA O KAPATID.
NAPAKATANGA NIYANG SI BASILIO! AANHIN NIYA ANG ISANG BABAENG WALANG PERA AT ISANG ALILA,
NAPAKASUNGIT NITO NGUNIT MAGANDA. BALANG ARAW AY MATUTULAD DIN SIYA SA IBA. (note: tatawa)
(note: Dadating si Paulita Gomez. Dadating din si Isagani. Babatiin ni Isagani si Paulita.)
TADEO: ANG GANDA NAMAN NIYA! SABIHIN NIYO NALANG SA PROPESOR NA MAY SAKIT AKO, SUSUNDAN KO LAMANG ANG
NAPAKAGANDANG BABAENG YON! (note: may lalapit na estudyante kay Tadeo)
ESTUDYANTE: PIRMAHAN MO ITO AGAD, ITO AY ISANG PROTESTA SA KAHILINGAN NILA MACARAIG SA PAGPAPATAYO NG
AKADEMYA NG WIKANG KASTILA.
TADEO: DI KO MAARING PIRMAHAN YAN. HINDI AKO MAARING PUMIRMA SA ANO MANG HINDI KO NAUUNAWAAN AT AYOKO
RING LABANAN SI MACARAIG.

SCENE 4: ACT 2
TAGPUAN: BAHAY NI MACARAIG.
TAUHAN: MACARAIG, PECSON, SANDOVAL, ISAGANI, PELAEZ, AT EXTRA (ESTUDYANTE)

MACARAIG: KANINANG UMAGA AY NAKIPAGKITA AKO KAY PADRE IRENE, AT NABANGGIT NIYA SA AKIN NA SA LOS BANOS
DAW PINAG-USAPAN ANG LAHAT. ANG LAHAT DAW AY TUTOL. NGUNIT HINAYAAN NA NILA NA ANG KATAASTAASANG LUPON NG PAARALANG PRIMARYA ANG MAG-DESISYON.
PECSON: NGUNIT HINDI NAMAN KUMIKILOS ANG LUPONG IYAN!
MACARAIG: YAN DIN ANG AKING SINABI KAY PADRE IRENE. ANG SABI NIYAY SI DON CUSTODIO, ISANG SANGGUNI NG
LUPON ANG MAGDEDESISYON.
PECSON: PAPAANO KUNG LABAN SA ATIN ANG DESISYON?
MACARAIG: SINABI KO RIN IYAN KAY PADRE IRENE AT ANG SABI NIYA SA AKIN AY GANITO, MALAKI NA ANG ATIN TINAMO,
NAGAWA NA NATIN NA ANG ATING KAHILINGAN AY MAIUMANG SA ISANG KAPASYAHAN. SINABI NI PADRE IRENE
NA KUNG TAYOY MAKIKIPAGKILALA KAY DON CUSTODIO AY MAGAGAWA NATING HILINGIN ANG KANYANG
PAGSANG-AYON.
SANDOVAL: SA PAPAANONG PARAAN NAMAN?
MACARAIG: DALAWANG PARAAN ANG SINABI SA AKIN NI PADRE IRENE.
PECSON: ANG INTSIK NA SI QUIROGA!
SANDOVAL: ANG MANANAYAW NA SI PEPAY!
ISAGANI: TIGNAN PA NATIN ANG ISANG PARAAN. MAAARI NAMANG SI GINOONG PASTA ANG ATING LAPITAN.
SANDOVAL: ANG ABUGADONG HINIHINGIAN NG PAYO NI DON CUSTODIO?
ISAGANI: OO, SIYA NGA. ISA SIYANG KAMAG-ARAL NG AKING AMAIN. ANG PROBLEMA LANG AY KUNG PAPAANO NATIN SIYA
LALAPITAN UPANG PAKIUSAPAN SI DON CUSTODIO NA PABURAN TAYO.
MACARAIG: HINDI BAT SI GINOONG PASTA AY MAY KALAGUYONG ISANG MANANAHI.
ISAGANI: WALA NA BANG IBANG PARAAN BUKOD SA PAGHAHANDOG NG KANILANG MGA KALAGUYO?
PELAEZ: HUWAG KA NA NGANG MAARTE! ISIPIN MO NA LANG ANG KAGINHAWAANG MAGAGAWA NOON. KILALA KO ANG
BABAE, SI MATEA.
ISAGANI: HINDI NAMAN SIGURO MASAMA KUNG ATIN MUNANG SUSUBUKAN ANG MGA PARAANG HINDI MAHALAY TIGNAN.
KAKAUSAPIN KO SI GINOONG PASTA. KUNG AKOY HINDI MAGTATAGUMPAY, TSAKA NATIN GAWIN ANG IBANG
PARAAN.
MACARAIG: MARAHIL AY TAMA SI ISAGANI. KUNG GAYOON, HINTAYIN NATIN ANG RESULTA NG PAKIKIPAG-USAP NIYA KAY
G. PASTA.

SCENE 4: ACT 3
TAGPUAN: SA MAY SELDA
TAUHAN: BASILIO, MACARAIG, KAWANI, 2 GWARDYA

KAWANI: ANONG GINAGAWA MO RITO?


BASILIO: NARITO PO AKO UPANG DALAWIN ANG AKING KAIBIGAN NA SI MACARAIG. (note: biglang dadating si Macaraig na
hawak-hawak ng dalawang gwardya sibil)
KAWANI: ANONG PANGALAN MO?
BASILIO: BASILIO PO.
GWARDYA 1: (note: may kukuhaing papel at babasahin. Makikita niya na nakasulat dito ang pangalan ni Basilio.) NANDITO PO SA
LISTAHAN ANG KANYANG PANGALAN.
KAWANI: (note: ituturo si Basilio) DAKPIN YAN AT ISAMA!
(note: susundin ng mga gwardya ang sinabi nito at lalabas na)

SCENE 4: ACT 4
TAGPUAN: BAHAY NI HERMANA PENCHANG
TAUHAN: HERMANA PENCHANG, JULI (HULI) AT PADRE CAMORRA

(note: papasok si Padre Camorra na may kasamang dalawang gwardya sibil. Bubungad sa kanya ang nakaupong si Hermana
Penchang at ang naglilinis ng lapag na si Juli)
HERMANA PENCHANG: (note: lalapitan si Padre Camorra) OH PADRE CAMORRA, MAGANDANG GABI! TULOY PO KAYO.
PADRE CAMORRA: MAGANDANG GABI DIN!
HP: PADRE, HINDI KO INAASAHAN ANG PAGDATING NINYO. BAKIT HO NAPARITO KAYO? (note: papalapit sila sa isang upuan.)
PADRE, UPO PO KAYO.
PC: NAIS KO LANG BUMISITA SA ISANG KAIBIGAN.
HP: (note: tataklob ng pamaypay sa kanyang bibig) GAMAN PADRE? TEKA LANG, MERON LANG AKONG KUKUNIN SA INYO.
(note: sa paglabas ni Hermana Penchang at ang paglapit ni Juli kay Padre Camorra.)
JULI: (note: luluhod at hahawakan ang kamay ni Padre Camorra. Magmamakaawa.) PADRE, TULUNGAN NYO PO AKO. TULUNGAN
NYO PO AKONG PALAYAIN SI BASILIO, PADRE. (note: paiyak.)
PC: HUMINAHON KA, IHA.
JULI: PADRE, TULUNGAN NYO PO AKO.

PC: HUMINAHON KA, IHA. TUMAYO KA. (note: tatayo si Juli.) TUTULUNGAN KITA.
JULI: TALAGA PO, PADRE?
PC: NGUNIT SA ISANG KUNDISYON.
JULI: KAHIT ANO PONG KUNDISYON, BASTA PO KAY BASILIO.
PC: (note: may-masamang-balak-na-mukha.) HMMM
(note: Nahalata ng dalawang gwardya. Silay aalis at maiiwan na mag-isa sina Juli at Padre Camorra.)
PC: (note: hahawakan sa braso then mukha)
JULI: (note: magugulat at matatakot.) PADRE? (note: spg. Joke!) PADRE, HUWAG! PADRE, HUWAG PO!
PC: (note: hawak-hawak niya si Juli sa magkabilang braso.) HUWAG KANG MALIKOT.
(note: dadating muli si Hermana Penchang. Gulat na gulat sa nangyayari.)
JULI: (note: paiyak.) MAAWA KA PADRE! MAAWA KA!! (note: sisipain niya si Padre Camorra at makakatakas. Nanginginig sa takot na
pumunta siya sa may dambana.)
(note: lalapitan naman ni Hermana Penchang si Padre Camorra. Sabay sasampigahin o sasampalin niya gamit ang pamaypay
si Padre Camorra. Si Juli naman ay tatalon, sisigaw at mamamatay.)
HP: (note: susundan nito si Juli ngunit huli na ang lahat dahil nahulog na ito. Malungkot na nakatingin sa bangkay ni Juli habang
sumisigaw.) HULIHULI!!

SCENE 4: ACT 5
TAGPUAN: SEMENTERYO
TAUHAN: ISANG PARI, MGA KAKILALA NI JULI AT BASILIO.

BASILIO: (note: lalapitan ang puntod ni Juli. Luluhod malapit dito. Paiyak.) HULIHULI KO. MAHAL KO. BAKIT MO AKO INIWAN,
HULI?
KAKILALA 1: (note: habang nagsasalita si Basilio at iniimik ito.) PUMUNTA SIYA KAY PADRE CAMORRA UPANG HUMINGI NG
TULONG PARA PALAYAIN KA. NGUNIT HINDI NAMIN AKALAIN NA IYON PALA ANG MAGWAWAKAS NG KANYANG
BUHAY.
BASILIO: (note: yung mukha niya ay parang maghihiganti. Galit na galit. Sabay tatayo at haharap dun sa KAKILALA 1) PUMUNTA
TAYO KAY DON SIMOUN.
(note: tatango yung KAKILALA 1 sabay aalis sila pareho.)

SCENE 5: ACT 1
TAGPUAN: BAHAY NI SIMOUN
TAUHAN: SIMOUN, BASILIO, KABESANG TALES AT MGA KATIPUNERO

BASILIO: GINOONG SIMOUN, ISA AKONG NAPAKASAMANG ANAK AT KAPATID. NAKALIMUTAN KONG PINATAY ANG AKING
KAPATID AT PINAHIRAPAN ANG AKING INA. NGAYON PINAPARUSAHAN NA AKO NG DIYOS. WALA NA AKONG
NARARAMDAMAN KUNDI GALIT AT PAGHIHIGANTI! (note: galit na paiyak)
(note: sabay uupo silang lahat sa may upuan.)
BASILIO: KAHIT NOONG HIMAGSIKAN, AY HINDI AKO NAKIALAM. INAKUSA AT IKINULONG, KAHIT WALA AKONG KASALANAN.
NGAYON, HANDA NA AKONG IPAGLABAN ANG ATING BAYAN.
SIMOUN: SA TULONG MO AKOY MAGTATAGUMPAY. (note: biglang ipapakita yung lampara.)
BASILIO: PARA SAAN NAMAN ANG LAMPARANG IYAN?
SIMOUN: HINTAYIN MO. (note: may kukunin na pulbura o gas. Ilalagay doon sa lampara)
BASILIO: DINAMITA?!
SIMOUN: OO, NGUNIT HINDI ITO BASTA-BASTA DINAMITA. MAMAYANG GABI AY MAGKAKAROON NG PISTA. ILALAGAY ITONG
LAMPARA SA GITNA NG HANDAAN. NAPAKANING-NING NG ILAW NG LAMPARANG ITO. NGUNIT PANSAMANTALA
LANG. SA ORAS NA MAWALA ANG ILAW NITO AT INAYOS ANG MITSA, SASABOG ANG LAMPARA.
(note: magugulat yung mga kasama ni Basilio.)
BASILIO: KUNG GAYOY, HINDI NIYO NA PALA AKO KAILANGAN.
SIMOUN: IBA ANG IYONG GAGAWIN. PAGKARINIG NG PUTOK AT LALABAS ANG MGA KATIPUNERO. PUPUNTA ANG LAHAT SA
KINAROROONAN NI KABESANG TALES SA MAY STA. MESA. SABAY-SABAY NA LULUSOB ANG LAHAT.
MAGKAKAGULO AT ANG MGA TAO AY NANAISIN NA RING LUMABAN. (note: ituturo si Basilio.) IKAW ANG
MANGUNGUNA SA IBA. DALHIN MO SILA SA BAHAY NI QUIROGA AT KUNIN NIYO ANG MGA BARIL AT PULBURA NA
NAKATAGO SA KANYANG BODEGA. KAMI NAMAN NI KABESANG TALES, AY SUSUBUKANG AGAWIN ANG TULAY.
MAMAMATAY ANG LAHAT NG MAHIHINA, ANG LAHAT NG HINDI HANDA.
BASILIO: LAHAT? LAHAT NG WALANG LABAN?
SIMOUN: OO, LAHAT. LAHAT NG MGA INDIO, INTSIK, MESTIZO AT MGA KASTILA.
BASILIO: ANO NA LANG ANG SASABIHIN NG MUNDO SA GAGAWIN NATING ITO?
SIMOUN: PUPURIHIN TAYO NG DAIGDIG.
BASILIO: AT ANO NAMAN ANG PAKIALAM KO KUNG PUPURIHIN TAYO O HINDI?
SIMOUN: TAMA KA. (note: sabay bigay ng revolver kay Basilio) HINTAYIN NIYO AKO SA TAPAT NG SIMBAHAN NG SAN AGUSTIN.
ALAS-DIYES NG GABI, AASAHAN KO ANG INYONG SUPORTA. PARA SA KALAYAAN. MABUHAY ANG PILIPINAS!
LAHAT: MABUHAY!
BASILIO: KUNG GAYOY MAGKITA NA LANG TAYO GINOONG SIMOUN. (note: sabay alis nilang lahat maliban kay Simoun.)

SIMOUN: (note: uupo sa upuan. Pagmamasdan ang lampara. Masaya.)

SCENE 5: ACT 2
TAGPUAN: SA BAHAY NINA PAULITA O JUANITO
TAUHAN: BASILIO, ISAGANI, PAULITA, JUANITO, KAPITAN HENERAL, BEN ZAYB, MGA PADRE, MATAAS NA KAWANI, DONYA
VICTORINA AT SIMOUN.

BASILIO: (note: nakatago sa isang puno habang pinagmamasdan si Simoun na papunta sa handaan dala-dala ang lampara.)
(note: habang yung iba na imbitado sa handaan ay nakaupo na sa may kainan. Dadating na si Simoun.)
DONYA VICTORINA: OH GINOONG SIMOUN. SALUHAN MO NAMAN KAMI.
SIMOUN: MAGANDANG GABI, MGA KAIBIGAN. ISANG REGALO PARA SA BAGONG KASAL. NAWAY PAGPALAIN KAYO NG
PANGINOON. AT BIGYAN NG MARAMING ANAK. (note: sabay ilalapag ang lampara sa lamesa.)
DONYA VICTORINA: ANO KAYA ITO? (note: yung nakataklob sa lampara ay tatanggalin. Mamamangha ang mga nandoon.)
EKSELENTE! MARAMING SALAMAT GINOONG SIMOUN!
SIMOUN: WALANG ANUMAN. (note: bibigayan siya ng baso na may wine) MABUHAY ANG BAGONG KASAL!
LAHAT: MABUHAY! (note: sabay inom)
(note: akmang susubuan ng cake ni Juanito si Paulita ngunit tatanggihan ito ni Paulita.)
(note: habang si Ben Zayb naman ay pinagmamasdan ang lampara. May kinuha sa ilalim na sulat.)
BEN ZAYB: ANO KAYA ITO? (note: binasa) NAKASULAT DITO MANE THACEL PHARES, JUAN CRISOSTOMO IBARRA.
(note: magugulat ang lahat.)
MATAAS NA KAWANI: HINDI MAGANDANG BIRO. ISANG PAGBABANTA MULA SA ISANG TAONG MATAGAL NG NAMAYAPA?
PADRE SALVI: (note: kukunin yung sulat at babasahin. Magugulat dahil sulat nga ni Ibarra.) SI IBARRA ANG NAGSULAT KAMAY
NITO!
KAP. HEN: (note: nagpapanggap na di takot.) TULOY ANG KASIYAHAN! WALANG DAPAT IPANGAMBA. WALANG KWENTA ANG
GANYANG BIRO.
CHUCHU: BAKA LASUNIN TAYO.
(note: napabitaw sila sa kanilang kinakain.)

(note: paalis na dapat si Basilio ng dumating si Isagani.)


ISAGANI: ANONG GINAGAWA MO RITO?

BASILIO: TARA, UMALIS NA TAYO DITO.


ISAGANI: AALIS? BAKIT? .PUNTAHAN NATIN SI PAULITA. PAALIS NA SIYA BUKAS.
BASILIO: GUSTO MO BANG MAMATAY?
ISAGANI: HINDI KO ALAM. MAKINIG KA, ANG LAMPARA SA LOOB AY MAY PULBURA. DALAWANG ORAS ITO AY SASABOG.
TARA NA!
ISAGANI: (tatakbo papunta sa loob)
KAP. HEN: PADRE IRENE, PAKITAAS NGA NG MITSA.
PADRE IRENE: SA ISANG SAGLIT LAMANG.
ISAGANI: (note: kinuha ang lampara at itinapon sa labas.)
LAHAT: MAGNANAKAW! HULIHAN SIYA!
(note: imagine na sumabog yung lampara)
LAHAT: AHHHHH!
CHUCHU: DINAMITA!
BEN ZAYB: NGUNIT, SI SENOR SIMOUN ANG NAGDALA NG LAMPARA.
PADRE SALVI: SIMOUN? CRISOSTOMO IBARRA!
DONYA VICTORINA: ALAM KO NA! SI DON SIMOUN AT CRISOSTOMO IBARRA AY IISA!
(note: magugulat ang lahat)
CHUCHU: ISANG TAKSIL!
PADRE SALVI: HALUGHUGIN ANG BAHAY NILA!

SCENE 5: ACT 3 (LAST SCENE)


TAGPUAN: BAHAY NI SIMOUN, SIMBAHAN
TAUHAN: SIMOUN, PADRE FLORENTINO

SIMOUN: (note: nakaupo at nakahawak sa kanyang ulo. Hindi mapalagay.) HINDI, HINDI ITO MAAARI. DAPAT NATULOY IYON.
NAGTAGUMPAY ANG PAGHIHIGANTI. DAPAT NAMATAY SILANG LAHAT. (note: mapapatingin sa isang bote na may
lason) HINDI AKO MAGPAPAHULI NG BUHAY. (note: hawak-hawak na iyong maliit na bote. Nag-aalinlangan kung iinomin
ba o hindi) NGUNIT PATAY NA SI MARIA CLARA. WALA NG SILBI ANG BUHAY KO. BAHALA NA . (note: sabay inom.
Pagka-inom ay kinuha nya ang isang kahon na naglalaman ng kanyang lihim at pumunta sa simbahan kung nasaan si
Padre Florentino)

(note: parang lasing na naglalakad papunta sa simbahan. Ume-epekto na kasi yung lason. Kakatok sa pintuan. Sa pagbukas
ni Padre Florentino ay ang pagtumba ni Simoun. Mabuti na lang at nasalo niya ito.)
PADRE FLORENTINO: SENOR SIMOUN! SENOR SIMOUN, ANONG NANGYARI SA INYO? (note: aalalayan papunta sa kama o
upuan)
PF: MATITIIS NYO BA ANG PAGHIHIRAP, GINOONG SIMOUN?
SIMOUN: NAWALA NA ANG LAHAT. KAYAT HANGGANG SA HULING SANDALI ALAM KO NA MALAPIT NA ANG WALANG
HANGGANG KAPAYAPAAN.
PF: DIOS KO!
SIMOUN: HUWAG KAYONG MATAKOT.
PF: MAY GAMOT PA PO AKO DYAN GINOONG SIMOUN. MAGHINTAY KA, KUKUNIN KO LANG. (note: pipigilan siya ni Simoun.)
SIMOUN: HUWAG NA KAYONG MAG-AKSAYA NG PANAHON PADRE. PADRE, TULUNGAN NYO AKO. AYOKONG MAMATAY NA
MAY DALANG KASAMAAN.
PF: PATAWARIN KA NG DIYOS, ANAK. ALAM NIYANG HINDI MO GINUSTO ANG LAHAT. NA IKAW AY NASILAW LAMANG NG
GALIT AT PAGHIHIGANTI. KAGUSTUHAN NIYA ANG LAHAT. HINDI NAGTAGUMPAY ANG IYONG PLANO DAHIL SA
KANYA SAPAGKAT HINDI ITO TAMA. IGALANG NATIN ANG KANYANG KAPASYAHAN.
SIMOUN: SA PALAGAY NYO PO BA. ANG DIYOS ANG NAGPAKALOOB NITO?
PF: WALANG MAKAKAPAGSABI NG INIISIP NG DIYOS, ANAK. NGUNIT KAILANMAY HINDI SIYA NAGHANGAD NG MASAMA
PARA SA ATIN.
SIMOUN: KUNG GAYOY BAKIT HINDI NIYA AKO TINULUNGAN?
PF: SAPAGKAT MALI ANG IYONG PAMAMARAAN. PAG-IBIG LANG ANG NAKAKAGAWA NG GANYANG KAHINAAN.
SIMOUN: NAIINTINDIHAN KO PO PADRE. MAKASALANAN PO ANG TAO. PERO BAKIT? BAKIT AKO ANG PINAPARUSAHAN? AT
HINDI ANG MASASAMANG NAMAMAHALA? NA WALANG IDINULOT KUNDI KASAMAAN?
PF: DAPAT MALAMAN ANG KINALALAGYAN BAGO MAHALIMUYAK ANG BANGO.
SIMOUN: MARAMING SALAMAT PO PADRE. NGAYON AY PAYAPA NA ANG AKING KALOOBAN. (note: unti-unting pinikit ang
kanyang mga mata. Patay na!)
PF: ANG INYONG LIHIM AY IBABAON KO HANGGANG SA AKING LIBINGAN.
-----WAKAS-----

You might also like