You are on page 1of 23

CANAL DE LA

REINA
Liwayway Arceo

Kaya nga ba gusto kong law ang kunin


ko, e! Isinuntok suntok pa ni Junior ang
nakatikom na kamao sa ibabaw ng mesa.
Hoy, mabasag ang salamin! pansin ni
Leni.
Naiinis din kasi ko sa matandang nasa
lupa natin, Ate! Honest, ang tingin koy
witch! Saksakan na ng tapang, ang yabang
pa!
Mayabang ka rin naman, e
nagbibirong sagot ni Leni at inilapag ang
percolator sa isang patungang tanso sa
gitna ng mesa. Law ka nang law tapos, e,
Archi ang kinuha mo!

Nasasabi ko lang naman! Ayaw ka nyon, natuwa


nga si Mama makitang don ang hilig ko. Mana raw
ako sa Lolo Gorio arkitekto.
Hustung-hustong naiayos ni Leni ang hapag
kainan ay pumapasok naman sa komedor si Caridad
at si Salvador. Luminga linga si Caridad.
Nilalagnat si Inyang, Ma, paliwanag ni Leni.
Binigyan ko na nga ng gamot. Sabi koy
magpahinga na siya bukas na lang siya gumawa.
Walang sigla si Caridad. Kulang siya sa tulog nang
gabing nagdaan. Alam niyang mapapansin siya ni
Leni. At hindi naglipat saglit, nakaupo na silang
lahat sa almusal ay sinipat siya ng anak. Ma, you
have green and black lines under your eyes!

worry nang worry sa lupa, e, katlo ni


Salvador. Sabi nang akong bahala ron e.
Kakausapin ko nang abogado.
Si Kuwan na lang Ate. Hindi ba pasado
naman sa bar?
He! Tama ka na! Halatang pinipigil ni Leni
ang pagtawa. Ang asikasuhin mo yang pagkain
mo at baka mahirinan ka.
oy, oy tawag ni Salvador. Kakain na e, ikaw
ang mamumuno ngayon sa pagdarasal, Jun!
Sabay-sabay silang tumindig upang
manalangin bago nila pinagsaluhan ang una
nilang pagkain sa araw na iyon.

Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan


ni Nyora Tentay. Tilalaruang pinagalaw ng susi
ang matanda at biglang napaigtad. Kasabay
na paglingon ay mabilis siyang tumindig.
Hindi niya napigilan, ngunit nakadama siya ng
nerbiyos. Mula nang makita niya si Caridad
Reynante de los Angeles ay naging nerbiyosa
na siya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Hindi niya masabing dahil sa pagmamay-ari
sa lupa. May hawak siyang kasulatan. Ang
orihinal na titulong ipinakita sa kanya ni
Osyong ay nasa pangalan na niya, ayon sa
paliwanag niyon sa kanya.
Wala siyang natatandaang anumang
pangalan, lalo na ang Reynante.

bayaan nyo nalang kaming magpirmi sa


isang sulok nito natatandaan niyang
pakiusap ni Osyong sa nang ialok sa kanya
ang lupa.
Ako rin po naman ang mag-aasikaso rito,
kaming dalawa ni tisya.
Madali naman siyang pumayag. Murangmura ang pagkabili niya sa lote. Sa pook na
iyon, masasabing siya na ang bumubuhay sa
lahat ng halos naninirahan doon. Ang kanyang
tindahan ay siyang kinukuhanan ng pagkain
ng lahat ng nakapaligid sa kanya, maging
tubo ay beinte porsiyento buwan-buwan.

Hanggang hindi nakikita ni Nyora


Tentay kung sino ang sakay ng dyip ay
hindi siya nakahinga nang maluwag. At
napangiti siya nang makilala kung sino
ang umibis sa sasakyan. Sinalubong
niya ng ngiti ang bagong dating. Isang
lalaking mataas, ngunit alangan ang
pamimintog ng tiyan sa laki ng
katawan. Sa laki ng tiyan nito ay hindi
umabot sa beywang ang sinturera ng
pantalon at tuwing gagalaw ay
umaangat ang pang-itaas na T-shirt na
tila ibos ng sumang tinapal sa katawan,
at lumilitaw ang pusod.

Itinuro ni Nyora Tentay ang mga likmuan sa likod


ng kurtina, sa loob ng tindahan. Dito na tayo,
sabi pagkatapos nang makapasok sila. baka
may lumapit e, marinig pa ang ating paguusapan. Bakit e, napakarami ng dalahira!
Tinawag niya si Ingga. Bakit ang tagal-tagal
mo? paangil na usig nang lumapit ang utusan.
Kangina pa kita tinawag a!
naglalaba po ako!
hindi ka na naubusan ng katwiran. Sige
dyan ka muna sa tindahan. Baka naman
nakukupitan ka na ryan ng mga bata, e, hindi ka
pa nakakaramdam? Basta naryan ka, nakadikit
na yung tainga mo sa drama ng radyo!

Hindi sumagot ang utusan. Naupo naman si


Doro sa isa sa silyang yantok at inilabas ang
isang maliit na kuwaderno mula sa bulsa ng
pantalon. May nakipit na makapal na salansan
ng perang papel.
Sino na naman ang hindi nagbigay sa mga
lintik na yan ha? at naupo si Nyora Tentay sa
katapat na upuan. Hindi pa iniaabot sa kanya
ang peray dinukwan na niya at
binilang.nanunulis ang nguso ni Aling Tentay
habang nagbibilang .Yong si Nora,nagbigay
ba?
Nagbigay ho,pero tubo.Limang linggo ho
siyang palya. Tama!Baka ka ko kinukumbida
ka nang don matulog sa kanila kung ala si
Anong,kaya ka hindi naniningil,e.

Malutong ang halakhak ni Doro. Si Nyora


Tentay naman. Kahit ho naman ganito lang ang
porma natin,emadali pa rin namang makakuha
ng mabango!
Kow dahil lang may kuwarta ka! paungol
ang tugon ni Nyora Tentay. At huwag mo akong
libangin, ha? Yong remetahin kay Dune,kaialan
natin hahatakin?
Naryan na ho sa dyip. Kaya nga ako
nagdala ng sasakyan,e. Sayang din naman kung
itataksi pa. Kunsabagay,maipapalo pa sa mabuting
presyo.
Dapat! Hindi ka naman nadedebalde, a
pero alam mo ba na katakut-takot na nerbiyos ang
inaabot ko sa dyip na yan, ha?

Napatingin sa kanya si Doro at inabot ang


kuwaderno. Hinagod niya iyon ng tingin, ngunit
hindi niya binasa. Ang pinagmamasdan lamang
niya ay ang mga numero. Natatandaan niya ang
may utang sa kanya, kung anu-ano ang naging
prenda, kung sinu-sino ang hindi nagpapalya sa
paghuhulog, kung sinu-sino ang may palya, at
magkano. Hindi siya malinlang ni Doro. Alam
naman niyang hindi na nito tatangkaing lokohin
pa siya. Ang ipinatayong bahay nito, na isa na sa
pinakamalaki sa pook na iyon, ay galing sa
kanya. Komisyon lang sa paglilingkod sa kanya.
Pati mga kagamitan nito sa bahay ay nabili sa
murang halaga lamang. Mula sa sanglang
nahatak niya dahil hindi na nakabayad sa utang.
Ibinalik niya ang kuwaderno kay Doro.

May malalapitan ba tayo sa husgado


kung sakali,ha,Doro?pormal ang
pagsasalita Nyora Tentay.
Bakit ho? May kaso ba kayo?
Baka magkaron. Kasi, may naparito
ba namang babae at kanya raw itong lupa!
Aba, ngayon ko lang nakita ang
pagmumukha ng demonya, e Siya na
ang may-ari nito? Reynante raw?
Linsiyok! napatatat si Doro. Yon na
nga ba ang sinasabi ko kay Osyong non
e baka may maghabol
H-ha? Nandidilat si Nyora Tentay.

Yon na ho ang anak ng may_ari ng lupa,


Nyora Tentay. Kaya lang naman ang malakas
ang loob ni Osyong, apo siya ng una pang
katiwala ng pamilyang yan don sa
tatalan.Sumunod pang kanyang ama. Sabi
niya, hindi na malalaman itong lupa dahil bata
pa ng unang umalis dito.Nong matapos ang
unang sunog dito. Sabi ko na at
magkakabukuhan, e!
Aba aba, may papel ata ako!
Oho nga at tumango si Doro.
Kunsabagay, kung naron pa sa registry of
deeds yong kaibigan ko, madali na yon. pero
sabi nyo naman ay may titulo kayo, e di
areglado na yon.

Nagtataka nga ako at ang lakas ng loob nyong


babaing naparito.
Basta kung Reynante ang sabi sa inyo, anak yon ni
Mang Gorio. Dalawang babae lang ang anak nyon e,
siguro yung bunso ang naparito.
Mestisilya, Doro, sagot ni Nyora Tentay.
Yon na nga sigro. Medyo kastilaloy ang ina nyan,
e. Bata pa yan nang umalis dito. Pagkatapos ng
sunog. Hindi paris namin, dito na rin kami tumigil
kahit wala kaming sariling lupa. Sayang, wala ako
rito nang dumating. Kung babalik, banggitin nyo na
lang ang pangalan ko. Sabihin nyo e, yong anak ng
Tonyang Bulutong. Maaaring matandaan niya ko.
Malapit lang kami non dati, e. Pero kahit ho non
medyo tinitingala na ang pamilya nila rito

Gumaralgal ang lalamunan ni Nyora


Tentay. Alangang dadahak at alangang
uubo. Aba aba.. Dahan-dahan lang siya!
Pinaghirapan ko rin naman ang lupang ito,
a. Ang naubos ko ata sa pagbagsak. Kabikabila ang humihingi.. Kow! Para huwag na
nga lang akong lumakad, nakisabay na ko
sa anod. Hindi naman ata tamang mawala
pa sa akin!
tutulungan ko naman kayo, Nyora Tentay.
Basta huwag nyo kong pababayaan!
makahulugang sabi ni Doro.

Lintik na to at isip mo nadedehado! Isang libo


tong koleksyon mo ngayon, ha? O, ayan ang
singkwenta mo!. At inabutan ng isang pula si
Doro . Kumuha ka na ng sigarilyo mo, at
hinawi ni Nyora Tentay ang kurtina. Lumabas
si Doro.
Saka lamang nabatid ni Nyora Tentay na
may naghihintay na sa kanya sa labas.
Bahagyang nagbatian si Doro at ang babaing
naghihintay bago ito lumapit kay Nyora Tentay.
Mataba ang babae, maitim, nakapusod na
nasa ituktok ng ulo sa halip na sa batok, at
may nakasumpal na sigarilyo na ang sindi ay
nasa loob ng bibig.

Bago kinausap ni Nyora Tentay ang babae ay binulungan


si Doro. Baka malimutan mo ang nabatak na makina ni
Dune! Binalingan pagkatapos ang panauhin. O, ano..
Asyang?
May kasama ho ako, Nyora Tentay, pabulong na sagot.
Nasa labas.
Tumakas ang isang kilay ni Nyora Tentay at tumigas ang
leeg. Kukuha ba?
Oho sana, e..
Anong dala?
Telebisyon ho bitbitin
Umungol si Nyora Tentay. Mukhang malaki ang kailangan?
Medyo ho. Ano tatawagin ko na ho?
Sige
Nenita, tawag ni Asyang sa babaing nasa labas. halika
na at ngumiti ito. Ayos na.

Mataas at maputi ang babaeng natagpuan ng tingin


ni Nyora Tentay. Nakasalaming may kulay. Mahaba
ang buhok. Bahagya nang ngumiti nang patuluyin
niya. Hindi niya ito nakikilala. Nakita niya sa unang
pagkakataon.
Taga san ka? usisa ni Nyora Tentay nang
mapapasok niya ito sa tanggapan ng mga panauhin,
na ilang sandali pa lamang ang nakararaan ay si
Doro naman ang kausap niya. Hindi ka ata tagarito,
ha?
Sa kabilang ibayo siya, Nyora Tentay. si Asyang
ang sumagot.
Naglalaba ako sa kanila. E, nasabi nga sakin na
may mahigpit siyang kompromiso. Niyaya ko na rito.

.
Sinipat ni Nyora Tentay ang telebisyon. Bagong
modelo. Kulay abokado ang kaha. Kinyentos
ha?
Naku mabilis ang tugon ng babae,
pahimutok. Piyaos ang tinig.
Halos hindi ho nagagamitsaka color pa
naman.
Alam ko! Matigas ang tugon ni Nyora Tentay.
Hindi ko tatasahan nang kinyentos yan kung
hindi bago at hindi color. yon ngang lumang
modelo trisyentos lang kung bigyan ko. Tingnan
mo sa taas naghilera. Naghihintay ng remata.
At sumandal si Nyora Tentay sa sopang
kinauupuan.

Iginalaw-galaw ang hawak na anahaw.


Kumislap-kislap ang ga-mais na brilyante sa
magkabilang tainga.
Taas-taasan nyo naman, kailangan ko
lang! Mga siyete sana! mangiyak-ngiyak na
pakiusap ng babae.
Siyete? Nanulis ang nguso ni Nyora
Tentay. Ngumiti-ngiti. Alam na ba niya ang
sistema rito, Asyang? Niliwanag mo ba sa
kanya?
A, oho!
Pakiling-kiling si Aling Tentay ng dumukot sa
bulsa ng duster. Binilangan ng pitudaang
piso ang kasama ni Asyang. Sa beinte, ha?

Humagikhik si Nyora Tentay nang nawala sa


paningin ang babae. Huwag man niyang kunin
ang tv niya, sulit lang. Madalig mapapalo kahit
sanlibo.
Pipilitin hong kunin yan, mabilis na sabi ni
Asyang. A pat na buwan lang nawawala yong
Kano na may bigay nyan, e. Kung hindi ba naman
gaga yang si Nenita, oo! Buhay-reyna na sana
kung hindi nagmamadyong, Kaso nga, araw-gabi
ang korum, e! kaya nga naubos yung perang
iniwan ng Kano para sa matrikula ng anak niya. Ni
wala nga silang kakaining mag-ina!
Tumawa si Nyora Tentay. Ano ba wari yan.
Belyas?

Ganon na nga ho! Pero kung may utak


siya suwerte na, e! San pa naman siya
kukuha ng ganyang kabit? Para sa olongapo
lang naman siya nakuha
Asyang kanya-kanyang buhay ang tao!
Hindi mo ba nakikita? Kung walang
nagpapaloko sa buhay,wala tayong kikitain!
Ganyang lagi ang gagawin mo, Asyang
pipili ka ng malalaking kantidad ng prenda
at nang pati ikaw, kumita. Piho namang
magbabakasakali lang yan sa madyong
lumabi si Nyora Tentay. Maaari namang
kumuha ng bagong makapal na kabit, ano?
.

Sabay silang tumawa ni Asyan. Dumukot si


Nyora Tentay sa bulsa atinabutan ng sampung
piso si Asyang. Saka tayo magkuwenta.
Puntahan mo muna yong mga atrasado ang
tulak at nang makuha mo ang iyong parte.
At mabilis na namang iginalaw-galaw ni
Nyora Tentay ang kanyang anahaw at kumislapkislap ang ga-mais na brilyante sa magkabila
niyang tainga.
Nang mga sandaling iyon ay hindi niya
nagugunita si Caridad Reynante de los Angeles.

You might also like