You are on page 1of 22

Kasalukuyang

Estilo at
Pamamaraan sa
Pagsulat ng
Maikling Kwento at
Nobela

MGA TIP SA
PAGSULAT NG
MAIKLING
KWENTO

1. Mga Mungkahi Upang


Madaling Makapagsulat ng
Kwento
a) Sino ang iyong pangunahing tauhan
(protagonista)? Ano ang gusto
niyang gawin?
b) Ano ang mga gagawin niyang
pagkilos upang matupad ang
kanyang nais na mangyari?

c) Ano ang mga hindi inaasahang


pangyayari kaugnay sa ikinilos
protagonist ang magpapaigting
sa damdamin ng kwento?
d)

Anu-anong mga detalye sa


tagpuan, usapan at umiiral na
damdamin ang makatutulong
upang mabuo mo ang iyong
kwento?

e)

Anong desisyon ang gagawin ng iyong


tauhan sa kasukdulan ng kwento?
(Nararapat lamang na makatarungan ang
desisyong ito at hindi inaasahan ng mga
mambabasa.)Ipakita ito sa mahusay na
paggamit ng mga salita upang gisingin ang
damdamin ng mga bumabasa.

Nahihirapan ka pa bang
bumuo ng iyong kwento?
Heto ang ilan pang makatutulong upang
magkaroon ka ng ideya:
Tumingin ka sa iyong paligid o
dumungaw ka sa bintana.
Palagi kang magdala ng notbuk o
iba pang susulatan.
Regular kang magsulat.
Mangalap o mangolekta ng mga
kwento mula sa mga taong nakikilala
mo.

Magbasa nang magbasa.

2. Gawing kawili-wili ang mga


unang pangungusap ng iyong
kwento.
a) Aksyon agad.

3. Linangin at paunlarin
ang Karakterisasyon
a) Idebelop ang isang buhay,
humihinga, at natatanging tauhan.
Ipakila silang mabuti sa iyong
kwento sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mahahalagang
detalye tungkol sa kanila.
b) Ano ang hitsura ng iyong tauhan?
Bigyan ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa pisikal na
anyo ng iyong tauhan ang mga
mambabasa.

c) Paano kumilos ang iyong tauhan? Huwag


lamang gumamit ng payak na
katagangtamad. Ipakita ito sa mga kilos
at gawi ng tauhan.
Halimbawa:Narinig na ni Rosa ang
sigaw ng ina para gumising na siya
subalit mahigpit pa rin ang pagyakap
niya sa kanyang unan.Kanina pa siya
gising subalit ayaw niyang bumangon
dahil tiyak na uutusan na naman siya na
bumili sa tindahan.

d) Paano magsalita ang iyong tauhan?


Ipakita ang paglinang ng tauhan
bilang isang tunay na tao at iaayon
ang mga panalita niya sa antas niya
sa lipunan,sa kanyang ugali at
katangian.
e) Paano mag-isip ang tauhan mo?
Ilarawan ang mga proseso ng pag-iisip
ng iyong tauhan, ang kanyang mga
takot, pangamba, alaala at adhikain sa
buhay.

4.Sumulat ng
Makabuluhang
Usapan/Dayalogo
a) Bigyan ng sariling talata ang
bawat nagsasalita. Maaari ring
isulat dito ang ginagawa ng tauhan
habang nagsasalita?
Halimbawa:
Saan ka pupunta? usisa ni
Restor habang minamasdan niya
ang pagbabalot ng damit ni
Teresa.

Hindi lumingon si Teresa.Alam


niyang masasaktan lamang si Restor.
Subalit hindi niya mapigilang ibulalas
ang halos puputok na niyang puso.
Sa mga nanay.Huwag mo akong
subuking susundan.
b) Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang
detalye upang sa gayon ay
mahamon mo ang mga mambabasa na
makapagbigay ng sariling hinuha
tungkol sa kwento.

5.Pumili ng angkop na
paningin o pananaw.
Gagamit ka ba ng unang panauhan o
ikatlong panauhan? Sino ang
magkukwento ang pangunahing
tauhan ba o ang katulong na tauhan?
Mababasa ba ng nagsasalaysay ang
isip at damdamin ng lahat ng tauhan o
ng isang tauhan lamang?

6.Gumamit ng angkop
na tagpuan at
konteksto.
Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang
kumikilos sa napili mong tagpuan. Ang
pagguguni-guni o imahinasyon ay
makatutulong upang matamo ang ninanais
na balanse ng tagpuan at tauhan. Maglagay
ng mga malilinaw na detalye tungkol sa
tagpuan. Gamitin ang mga pandama o
senses (pang-amoy, paningin, pandinig,
panlasa, pandamdam)upang tumulong na
ipinta ang tagpuan at konteksto ng iyong
kwento.

7.Isaaayos ang banghay o


mga pangyayari sa
kwento.
Piliin ang mga eksenang tiyak na
magiging kapana-panabik sa mga
mambabasa. Kung nahihirapan pa rin
subukan ang brainstorming tulad
nito.
Halimbawa: Ikaw ay isang payak na
maybahay at bigla na lamang umuwi
ang iyong asawa at sinabing hindi ka
niya mahal at iiwan ka na niya. Ano
ang maaaring mangyari sa iyo batay
sa sitwasyong ito?

Magiging abala ka na lamang sa iyong gawaingbahay.


Magmumukmok ka kasama ng mga anak mo.
Gugustuhin ng mga anak mong tumira sa piling ng
kanilang ama dahil sa pakikitungo mo sa kanila.
Uuwi ka ng probinsya.
Hahanap ka ng trabaho.
Ibebenta mo ang inyong bahay at iba pang ariarian.
Hahanap ka ng bagong nobyo.
Babalik ang asawa mong nagsisisi sa pag-iwan sa
iyo.
Hindi mo siya tatanggapin o kayay tatanggapin mo
siya.
Titira ka sa iyong mga magulang.
Magpapakamatay ka. Magpapakamatay ang iyong
asawa

8.Lumikha ng tunggalian
at tensyon
a.Hiwaga
b.Pagpili
c.Papahirap na mga pagsubok
d.Sanhi at Bunga

e.Sorpresa
f.Pakikipagsimpatya

g.Kaliwanagan ng isip o Inspirasyo


h.Unibersalidad
i.Kahalagahan

9.Linangin ang Krisis o


Kasukdulan
Sikaping ang kasukdulan ay
magaganap sa tamang sandali.
Kapag napakaaga, aasa pa ang
mga mambabasa na may kasunod
ito; kapag naman napakatagal ay
kababagutan na ito ng mga
mambabasa.

10. Humanap ng
Kalutasan sa Suliranin
Ang paglutas ng suliranin ay maaaring
Bukas. Ang mambabasa ang
makakatagpo ng kahulugan.
Sarado. Nalutas ang suliranin sa
katapusan.
Balik lamang sa simula. Katulad ng
naunang sitwasyon o imahen.

Monologo. Magbibigay ng komento ang


tauhan.
Dayalogo. Mag-uusap ang mga
tauhan.
Literal na imahen o larawang
diwa tagpuan o aspeto ng tagpuan
na magiging kalutasan o katapusan ng
banghay.
Simbolikong imahen. Detalyeng
kumakatawan sa kahulugan lampas
basa kahulugang literal.

THANKYO
U!

You might also like