You are on page 1of 1

news program sa Filipino ang pormalidad at objectivity para matulungan ang tagapanood na

pag-isipan at suriin ang halaga at implikasyon ng mga pangyayaring ibinabalita. Kailangang


itaguyod at palaganapin ang paggamit ng Filipino ng mga opisyales ng gobyerno, mga
edukador, at ibang propesyunal, lalo na kapag nagsasalita sila sa media sapagkat malaki ang
magagawa nila para makapagbigay ng kamulatan sa mga manonood at tagapakinig ng media.
Sa bagay na ito, dapat purihinang paggamit ni Pangulong Noynoy Aquino ng wikang Filipino na
malaman,matuwid, at walang borloloy sa kanyang mga SONA, sapagkat napaparating niya sa
karaniwang mamamayan ang mahahalagang isyu na dapat nilang harapin. Isipin na lamang
kung ang pagliitis kay CJ Corona ay ginawa sa Filipino, mas malaki sana ang nagawa nito sa
pagtataas ng kamalayang pampulitka nina Juan at Juana de la Cruz.Kung magagawa ng tagamedia na iangat ang kalidad ng impormasyon at antas ng kritikal na talakayan sa ibat ibang
media, mas malaki ang maiaambag ng media dilamang sa pagbubuo ng bansa sa
pamamagitan ng paggamit ng iisang wika kundi sa paghuhubog ng mga mamamayan na
maalam, mapanuri, at mapagpasiya. Sa ganitong paraan, ang media, na gumagait ng wikang
Filipino, ay magiging matibay na haligi ng ating demokrasya.
4 Agosto 2012

You might also like