You are on page 1of 3

Cumigad, Ignatius Dominic P.

07
Sa Matalino at Tamang Pagboboto

Quezon City Oktubre 10, 2015


Mga minamahal kong edukadong mamamayan ng ating bansa na magiging pag-asa ng
ating bayan: Kung kayo ay tutuntong na sa legal na edad, o kaya kayo ay nasa edad na
labinwalo pataas na: Inaasahan ko na kayo ay namulat na sa mga katotohanan sa mga
nangyayari sa ating bansa. Marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos sa kanilang
pang-araw-araw na buhay, nakararanas ng diskriminasyon, at marami pang ibang suliranin.
Ngunit kung titignan natin sa perspektibong nasyonal, ang pinakaunang problema ng Pilipinas
na kailangang bigyan ng solusyon ay ang katiwalian sa ating pamahalaan.
Oo, maaari mong itanong sa iyong sarili na Bakit katiwalian? Bakit sa amin mo ito
sinasabi? Ano naman ang aming magiging tungkulin? at marami pang iba, at sasagutin natin
ito nang isa-isa habang ito ay iyong binabasa.
Ang katiwalian sa ating gobyerno ang masasabi natin na ugat ng lahat ng ating mga
pambansang suliranin, lalo na ang kahirapan; sila ay nakadepende sa isat isa. Sa pag-aabuso
ng kapangyarihan sa taong nakaupo sa pwesto sa pamahalaan, tulad ng pagkamkam ng kaban
ng bayan na galing sa buwis na kinokolekta sa mga mamamayan, ito ay maaaring maging isang
gawi ng gumagawa nito, at dahil doon, hindi natutulungan ang marami sa ating mga
kababayang kapus-palad. Hindi lang yun, marami ring proyektong pampamahalaan na dapat
tapos na ay hindi pa rin natatapos, o kaya sa kasamaang palad ay hindi pa rin nasisimulan,
dahil sa korupsyon.
Tandaan niyo rin na ang katiwalian ay hindi lamang pang-nasyonal na suliranin, ito rin ay
madalas na makikita sa lokal na pamahalaan. Upang lipulin ang katiwalian, kailangan natin
itong simulan na pambansang lebel, pababa ng pababa sa lokal na lebel.
Dahil tayo ay nasa isang demokratikong bansa, kailangan niyong gamitin ang inyong
mga kapangyarihan, bilang mga mamamayan. Ito ay sa paraan ng matalinong pagboboto sa
ating mga magiging opisyales ng ating bansa, sapagkat ito ay nangyayari lamang tuwing tatlong
taon.
Kaya kayo, mga edukadong mamamayan ng ating bansa na nasa legal na edad na, una
sa lahat ay kailangan ninyong magparehistro upang makaboto sa halalan. Sa bagay, ilang

Cumigad, Ignatius Dominic P.

07

buwan na lang ang natitira bago mag-eleksyon, at marami na rin ang nagpaparating na sila ay
tatakbo sa kani-kanilang mga posisyon na tatakbuhan.
Kayong mga hindi pa nagpaparehistro na nasa botanteng edad na, ay kailangan ding
magparehistro upang makaboto. Huwag na huwag ninyong iisipin na walang maibibigay na
pagbabago ang isang boto, sapagkat hindi lang ikaw ang nag-iisip ng ganyan. Marami sa mga
nasa botanteng edad na ang hindi nagpaparehistro dahil sa ganitong pag-iisip, kayat kailangan
baguhin itong mentalidad na ito upang magamit ang inyong kapangyarihan, bilang mga boses
ng mamamayan.
Pagkatapos ninyong magparehistro, ay pumili na kayo ng inyong mga iboboto sa
pagdating ng halalan. Kailangan ninyong pag-isipan ng mabuti ang inyong mga iboboto sa
halalan dahil sila ay uupo sa kanilang napanalunang pwesto ng tatlong taon upang kayo ay
pagsilbihan. Huwag na huwag ninyong lalaruin ang inyong mga balota sapagkat ito ang inyong
magsisilbing boses bilang mamamayan.
Kailangang piliin ninyo ang mga kandidato na may karanasan na sa pamamahala sa
ating bansa, pati na rin ang mga kandidato na sa tingin ninyo ay makakapagtaguyod ng tamang
pamamahala at makalilipol sa katiwalian sa ating pamahalaan.
Kailangang iboto niyo rin ang mga kakandidatong may nagawang mga proyekto noong
nanungkulan sila sa nakalipas na termino, sapagkat alam nila ang kanilang ginagawahabang
sila ay nanunungkulan. Piliin niyo rin ang mga kandidatong naghain ng mga batas para sa
ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa.
Huwag na huwag kayong pipili ng mga kandidato na naihalal noong nakaraang eleksyon
ngunit wala namang nagawa noong sila ay naupo na sa pwesto sapagkat sila ay wala rin
namang magagawa para sa kinabukasan ng ating bansa.
Piliin niyo rin ang mga kakandidatong malinis ang konsiyensiya at malinis ang pangalan
sa larangan ng pulitika dahil sila ang magiging tagapagtaguyod ng maganda at tamang
pamamahala na walang bahid ng katiwalian. Sila rin ang magiging mga modelo pagdating sa
pamamahala ng ating bansa, upang mapalawig din ang tamang pamamahala sa kanilang
pwesto.
Ikaw, botante, ay huwag boboto ng mga kakandidatong namimigay ng pera upang sila
ay iboto lamang, sapagkat ang gawaing ito ay masama at hindi karapat-dapat bilang kandidato.
Kayo rin ang malulugi dahil sa halagang, sabihin na natin ay isang libo, kapalit ng tatlong taon
2

Cumigad, Ignatius Dominic P.

07

ng kanyang pagsisilbi ay maaari niyang makuha muli ang kanyang naipamigay na pera sa
pagkamkam sa kaban ng bayan.
Kailangan mong piliin ang mga kakandidato na nakikinig sa boses ng nakararami at
nagpapatupad ng mga batas na para sa ikabubuti ng lahat, dahil sila ang makakaalam ng mga
suliranin ng ating bansa. Kailangan po ring pumili ng isang lider na bukas-palad at walang pagiimbot sa kanyang panunungkulan, dahil ito ang isa sa mga tamang katangian ng isang
magandang panunungkulan.
Ikaw, botante, ang boses ng bayan; gamitin ang iyong kapangyarihan na may kaakibat
na katalinuhan para sa ikabubuti mo at ng iyong mga kapwa mamamayan at sa kinabukasan ng
iyong bayan.IGNATIUS DOMINIC P. CUMIGAD.

You might also like