Professional Documents
Culture Documents
Romantisismo
Romantisismo
Sa panitikang Pilipino, sinasabing ROMANTIKO ang tula kapag ang tema ay umiikot sa wagas
na pag-ibig ng magsing-irog. Ang pag-ibig na ito ay dumaranas ng mga pagsubok o balakid.
upang mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan, ang tangi nilang
kasangkapan ay inspirayon. Ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda, ayon sa
paniniwala ng mga romantisista ay inspirasyon at imahinasyon. Marami ang nagtuturing na ang
romantisismo ay bago at radikal sapagkat pinapagalaw nito ang diwa at isip ng tao upang
makalikha ng sining at panitikan.
Ang mga sumusunod ay nakakapit sa romantisismo:
Makapangyarihang damdamin, inspirasyon, imahinasyon at paglikha, kalikasang personal,
kahalagahang kombensyunal, katotohanan, kabutihan at kagandahan.
manalig sa Diyos, sa katwiran, at sa kalikasan. Ang mga romantisista ay demokratiko at
mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan.
ang mga manunulat o maging ang karaniwang mamamayan ay walang layang maglahad ng
kanilang damdamin at kaisipan dahil sa kahigpitan ng sensura; at
namalasak ang mga sanaysay at panunuligsa na ibinunga ng Kilusang Propaganda at siyang
mga inilathala sa Pahayagang La Solidaridad.
Karagdagan pa ang katotohanang ang ilang mga nakasulat ng nobela noong panahong nabanggit,
halimbawa ay si Rizal, ay hindi nagtatag ng mga panuntunan sa pagsulat ng nobela. Kaya't
walang nagawa ang mga manunulat na/sa Tagalog kundi ang bumuo ng sari-sarili nilang
huwaran sa pagsulat. Nanguna rito sina Lope K. Santos at Valeriano Hernandez Pea at kaagad
namang sinundan ng mga manunulat na sina Aurelio Tolentino, Iigo Ed. Regalado, Roman
Reyes, at marami pang iba.
Karamihan sa mga tagapanguna ng nobelang Tagalog ay aral sa paaralang Kastila kung kaya't
hindi naman kataka-takang ang kanilang malikha ay mga kuwentong Kastila rin ang kaanyuan.
Mapupunang ang kalakhan ng mga nasulat ay natutungkol sa pananampalataya (nobena, awit,
korido, moro-moro, komedya, atb.) at kagandahang-asal. Sa kabuuan, binigyang-katangian ni
Teodoro A. Agoncillo ang panitikan ng panahon ng Kastila na "patakbuhin na'y amoy simbahan
pa." Kaya't nabuo ang konsepto ng nobelang Tagalogbilang behikulong pampangaral o
pampalipas-oras at dagdag pa ay pampalaganapng maka-kolonyal na buhay at kaugaliang
Pilipino (Pilipino sa depenisyon ng panahong iyon.)
ANG TRADISYONG ROMANTISISMO SA NOBELANG TAGALOG
Litaw na litaw na ang panahon ng Kastila ay kakambal ng pagpasok ng romantisismo sa
Pilipinas. Nag-ugat ang romantisismo sa kamalayang Pilipino noong 1800 - nang mamalasak ang
panitikang halaw sa itinapon ng kulturang Europeo na metrical romances . Ang impluwensiyang
ito ay lalo pang pinalaganap ng "panitikang hindi nakasulat" na bukambibig ng mga prayleng
Kastila at siya pa ring naging batayan ng mga panulat ng ilang mga Pilipinong nakapag-aral at
nakabasa ng mga akda ng mga tanyag na manunulat na Kastila.
Subalit kaiba sa romantisismo ng Espanya ang " romantisismo sa Pilipinas katulad ng
pagkakaiba na ng relihiyong Katoliko sa Europeo sa Katolisismong ipinakilala sana at taglay pa
ng Pilipinas. Ang kabalintunaang ito ang naging bunga ng maling pagpapasunod at pamamalakad
sa pamahalaan ng mga nagsidating naconquistadores . Ayon sa kasaysayan ng romantisismo sa
Espanya, ang "romantisismo " ay palagiang kapantay sa kahulugan ng rebolusyon o
pagbabagong-anyo sapagkat ang Kilusang Romantiko ay reaksiyon sa neo-classicismo na
puwersang nagpapamalagi sa status quo sa pagtataguyod ng mga layuning (1) panatilihin ang
kaayusan o decorum ; (2) bigyang-diin ang ilusyon ng realidad; at (3) padalisayin ang paggamit
ng wika. Sa gayon, ang "romantisismo ay pagpupunyagi, sa kabila ng lumalaking balakid batay
sa katotohanan, na matamo, mapanatili o mabigyang pagmamatuwid ang mailusyong pananaw sa
sandaigdigan at buhay ng tao na bunga ng maimahinasyong paglalangkap ng karaniwan at dikaraniwan, ng alam at di-alam, ng totoo at ideyal, ng mga may takda at walang katakdaan, ng
material at ispiritwal at ng natural at supernatural."
Sa kabilang dako, ang konseptong ito ng "romantisismo" ay nag-iiba sa paglipas ng panahon.
Kaya nga't ang isinasaad na pagbabagong-anyo na taglay nito sa kapaligirang 1750 sa
Pransiya ay natabunan naman ng naipagkamaling mga katangian ng neo-classicismo . Tuloy, ang
naging diin ng impluwensiyang tinaguriang "romantisismo estilong Pilipino" ay sa mga
katangiang malayo sa katotohanan (ilusyon at/o imahinasyon), eskapismong matatawag , o kung
katotohanan man ay eksaherado naman (pag-ibig, sentimentalidad, atb.) katulad halimbawa ng
pagiging makapangyarihan ng pag-ibig sa iba pang sangkap sa kuwento, sobrang pagbibigaykaganapan sa mga detalye ng kalikasan, patriotismong pilit, Katolisismong bulag , at kung anuano pa. Pagpapatunay lamang din na ang "romantisismong" ito ay hindi ang romantisismong
Europeo na reaksiyon sa neo-classicismo kundi ang kataliwas nito.
Patutunayan ito ng mga katangiang gumitaw sa pagsusuri sa mga sumusunod na nobela na hinati
ayon sa panahon ng pagkakalimbag at paghuhubog:
1906 Juan Masili , Patricio Mariano
1910 Bagong Dalaga , Roman Reyes
1911 Kung Magmahal ang Dalaga , Iigo Ed. Regalado
1920 Ang Mestisa , Engracio Valmonte
1923 Ang Pag-ibig At ang Babaye , Jose Villamor
1933 Sanggumay , Gregorio C. Coching
1945 Fort Santiago , Pedrito Reyes
1946 Lakandula , Alberto S. Cruz
1947 Alipin ng Kagandahan , Roberto S. Teodoro
Ang Pangarap Kong Birhen , Carlos Padilla
1949 Dalawa Ang Ina , Mateo Reyes
1953 Timawa , M. S. Martin
1958 Ang Pagkamulat Ni Magdalena , A. G. Abadilla at Kapulong
1960 Biro ng Tadhana , Pascual Manalo
1967 Dilim Sa Umaga , Efren R. Abueg
1971 Lagablab ng Kabataan , Dr. Fausto J. Galauran
Mga Buwaya sa Lipunan , Celso A. Carunungan
Hanggang Sa Kabila ng Langit , Liwayway A. Arceo
Satanas sa Lupa , Celso A. Carunungan
1972 Kumusta Si Peter , Benjamin Pascual
1972 Mga Kaluluwa Sa Kumunoy , Efren R. Abueg
1973 Mister Mo, Lover Boy Ko , Efren R. Abueg
kay Rodrigo na siyang inakusahan ng paggahasa sapagkat siya lamang ang mahirap sa pangkat,
ang pananakot ni Senador Morales kay Armando ( Mga Buwaya Sa Lipunan ); ang pulitika sa
bayan na kinakatawan nina Benigno Talavera, isang dating mabuting mamamayan na sumama sa
pagkakapasok sa pulitika, Kong. Carpio, Kong. David at Balbino na apre-parehong naglulukuhan
upang makaakyat sa kaitaasan ng kapangyarihan at kayamanan, pagkagumon ni Ismael na anak
ni Benigno sa marijuana, ang pagkakaroon ng ugnayan nina Benigno at Chona, pagdadalantao
nang walang asawa ni Esther na anak pa rin ni Benigno, ang pagtatanan ng magpaparing si
Conrado at Chona. Sa dalawang nobelang ito ay nakita ang wakas ng mga kabuktutan sapagkat si
Senador Morales ay pinag-usig at si Benigno naman ay namatay na at ang lahat ng ebidensiyang
ipinang- blackmail sa kanya ay sinunog na ng asawang si Virginia. Ang isang nakasira
sa Satanas Sa Lupa ay ang "romantikong tipo" ni Virginia bilang isang asawa at ina. Sobrasobrang pagpapakasakit at pagmamartir na tila hindi na makatotohanan ang kanyang
pinaglunuyan. Kaya nga't mapatotohanan pa rin ang ainasabing pagkakabahid ng
"romantisismo."
Ang Mga Kaluluwa Sa Kumunoy ay isa lamang pagpapaunlad ng Dilim Sa Umaga at halos
katulad na mga katiwalian sa lipunan ang tinatalakay. Katulad pa ring n inaasahan, makikita pa
rin ang pag-iral ng isang tatsulok ng pag-ibig sa mga tauhang sina Bayani, Marilou at Atty.
Bondoc.
Ang huling yugtong ito ng paghuhubog ng nobelang Tagalog (1967-1972) ay halos nakarating na
sa apex ng kamulatan sa mga unang tinalakay na nobela ngunit bigla na naming bumagsak sa
paglabas ng mga nobelang katulad ng Hanggang Sa Kabila ng Langit at Kumusta Ka, Peter ? Na
pangkaraniwang istorya lamang ng pag-iibigan, paghihiwalay, pag-alis, atbp, ang inikutan.
Kitang-kitang naulit na naman ang sinasabing proseso ng pagtaas-pagbaba at pagsulongpagbalik ng balangkas ng nobelang Tagalog. Buhay na buhay ang tatak ng "romantisismo":
estilong Pilipino sa mga nobelang ihinahalimbawa.
PAGLALAGOM
Patuloy ang naging pagtaas ng nobelang Tagalog - subalit sa kaituktukan ng ilusyon at
imahinasyon. Nagkakaiba-iba na lamang sa depenisyon batay sa mga katangiang naragdag at
natisod sa pagpapalit ng panahon subalit mga kaisipan o konsepto pa ring naglulublob at
nakalublob na sa " romantisismo ' kahit man estilo nang Pilipino katulad ng:
pangunguna ng tungkol sa pag-ibig;
pagsasalaysay ng walang katiyakang balangkas;
pagiging sobrang sentimental;
Cristina Pantoja-Hidalgo, "The Failure of the Filipino Novel," UNITAS, 45:21-34 (March,
1972).
Teofilo del Castillo at Buenaventura S. Medina, Jr., Philippine Literature From Ancient Times To
The Present (Bureau of Printing, 1966), p. 255.
Agoncillo, p. 234.
Nicanor G. Tiongson, Guro ng Panitikang Pilipino, Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, sa isang panayam sa klaseng Pilipino 270, Unang Semestre
1975-76.
Neo-classicismo - nagsimula sa lipunang itinatag atpinagharian ng Haring Louis XIV ng
Pransiya. E. Allison Peers, A History of the Romantic Movement in Spain (New York and
London: Hafner Publishing Co., 1964), p. 10.
Ibid.
Mula sa sipi ni Rosario L. Torres sa paliwanag ni Hoxie Fairchild. Rosario L. Torres, "Ang
Romantisismo Sa Panitikang Tagalog,"GENERAL EDUCATION JOURNAL (Quezon City: U.P.,
1970-1971), p. 239.
Peers, p. 11.
Virgilio S. Almario, "Panimulang-Suri: Mga Bukal at Batis ng Nobelang Tagalog," Philippine
Collegian (Agosto 12, 1974), p. 4.
Agoncillo, p. 234.
Lascelles Abercrombie, Romanticism (New York: Barnes & Noble, Inc., 1963), pp. 41-49.
Rogelio Ordoez "Sulyap Sa Panitikang Pilipino at Sa Pagkamulat ni
Magdalena ," BANYUHAY , I: 15-16.
Mistisismo - kung minsan, ginagamit ito bilang katumbas ng simbolismo o alegorismo; kung
minsan nama'y itinatapat ito sa siyensiya-okulta o teosopiya; at kung minsan ay iniaangkop
lamang sa kalagayan ng isipan ng isang mapangarapin o sa Malabo at kagila-gilalas na
pamamalagay tungkol sa Diyos at sa daigdig. Gervasio B. Santiago, "Ang Mistisismo Sa
Nobelang Tagalog," Sampaksaan ng mga Nobelistang Tagalog(Diliman, Quezon City: Ang
Aklatan, U.P., 1974), p. 70.
Ordoez, p. 18.
Abercrombie.
Pantoja-Hidalgo, pp. 21-34.
TALAAKLATAN
Abercrombie, Lascellas. Romanticism . New York: Barnes & Noble, Inc., 1963.
Agoncillo, Teodoro A. "Pasulyap na Tingin Sa Panitikang Pilipino,"Urian Lectures II (1972).
Almario, Virgilio S. "Panimulang-Suri: Mga Bukal at Batis ng Nobelang Tagalog," Philippine
Collegian , Agosto 12, 1974 - Setyembre 2, 1974.
Daroy, Petronilo Bn. "Politics As Literature," RIZAL: Contrary Essays. Edited by P. Bn. Daroy
and D. Feria, Q. C.: Guro Books, 1968.
Del Castillo, at B. S. Medina, Jr. Philippine Literature From Ancient Times To the Present .
Bureau of Printing, 1966.
Halsted, John B. Romanticism . London and Melbourne: MacMillan & Co., Ltd., 1969.
Lukas, George. Studies in European Realism . New York: Grosset & Dunlap Publishers, 1964.
Midcentury Guide to Philippine Literature , Series 4. Manila: MCS Enterprises, Inc., 1972.
Ordoez, Rogelio. "Sulyap Sa Panitikang Pilipino at sa Pagkamulat ni
Magdalena ," BANYUHAY, I ( Agosto-Setyembre, 1969).
Pantoja-Hidalgo, Cristina. "The Failure of the Filipino Novel," UNITAS, v: 45 (March, 1972).
Peers, E. Allison. A History of the Romantic Movement in Spain . New York and London. Hafner
Publishing Co., 1964.
Sampaksaan ng mga Nobelistang Tagalog (Mga Panayam Tungkol sa Nobelang Tagalog na
Binigkas Noong Abril 11, 1969). Diliman, Quezon City: Ang Aklatan, Unibersidad ng Pilipinas.
1974.
Torres, Rosario L. "Ang Romantisismo sa Panitikang Tagalog,"General Education
Journal (1970-1971). Pinamatnugutan nina Patricia Melendrez-Cruz at Jesus F. Ramos. Quezon
City: Unibersidad ng Pilipinas, 1971.