ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. 10 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. Pahayag 12:11 11 At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. 1Pedro 5:8
Kayo'y maging mapagpigil,
kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: JUAN 10:10
Hindi pumaparito ang magnanakaw,
kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ngkasaganaan nito. Efeso 6:11-12 11 Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios,upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
12 Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi
laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Santiago 4:7
Pasakop nga kayo sa Dios;
datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. 1Juan 1:7
Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa
liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Exodo 12:23 Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo. 2 CORINTO 10:4 -5 4 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman,kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta)
5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at
ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ngpagiisip sa pagtalima kay Cristo;