You are on page 1of 1

National Museum Ethnographic Collection

ANTROPOLOHIYA
National Museum Ethnographic Collection
Isla
Mindoro

Katutubo
Mangyan
Hanunuo
Buhid

ANTROPOLOHIYA
Kultura
- ang Mangyan ay pangkalahatang tawag sa mga katutubong taong
nakatira sa isla ng Mindoro. Isa dito ay ang mga Hanunuo sa timog ng
Oriental Mindoro; ang mga Buhid sa hilaga ng mga Hanunuo; ang mga
Batangan, sa looban ng mga kagubatan sa hilaga ng mga Buhid; ang mga
Ratagnon, sa dulo ng timog ng isla; ang mga Iraya, sa dulo ng hilaga ng
isla; ang mga Tadyawan, sa silangan at hilagang silangan ng isla; at ang
mga Alangan, sa lugar ng bundok Halcon. Ang natatanging
pagkakakilanlan ng mga Mangyan ay ang paggamit, hanggang sa ngayon,
ng sinaunang sulatin ng Pilipinas. Ang sulating ito ay galing sa India at
ginagamit nila sa pagsulat ng ambahan o urukay, isang epikong kanta ng
mga Mangyan. Sinusulat ito sa mga putol na kawayan gamit ang kutsilyo.
Ang mga Hanunuo at Buhid lamang ang gumagamit ng sulating ito. Ang
ambahan ay kinakanta ng mga Mangyan kasabay sa pagtugtog ng gitara,
biyolin, at plauta.

Sinaunang Sulatin ng Palawan/Tagbanua/Hanunuo/Buhid


Ang

pagsusulat ay isang sinaunang paraan ng komunikasyon sa Pilipinas.


Lumaganap ang pagbabasa at pagsusulat sa buong kapuluan sa
pamamagitan ng mga kumplikadong ruta ng pangangalakal. Sa halip na
lapis at papel, ang mga sinaunang Pilipino ay gumagamit ng mga may tulis
na kutsilyo, kahoy at uling upang sumulat sa mga patpat, kawayan, balat
ng kahoy at dahon ng palma. Ang pagsusulat ay kinaugaliang gamitin sa
pagpapahayag ng tula at pansariling liham.
Sa pangkalahatan, may 17 simbolo ang mga silabari ng Pilipinas kung saan
ang 14 ay mga katinig at ang 3 ay mga patinig. Ang mga katinig ay ba, ka,
da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, ra, sa, ta, wa, at ya. Ang pagdagdag ng ra
ay kamamakailan lamang isinagawa ng ilang grupo. Ang pagdagdag ng
isang marka sa taas ng isang katinig ay kumakatawan sa tunog i/e, at
ang paglalagay naman sa ilalim ng katinig ay para sa tunog o/u. Sa mga
katutubo na may sistema ng pagsusulat na nagmula sa baybayin, apat
lamang na grupong etnolingwistika ang magpahanggang sa ngayon ay
gumagamit pa rin ng kanilang sinaunang sulatin: ang Hanunoo at Buhid
Mangyan ng Mindoro; at ang Tagbanua at Palawan ng Palawan. Gayun pa
man, malapit na ring mawala sa kanila ang mga sulatin dala ng mga puwersang pangkultura na mula
na rin sa kapaligiran. Dahil dito, may mga hakbang na isinagawa upang pigilin ang pagkawala ng mga
sulating ito. Si Antoon Postma, isang dalubhasa ng antropolohiya,ay nagsikap buhayin ang sulating
Hanunoo at nagtayo ng isang paaralan para sa nasabing hangarin. Sinimulan na rin ng Pambansang
Museo ang isang proyektong naglalayong buhayin ang paggamit ng sulating Tagbanua at Palawan.

Kagamitan
Sinaunang
Sulatin

You might also like