You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Pambansang Pamantasan ng Batangas


Z. B. Zuo Kampus
Namunga, Rosario, Batangas

BanghayAralinsa Filipino 9

Mga Pamantayang Pangnilalaman

I.

Mga Layunin
Sa pagtatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad ang bisang pandamdamin at pangkaisipan mula sa napakinggang


kwento.
2. Napatutunayan na ang mga pangyayari sa kwento ay maaaring maganap sa tunay
buhay.
3. Naisusulat nang may pagkakasunod ang mga pangyayari sa kwentong binasa.
II.

PaksangAralin
A. Paksa: Anim na Sabado ng Beyblade
ni Ferdinand Pisigan Jarin
B. Kagamitan:
1. Sipi ng Anim na Sabado ng Beyblade
2. Pantulong-Biswal
3. Internet
C. Sanggunian
1. Aklat ng Panitikang Asyano (pahina 23-26)
D. Metodolohiya at Estratehiya
1. Pabuod na Talakayan
2. Isahan/Indibidwal na Gawain

III.

MgaYugto sa Pagkatuto

Panimulang Gawain
1.
2.
3.
4.

Pagbati at Pagdarasal
Pagtatalang Liban
Pagbabalik- aral
Pampasiglang Gawain

A. Pagganyak
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga gabay na tanong:
1. Balikan natin ang inyong kabataan, noong kayo ay nasa elementarya
pa lamang, ano ang kadalasan ninyong ginagawa tuwing sumasapit
ang araw ng Sabado?
2. Ano ang mga paboritong laro ang inyong gustong laruin noon?
3. Ano ang pinakapaborito ninyong laruan noon? Bakit?
4. Pamilyar ba kayo sa laruang beyblade? Ano ang alam mong mga
katangian ng laruang ito?
B. Paglalahad ng Aralin
1. Ilalahad ng guro ang kwentong tatalakayin.
2. Ilalahad din ng guro ang mga layunin/inaasahang bunga sa
nakahandang talakayin.
3. Kikilalanin ng mga mag-aaral ang awtor ng kwentong babasahin sa
pamamagitan ng graphic organizer.

Ferdinand Pisigan
Jarin

4. Makikinig at uunawain ng mabuti ng mga mag-aaral ang kwentong


tatalakayin.

C. Analisis
1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang beyblade ang bahaging
kuwentong iyong binasa?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan.
3. Kung ikaw ang magiging awtor ng kwento, ganito rin ba ang
gagawin mong wakas? Bakit? Bakit hindi?

4. Masasabi mo bang nangyayari sa tunay na buhay ang mga


pangyayari sa kwentong binasa? Magbigay ng patunay.
D. Abstraksyon
Anong pagbabagong pangkaisipan at pandamdamin ang namutawi sa
iyo matapos basahin ang kwentong Anim na Sabado ng Beyblade? Anong
binago nito sa iyong pag-uugali?
E. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
1.

Gamit ang isang Concept Analyzer, itala ang mga pagdurusa at


hinagpis na dinanas ng Ama ni Rebo at ni Rebo. Ibigay ang
inyong damdamin tungkol dito.

Ama

Pagdurusa at
Hinagpis

Rebo

2.

Ilarawan ang mga tauhan sa pamamagitan ng masining na


pagguhit.

3.

Kung ikaw ang ama ni Rebo, ano ang mga gagawin mo upang
mapasaya si Rebo sa kanyang mga huling araw. Ipakita ito sa
pamamagitan ng role playing.

4.

Ilahad ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng


kwento, gamit ang isang grapikong presentasyon, ang timeline.

TIMELINE
Sabado 1

Sabado 2

Sabado 3

Sabado 4

Sabado 5

Sabado 6

Mga Pamantayan sa Pagmamarka


Pamantayan
1. Kaangkupan ng Impormasyon
2. Kasiningan ng mga salitang ginamit
3. Kagandahan ng awtput
4. Kagandahan ng paglalahad
5. Partisipasyon ng bawat miyembro

F. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2. Ano ang pinakapaboritong laruan ni Rebo?
3. Kailan ipinagdiwang ni Rebong kanyang kaarawan?
4. Ilang taon si Rebo nang siya ay pumanaw?
5. Ano ang nais ipahiwatig ng huling pahayag sa kwento na
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang
hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro.
Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot.?

IV.

Takdang Aralin

Kung malapit na ang iyong kaarawan, ano ang hihilingin mong maging regalo sa
iyo? Bakit? Iguhit ito at ilarawan.

Inihanda ni:

Maria Andrea D. Garcia


Iniwasto ni:

Bb. Julie Fe A. Comia

You might also like