Republic of The Philippines

You might also like

You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


Jose B. Zuo Campus
Rosario, Batangas
Pangunahing Panuto:
1. Basahin ang mga panuto at sagutin nang matapat ang lahat ng tanong sa bawat bilang sa
nakahandang sagutang papel sa likod.
2. Lahat ng uri ng pandaraya ay hindi pinapayagan; kung mahuhuli sa kahit anong paraan ay
makakatanggap ng bawas na marka at kung uulitin ay maaaring maimbalido ang
pagsusulit.
3. Kung may mga katanungan, marapat na lumapit sa gurong nagbibigay ng pagsusulit.
4. Iwasan ang pagbubura. Lahat ng pagbabago ng sagot ay mangangahulugang mali.
Kinatutuwaan ng Panginoon ang taong matapat sa lahat ng pagkakataon
I.

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.


__________1.) Ito ay pagpapayaman sa bokabularyo ng wika upang magamit itong
kasangkapan sa talakayang intelektwal o sa matatayog na larangan ng karunungan at
kaalaman.
__________2.) Ayon sa kanya ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang malaki
sa elaborasyong leksikal.
__________3.) Ang mga titik ay tinatawag ng pa-Kastila na kilala sa tawag
na__________.
__________4.) Binalangkas niya ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na
ABAKADA dahil sa tawag na unang apat na titik niyon.
__________5.) Ilang Alpabeto mayroon ang wikang Filipino?
__________6.) Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang pangrehiyon, Arabic at Kastila.
__________7.) Ang saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.
__________8.) Nilagdaan niya ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na
nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang mga
kapangyarihan at tungkulin.
__________9.) Pinalabas niya ang kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag- aatas sa
lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na
nag- uutos na gamitin ang Filipino sa laht ng komunikasyon at transaksyon ng
Pamahalaan.
__________10.) Nilagdaan niya ang Proklamasyon Blg. 186 na nagsususog sa Proklama
Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nitoy inililipat ang panahon ng pagdidiwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa taon- taon simula sa ika- 13 hanggang ika- 19 ng
Agosto.

II.

Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1.) Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng wika maliban sa:


a. Nagbubuklod ng Rehiyon.
b. Instrumento ng Komunikasyon .

c. Nag- iingat at nagpapalaganap ng kaalaman .


d. Lumilinang ng malikhaing pag- iisip.
2.) Ang tungkulin ng wika bilang Instrumental ay:
a. Tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at
pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
b. Tungklin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng
ibang tao.
c. Tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
d. Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinion.
3.) Oragon nga ba ang mga Bikolano dahil sa sila ay kumakain ng sili?, anong antas ng
wika ang naipakita sa pahayag?
a. Pambansa
c. Pampanitikan
b. Lalawiganin
d. Kolokyal
4.) Tara ng lumafang sa tsibugan ni Aling Diosa., anong antas ng wika ang naipakita sa
pahayag?
a. Kolokyal
c. Balbal
b. Pambansa
d. Pampanitikan
5.) Ang mga sumusunod ay barayti ng wika maliban sa:
a. Dayalek
c. Idyolek
b. Sosyolek
d. Pormal
6.) Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!, at Wow pare, ang tindi ng tama ko!
Heaven!, ang mga pahayag na nasa anong barayti ng wika?
a. Dayalek
c. Idyolek
b. Sosyolek
d. Creole
7.) Ang mga sumusunod ay mga dapat na isaalang- alang sa paggamit ng wika maliban sa.
a. Wastong gamit at anyo nng wika.
b. Instrumento ng komunikasyon.
c. Paksa ng usapan
d. Tugon o sagot sa taong kausap.
8.) Ang mga sumusunod ay tuntuning panlahat sa pagbaybay maliban sa.
a. Pasulat na pagbaybay.
c. Pag- uulit ng pantig
b. Patawag na pagbaybay.
d. Ang pantig at palapantigan
9.) Aling salita ang may tamang baybay?
a. Batohin
c. chopsuey
b. Espiritu
d. depo
10.)
Aling salita ang may wastong gamit ng gitling?
a. Iba- iba
c. Tag ulan
b. Ika lima
d. Maka Rizal
III.

Tama o Mali
Isulat ang salitang MIKAY tama ang isinasaad ng pahayag at MIA naman kung mali.
__________1.) Ang salitang Ingles na Language ay mula sa salitang Kastila na Lingua na
ang ibig sabihin ay dila.
__________2.) Ayon kay Hill ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
__________3.) Naninindigan ang teoryang Bow- wow na ang wika raw ay nagsimula sa
pamamgitan ng panggagaya ng tao sa mga yunog ng kalikasan.
__________4.) Minumungkahi ng teoryang yo- he- ho na ang tao ay nakalilikha ng tunog
kapag siya ay gumagamit ng puwersang pisikal.
__________5.) Ang teoryang ta-ta ay may kaugnayan sa teoryang bow- wow subalit ang
teryang ito ay hindi limitado sa mga tunog ng kalikasan.
__________6.) Ayon kay Moore, Language is a system of communication that enables
human to cooperate.
__________7.) Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanman tutukuyin ang Wikang

Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.


__________8.) Mayroong 27 Alpabeto ang wikang Filipino.
__________9.) Memorandum Sirkular Blg. 588 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
Pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa, Agosto 13- 19.
__________10.) Nag- atas ang Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang
Pambansa ng Saligang Batas ay isalin sa mga Wikang sinasalita ng may limampung
libong mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo XV, Seksyon
3[1]).
IV.

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

Kalikasan ng wika:
1.)
2.)
3.)
4.)
5.)
Magbigay ng limang teorya hinggil sa pinagmulan ng wika:
1.)
2.)
3.)
4.)
5.)
V.

Baybayin ang mga sumusunod na salita sa wikang Filipino ayon sa mga tinalakay na
tuntunin.
1.) Maynila
2.) Telepono
3.) Ruler
4.) Guro
5.) Contest
6.) Tricycle
7.) Elevator
8.) Calculator
9.) Edukasyon
10.)Limampu

You might also like