You are on page 1of 16

BUOD NG

CANAL DE LA
REINA
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY PRESS

I. TAGPUAN
ANG TAGPUAN BILANG ISANG
MABURAK, MABAHO, AT
PINAMUMUGARAN NG MGA
ISKWATER. SA LUGAR NA ITO AY
TILA NAGREREYNAREYNAHAN SI
NYORA TENTAY. ANG LUGAR NA ITO
AY SIMBOLO NG MGA TIRAHAN
NG
MGA
MAHIHIRAP. MARAMING
PANGYAYARI ANG NAGAGANAP SA
LUGAR NA ITO AT DITO UMIKOT ANG
PINAKAKALAMNAN NG NOBELA.

II. MGA TAUHAN

Pamilyang de los Angeles


Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan
para sa isatt isa.Masasabing isa silang halimbawa ng
maayos at halos perpektong pamilya.
Salvador- padre de pamilya at mabuting asawa ni
caridad. Tahimik lang ito at bihira kung magsalita.
Ngunit bawat katagang kaniyang binibigkas ay may lalim
at kahulugan. Hinahayaan niya ring magdesisyon si
Caridad basta sa tingin niya ay tama at para sa
ikabubuti.

Caridad-isang napakamaunawaing
ina sa kanyang pamilya.Labis ang
kaniyang pagmamahal atpagaalala
sa kanyang asawa lalo na sa kanyang
mga anak na si Leni at Junior.
Mayroon siyang malakas at matibay
na kalooban. Hindi siya agad
nagpapatinag sa anumang
problemang kinahaharap.

Leni-panganay na anak na babae


nina Salvador at Caridad. Nagtapos
ito ng medisina kung saan
pinatunayan niya ang kaniyang
talino ng nanguna siya sa Exam at
kasalukuyang nag- iinternong
doctor.Espesiyalidad nito ang
pediatrics at talaga namang makikita
ang husay ni Leni sa panggagamot.

KUMUKUHA NG KURSONG
ARCHITECTURE SA ISANG
UNIBERSIDAD. NAIS MANG KUMUHA
NI JUNIOR NG ABOGASYA AY
TINUTULAN NAMAN ITO NG
KANIYANG MAGULANG. MAHILIG AT
MARAMI ALAM SI JUNIOR
PAGDATING SA MGA PAKSA NA
TUNGKOL SA PULITIKA AT
GOBYERNO. DAHIL NA RIN SA
PAGIGING MABUTI AT MASUNURING
ANAK KAYA SINUNOD NIYA ANG
DESISYON NG MGA MAGULANG

PAMILYA MARCIAL
Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala
silang pagkakaintindihan dahil na rin sa di maayos na
komyunikasyon. Hindi pinakikinggan ni nyora Tentay
ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod
ito sa kanyang mga kagustuhan kahit labag sa kalooban
ni Victor.

Nyora

Tentay- ina ni Victor. Hindi niya


pinakikingan ang panig ni Victor at kadalasan
na siya ang nagdedesisyon sa anak. Siya ay
isang taong sakim at mapanggipit.
Victor- ama ni Gerry at asaw ni Gracia.
Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man
kita ay mahal na mahal niya ang kanyang
pamilya.
Garcia- asawang hiniwalayan ni Victor dahil
sa kagustuhan ng inang si Nyora Tentay
Gerry- anak ni Victor at Gracia

III. BUOD

Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora


Tentay ay may kaya sa buhay kung kayat
siya ang nilalapitan ng lahat ng
naninirahan doon upang mangutang dahil
sa kakapusan ng pera. Ngunit dahil na rin
sa pagiging gahaman ay imbes na
tumulong sa kapwa ay ginagamit niya pa
ang sitwasyon nila upang maglagay ng
malaking interes sa mga mangungutang.

Ang bayan nila ay sumasalamin ng


kahirapan ng buhay dahil na rin sa
katiwalian at kasamaan ng ugali ng mga
opisyal ng gobyerno.
Isang araw nalaman ni Caridad na
binili ang kanyang lupang pag-aari
,diumano ni Nyora Tentay mula sa dating
katiwala nila na si Osyong. Dahil sa pagaagawan nila sa tunay na may-ari ng
lupain kaya hindi maiwasang magkaroon
ng alitan sa pagitan ng dalawa.

Ngunit

isang di inaasahang
napakalakas na bagyo ang dumating
sa bansa at apektado din ang bayan
ng Canal de La Reina. Naging dulot
nito ay ang pagkakatangay sa baha
ng mga naninirahan sa Canal de La
Reina at hindi nakaligtas maging
ang bahay ni Nyora Tentay.

Sa di inaasahang pangyayari ay
napunta sa pamilyang de los Angeles ang
mga papeles ng titulo ng bahay ni Nyora
Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit
pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil
nais nilang maging patas.
Dahil na rin siguro sa mga pangyayari
ay naisip na ni Nyora Tentay na masama
ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap
nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik
ang lupa sa tunay na nagmamay-ari.

IV. BISANG PANGKAISIPAN

Kapit sa patalim mga katagang naglalarawan


sa mga taong nakatira sa Canal De La Reina.
Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya
naman marami ngayon ang handang gawin ang
lahat mabuhay lamang sa pang araw-araw.
Ang akda ay sumasalamin sa tunay na
kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating
malafairytale na mundo. Natutunan natin dito
na maraming tao ang mapagsamantala sa
kalagayan ng mga mahihirap

Ang mga mayayaman ay lalong


yumayaman, samantalang ang
mahirap ay nananatiling mahirap.
Kalagayang magpasahanggang
ngayon ay namamayani sa ating
lipunan.
Tunay ngang marami pang bigay na
hindi natin alam sa mundong ito.
Ngunit isa lamang ang di natin
matatanggi, na bulok ang sistema at
maraming nagdudusa sa mga taong
walang malasakit sa kapwa.

V. BISANG PANDAMDAMIN

Masakit mang aminin ngunit ang ating


mundong ginagalawan ay kahindik-hindik
ang sitwasyon. Marami sa ngayon ang
kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa.
Sa akdang ito pinukaw nito ang ating awa
gayun na rin ang galit sa mga mapangabuso
at tusong tao. Isang makaantig damdaming
nobela na sumasalamin sa kabulukan at
kasamaan na namamayani sa mundo.

VI. BISANG PANGKAASALAN


Dahil sa akdang ito matututunan natin kung
gaano kahalaga na igalang at irespeto ang pagkatao
ng bawat isa sa atin. Dito mas napamulat sa atin na
mas mahalaga ang maging mabait, matulungin at
matapat na hindi mapapantayan ng anumang
salapi.
Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit
dapat ay hindi tayo magpatangay at labanan ang
mapangaping sistema ng ating lipunan. Lagi nating
isaisip at isapuso na maging pantay ang pagtrato
natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang
kalagayan nila.

You might also like