You are on page 1of 3

PROJECT

IN
NSTP
Vernily L. Patdo
UC-41
Prof. Javier

Heneral luna
Summary
Nag umpisa ang pelikulang Heneral Luna, Nang
isinasalaysay ni Heneral Antonio Luna kay Joven Hernando ang
mga pangyayari. Dahil sa pagdalo ng mga Amerikano sa Pilipinas,
Si Presidente Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga gabinete ay
nagpulong-pulong. Habang sila ay nagtatalo talo, nagsalita si
Heneral Luna na lusubin na ang mga sundalong Amerikano
hanggat kakaunti pa lamang ito, sapagkat may mga ibang kasapi
ng gabinete na hindi sumang ayon tulad na lamang ni Padre
Paterno, dahil sa hindi nya pagsang-ayon nagalit si Heneral Luna
at sinabi ng Heneral na Huwag kayong maniwala sa matatamis
na salita ng mga Amerikano.Habang silay nagpupulong pulong,
may isa silang tauhan na sinabi na nilulusob na ng mga
amerikano ang mga probinsyang Cavite, Bicol, Batangas at
Pampanga. Nang si Heneral Luna at ang kanyang mga tauhan ay
nakipaglaban, siyay nalungkot sa kanyang nakitang mga nasawi
sa kanyang mga tauhan nang makita niya iyon ay nilusob niya
magisa ang mga sundalong Amerikano, at sumunod rin naman
ang mga natirang niyang buhay na tauhan dahil ayaw nilang
pabayaan magisa ang Heneral.Sa pangyayaring iyon ay umatras
ang mga sundalong Amerikano dahil akala nila napatay nila ang
Heneral. Habang hindi pa araw ng digmaan ay naghahanda si
Heneral Luna, at pinapatawag nya ang mga tauhan ni Capt. Pedro
Janolino sapagkat sinuway niya ang utos ng Heneral at sinabing
sa Presidente lamang siya susunod, sa pagsuway na iyon nagalit
ang Heneral at pinuntahan ang kapitan sa kanyang kampo at
pinahiya siya sa harap ng kanyang tauhan. Nang papalapit na ang
digmaan, Si Heneral Tomas Mascardo ay nagpaalam pa sa
Presidente upang makipagpistahan sa Arayat at siya naman ay
pinayagan. Nang malaman ito ni Heneral Luna siya ay nagalit at
nainis at agad nagpadala ng programa na siya ay agad na
bumalik sa bagbag upang makipagdigmaan at tumulong kay
Heneral Gregorio Del Pilar, sapagkat sinuway nya ito at sinabi na

sa Presidente lamang sya susunod. Dahil na lamang sa pagiging


matigas na ulo ni Heneral Mascardo ay pumunta si Heneral Luna
kay Presidente Emilio Aguinaldo at nagbigay ng sulat ng
pabibitiw, dahil siya ay nauubusan na ng pasensya kay Heneral
Mascardo at nang malaman nya na nakalabas na ng kulungan si
Felipe Buencamino at Padre Paterno. Ngunit hindi sya pinayagan
magbitiw ng Presidente dahil siya na lamang ang inaasahan nito,
kaya pumayag ulit ang Heneral at sinabing kung ganon pabayaan
ninyo akong magdisiplina sa mga ito. Pagtapos nun ay agad
nyang pinuntahan si Heneral Mascardo upang ikulong siya at ang
kanyang mga kasama. Habang nangyayari iyon ay may nagdala
kay Heneral Luna ng programa at sinabi doon na nilulusob na ang
bagbag. Maraming nasawi sa digmaan iyon at pagkatapos noon
ay humanap si Heneral Luna ng mga sundalo sa ibat ibang lugar
sa Pilipinas at siya ay nakatipon ng 4,000 na bagong sundalo at
isa roon si Tenyente Garcia na sundalong makabayan at hadang
ibuwis ang lahat para sa ating bansa.

Reaction
Nang matapos kong panoorin ang pelikulang ito, halo-halong
emosyon ang aking naramdaman, ako ay natuwa, nalungkot,
humanga, nainis at nanghinayang. Natuwa ako dahil nagbigay ng
inspirasyon si Heneral Antonio Luna sa akin tulad na lamang sa
ipinamalas niya na pagiging matapang at ang hindi pagkawalan
ng pag-asa. Ako ay humahanga sa kanya dahil sa ipinakita niyang
galing sa pakikipagdigmaan at sa sobrang pagmamahal niya sa
ating bansa. Nakakapanghinayang lang dahil mismong kakampi
at kababayan natin ay siyang pumatay kay Heneral Antonio Luna.
Nanghihinayang rin ako at nalulungkot sa pagkamatay ng
Heneral, dahil kung siya ay nanatiling buhay at tinulungan ng
mga ibang Heneral sa pakikipagdigmaan, Nakamit na sana natin
ang kalayaan ng ating bansa. At nakakalungkot dahil sa malupit
na pagpatay kay Heneral Luna hindi makatarungan ang ginawang
pagpatay sa kanya, at hindi ito nabigyan ng hustisya.

You might also like