You are on page 1of 5

Labay

Mga tauhan:
Tatay ni Mang Rogelio- Imee
Mang Rogelio- Kaola

Mang Ruben- Cheena

Aling Rosalinda- Cristina

Tagapagsalaysay- Swing

Rhoda- Carly

Narrator:

Ang

buhay

ay

parang

karagatan-

malawak

at

makabuluhan.

Sa bawat paglalakbay ay may mga along sasalubong sayo. Gaano man kahirap, kailangan mong
maging matatag dahil ang bawat alon na malalampasan mo ay isang aral at kakayahan upang lalo
pang magpursige sa bawat dagok ng buhay. At sa lahat ng mga paghihirap, may nakalaang
tagumpay na naghihintay sayo.
Sa aking kapwa kamag-aral sa Aqua Sci 1, sa ating butihing guro, Dr. Liah Catedrilla, isang
magandang umaga po sa inyong lahat. Tunghayan po natin ang isang kwentong ng isang
mangingisda na si Mang Rogelio. Itoy isang kwentong puno ng aral at inspirasyon, isang paglalayag
sa laot ng buhay.
Unang tagpo: Si Mang Rogelio ay nakatira sa probinsya ng Negros Occidental. Nagmula sa sa isang
simpleng pamilya. Dose anyos pa lang ay natuto na syang mangisda sapagkat ito rin ang
ikinabubuhay ng kanyang pamilya.
(Si Mang Rogelio At kanyang Ama, nangingisda).
Ama: Anak, tulungan mo akong hilahin itong labay. Hawakan mo ng maigi at para marami tayong
makuhang isda.
Rogelio: Opo itay.
Ikalawang tagpo: Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Mang Rogelio si Aling Rosalinda. Silang
dalaway nagkakilala sa isang hacienda sa Negros. Si Mang Rogelio ay nagtatrabaho bilang
kargador habang si Aling Rosalinda naman ay isang hardinera.
Convo: Rogelio at Rosalinda, unang pagkikita, nahulog ang dala ni Rosalinda, tinulungan ni Rogelio.
Rosalinda: Kailangan ko nang magmadali para hindi malanta ang mga bulaklak na ito. (Inamoyang
dalang bulaklak). Ang babango nila.

(Rogelio:nagmamadali rin, nagbungguan, nahulog ang mga bulaklak ni Rosalinda, sabay pinulot ang
mga bulaklak, nahawakan ang kamay ni Rosalinda, na-eye-to-eye. Music plays).
Rogelio: Pasensya na, binibining.. (iaabot ang kamay)
Rosalinda: Rosalinda, at ikaw?
Rogelio: Rogelio, Rogelio Barbon
Narrator: Di naglaon, ang dalawa ay nagsuyuan at nauwi rin sa pag-iibigan. Napagpasyahan ng
dalawang magpakasal. Sa umpisay hindi naging madali ang buhay ng mag-asawa. Mahirap ang
buhay sa hacienda at kailangan nilang lalo pang magsikap alang-alang sa kanilang pitong mga
anak.
Convo: Rogelio at Rosalinda, mga bata (umiiyak, gutom) planong lumipat sa Miagao

dahil

may

kamag-anak doon.
Rosalinda: Pangga, anong gagawin natin? Tingnan mong mga anak natin. Wala na tayong
maipakain sa kanila.(emotional, daw mahibi)
Rogelio: Langga, wag kang mag-alala. Makakahanap din tayo ng solusyon. Oo nga pala. May
kamag-anak ako doon sa Miagao, Iloilo. Baka pwede tayong makipagsapalaran doon.
Rosalinda: Sigurado ka ba? May naghihintay bang hanapbuhay sa atin doon? Baka mahirapan
tayo.
Rogelio: Magtiwala ka lang sa akin, Langga. Kaya natin to bastat magkasama tayo.
Narrator: Dahil dito, napagpasyahan ng mag-anak na lumipat sa bayan ng Miagao sa Iloilo. Doon ay
muling sinimulan nina Mang Rogelio at Aling Rosalinda ang bagong kabanata ng kanilang buhay.
Rosalinda: Pangga, sana ngay tama ang pasya nating lumipat dito sa Miagao.
Rogelio: Utak At puso! Gagawin ko ang lahat para sa pamilyang ito. Manalig lang tayo sa Kanya.
N: Itinaguyod ni Mang Rogelio ang kanyang mag-anak gamit ang kanyang bangka at labay- gamit
nya sa pangingisda. Araw-araw ay nakikipagsapalaran si Mang Rogelio sa malawak na karagatan
mairaos nya lamang ang kanyang pamilya. Alas tres pa lamang ng madaling-araw ay pumapalaot na
si Mang Rogelio. Mag-isa nyang sinasalubong ang malalaking alon at tindi ng sikat ng araw.
Rogelio: action, gapahid balhas, daw nabudlayan

N: May mga araw na sagana sa huli si Mang Rogelio. Nakakahuli sya ng halos labinlimang kilo ng
isda sa isang araw. May kumay, gingaw, lambadok, maya-maya, marot, bagis, tangigue, lapu-lapu, at
marami pang iba. Nangingisda sya malapit sa Tigbauan, San Joaquin, at Miagao. Ibinibenta nya ito
sa mga dealer ng isda at sya ang nagbibigay ng presyo. Kung minsan ay gumagawa rin sila ng
bagoong at daing mula sa mga huli nilang isda at ang iba ay inuulam nila.
N: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sang-ayon sa kanya ang tadhana. . Maagang iniwan ni Aling
Rosalinda si Mang Rogelio at ang kanilang mga anak dahil sa isang karamdaman. Samantalang ang
kanyang ibang anak naman ay maagang nag-asawa at sa kanya pa rin umaasa. Kailangan pa
niyang pag-aralin ang mga ito. Ang pangingisda ang tanging pag-asa ni Mang Rogelio.
(Buong pamilya, malungkot, umiiyak)
Mang Rogelio: Langga, bakit mo kami iniwan?
Mga anak: Inay! Inay! Gising! Huhuhu
Narrator:Ngunit hindi roon natapos ang kalbaryo sa buhay nila Mang Rogelio. Dumating din sa
puntong halos kakaunti lang ang huli ni Mang Rogelio. Lalong humihigpit ang kumpetensya sa
pagitan ng mga large-scale fishermen at low-scale fisherman.
(Mang Rogelio: Nasisilawan sa mga bumbilya ng malalaking fishing vessel, malapit lang ang pagitan
sa kanya.)
Mang Rogelio: Ano ba naman ito! Walang mga konsiderasyon! Sa sobrang liwanag ay sigurong pati
mga isda ay nangaghilo na!
(Mang Rogelio at panganay na anak, nag-uusap tungkol sa pag-aaral ng anak. Sinasabing gusto
nyang pag-aralin ang mga ito upang makahanap ng mas magandang trabaho.)
Mang Rogelio: Anak, ikaw na lang ang pag-asa ko. Mag-aral ka nang mabuti. Para rin sa
kinabukasan natin ito. Kay hirap na ng sitwasyon natin ngayon. Hindi sa lahat ng oras ay may huli
akong isda.
Rhoda: Itay, kahit gaano kahirap ay titiisin ko. Para po ito sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. (group
hug upod ang mga siblings, hibi)
N: Hindi lang si Mang Rogelio ang napeperwisyo ng mga malalaking sasakyang pandagat. Isa rin sa
mga ito ay ang kanyang kaibigang si Mang Ruben.

*Mang Rogelio at Mang Ruben, nag-uusap, nadadamayan sa problema (strict implementation of


rules and regulations among fishermen, competition between large scale fishers, pollution, scarcity,
Recommendations).
Rogelio: Pare, kumusta naman ang huli mo?
Ruben: Hay naku pare, hindi na talaga makaturangan ang huli ko. Lalo pang lumiliit ang huli naming
isda dahil sa mga komersyal na mangingisda. Isang taon nating huli ay katumbas lamang ng ilang
oras lang nilang huli.
Rogelio: Dagdagan pa ng kasamahan nating matitigas ang ulo, hindi sumusunod sa regulasyon.
Kung minsan ay may nangingisda pa sa loob ng 15 km distansya mula sa baybayin. Gumagamit rin
sila ng mga lambat na maliliit ang mata kaya pati mga maliliit na isda ay walang kawala.

Ruben: At hindi lang yan, akala ko ay marami na akong nahuli yun pala ay puro plastic at basura
ang lamanng aking lambat.
Rogelio: Iba na talaga ang panahon ngayon. Kumukonti na ng kumukonti ang huling isda. Sa
ganitong lagay ay siguradong wala ng matitirang isda para sa susunod na henerasyon. Kaya
sinasabi ko sa aking mga apo at anak na dapat mag-aral sila ng mabuti.
Ruben: Iyan din ang pangarap ko para sa aking mga apo. At sana ay pag igihan ng gobyerno ang
pag-iimplementa ng mga batas para maprotektahan tayong mga mangingisda.
N: Patuloy pa ring umaasa si Mang Rogelio na makakamit nila ang pagkakapantay-pantay na
hinahangad ng mga mangingisda. Tatlumpot taon na syang nangingisda. Dahil sa pambihirang
sipag at tiyaga ni Mang Rogelio, napatapos nya ang kanyang panganay na anak sa kursong Medical
Technology sa Central Philippine University at ngayon ay mangingibang-bansa na ito upang
magtrabaho. Ayon kay Mang Rogelio, habang kaya pa nya ay patuloy pa rin syang sa pangingisda
para sa kanyang pamilya.
-Wakas.
Intro :video sang dagat
1st scene: dagat with Bangka
2nd scene: hacienda
3rd scene: sa loob ng bahay-kubo
4th scene: Miagao

5th scene: Dagat with Bangka


6th scene: bahay
7th scene: dagat, maliit na bangka, may kasamang malalaking fishing vessels na may ilaw
8th scene: bahay
9th scene: sa tabi ng dagat

You might also like