You are on page 1of 1

Jenny Weng

Hekasi

Patakarang Pangkapayapaan na Ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas


Ang layunin ng mga mananakop sa ating bansa ay nais nilang ipalawak ang kanilang
teritoryo at nagnanais na may magandang maidudulot sa kanilang bansa. Mas malakas ang bansa
kapag madaming bansa ang masakop nila at higit na mas maraming pera ang kanila matatanggap
galing sa ibat ibang mga bansang sakop nila. Ngunit di lahat ng mananakop ay may masamang
intension, ang bansang amerika ay nagsimulang gumawa ng mga batas at sistema upang
makapag isa ang bansang Pilipinas.
Itinatag ang Cooper Act na ang layunin ay gawing demokratiko ang bansang Pilipinas at
mga probisyon sa pagtatag ng isang kapulungan ng mga mambabatas na binubuo ng mga
Pilipino. Dito na nagsisimula ang unting-unti na pagkakabuo ang sistema ng Pilipinas. Ang
sistemang demokratiko ay hango sa sistema ng Amerika dahil ang layunin ng mga Amerikano ay
magkaroon ng mga bansa na may kaparehas sa kanilang sistema sa gayon ay mas malawak ang
sakop ng mga Amerikano. Sa Cooper act ang may Pilipino ay may karapatan at dalawang
Pilipino ay kinatawan sa kongreso sa Amerika. Sumunod naman ang Pambansang Asemblea na
may layuning gumawa ng mga batas para sa mga Pilipino. Sumisimbolo na ang Pilipinas ay
nagsisimulang bumuo ng sariling sistema na makapagpatayo ng sarili kapag na wala ang mga
Amerikano. Ang Batas Jones ay unang hakbang tungo sa pagsasarili ng Pilipinas na naglalaman
ng mga probisyon tungo sa karapatan, badyet ng Pilipino. Women Suffrage Act ay nagbigay ng
pantay na karapatan sa mga babae na bumot at mahalal sa posisyon. At marami pang batas na
nagpapahayag ng patay na karapatan sa mga Pilipino ukol sa minimum wage, tamang oras sa
pagtatrabaho at iba pa.
Sa kalahatan na mga batas at patakaran na itinatag ay tungo sa pagbubuo ng pundasyon at
sistema para sa bansang Pilipinas. Ang mga Amerikano ay unting-unti binibigyan ng kalayaan
ang bansang Pilipinas. Iniimpluwensyahan ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa pagsasagawa
ng sistema na parehas ng Amerika. Ipinapakita ng Amerikano na sila ay kaibigan ng Pilipinas
dahil tinutulungan ng mga Amerikano ang bansang Pilipinas para umunlad, ngunit may layunin
din ang mga Amerikano upang maging mas malawak ang sakop sa teritoryo nila na kahit wala na
ang mga Amerikano sa bansang Pilipinas

You might also like