You are on page 1of 9

Cumigad, Ignatius Dominic P.

07

2014-78590

PP12 Aguirre

INSERT: KWENTONG-BAYAN ACTIVITY


Ito ang isa sa mga pinakanaaalala ko na activity (bukod sa una ito), dahil sa amin yung
kuwentong-bayan na Pinakamabangong Tae sa isang kaharian. Mayroon din yung mga
generic tulad ng Si Pagong at Si Matsing, ang binanggit ko sa klase na Juan Tamad at iba
pa. Nakakatuwa man ang istorya, may isang layunin lamang ito: Ito ay para sa mga bata upang
maturuan sila ng mga gintong aral sa buhay.

Pre-Colonial insights and readings


8/26-9/4
Oral Lore from Pre-colonial Times ni Lumbera at Lumbera
Epiko: Aliguyon
Ipinakita sa mga akdang pampanitikan noong pre-kolonyal ang communal at simplistikong
pamumuhay na paulit-ulit nangyayari, kung baga isang routine ang kanilang pamumuhay, na
sa tingin ko ay nararapat lang dahil hindi pa durating ang mga kastila noon, at hindi pa ganoon
ka-advanced ang teknolohiya noong panahong yun upang sila ay magbago ng kanilang paraan
ng pamumuhay.
Naglalaman ang Epikong Aliguyon ng mga stereotypes na nabuo na noong unang panahon,
tulad ng lahat ng mga bayani ay mga lalaki, nag-aalaga ng mga bata at laging nasa bahay ang
mga babae, atbp.
Ang Epikong Aliguyon din ay tulad ng isang pangkaraniwang epiko; sa porma nito, itoy
mahaba, ipinapasa-pasa ng mga taong pili, napakahaba, naglalaman ng mga supernatural na
mga penomena, at iba pa. Kaso lang, hindi tulad ng iba, hindi namatay ang pangunahing
tauhan sa Aliguyon.
Nabanggit din sa aming klase ang konsepto ng Orientalismo ni Edward Said, na kung saan ito
ay tumutukoy sa paggaya o paglarawan ng kultura sa Silangan ng mga Kanlurang manunulat,
dibuhista at alagad ng sining, at tumutukoy sa isang simpatikong paninindigan patungo sa
rehiyon sa pamamagitan ng isang manunulat o ibang tao. Tumutukoy din ito sa pagtingin ng
mga Europeo sa Asya sa pamamaraang mapapalitaw ang pagiging superyor ng Europeo

usapin ng lahi at kultura. Ito ay laganap pa rin hanggang ngayon sa pamamagitan ng


diskriminasyon sa lahi, pati na rin noon sa pananakop ng mga taga-kanluran sa mga tagasilangan, na babanggitin sa susunod na panahon ng panitikan sa Pilipinas.

9/9-11
Hinilawod: Introduction ni Jocano, F.L. at Ang Hinilawod: Epikong Hiligaynon ni Villareal, C.
Si Lam-ang, si Fernando Poe Jr., at si Aquino: ilang kuro-kuro sa epikong Filipino ni Cruz, I.
Ipinakita rito ang pagkumpara ni Lam-ang kanila Poe at Aquino, dahil sa muling pagkabuhay ni
Lam-ang, ganun din ang kanila Poe at Aquino, pero sa ibang paraan. Noong namatay sila,
naging kilala sila sa kanilang mga nagawa at naiambag sa kani-kanilang mga larangan, at
masasabing nabuhay sila sa puso ng masang Pilipino.
Ambahan: a Mangyan poem of Mindoro
MINI-ACTIVITY FLIPTOP, AMBAHAN-THEMED
Kailangang: heptasyllabic, rhyming (usually with -an), chant, poetic expression, walang
accompaniment, meaphorical ang pag-verbalize, may sagutan, may audience, at base sa
human situations ang tema. Nakaktuwa itong activity na ito dahil sa ang isang side ay Rapper
at ang isa naman ay Preacher na nagpapalitan ng sali-salita. At ayun, ipinakita sa amin ang
aktwal na Ambahan na tungkol sa unti-unting pagkamatay ng kultura nito. Ang isa sa mga
naiambag nila ay ang Hanun'o, at ang Surat Mangyan, ang kanilang paraan ng pagsulat, at
ilinalagay nila ito sa kawayan agad itong nawawala dahil mabilis masira ang kawayan sa
paglipas ng panahon.
Napag-usapan din sa klase namin ang insidenteng nangyari sa mga Lumad mga ilang linggo na
rin ang nakalilipas na gumising sa ating National Consciousness. Ngunit noong panahong yun
ay kapanahunan ng pagsikat ng AlDub, isang sikat na loveteam sa telebisyon na pakana ng
Eat Bulaga, at nakita namin dito na ang media ay may malaking kontribusyon sa pag-mold ng
National Consciousness. May mga ilang nakakaalam sa isyung ito, pero halos lahat ng
mamamayan natin ay AlDub ang alam.
Nabanggit din na ang insidenteng nangyari sa Lumad ay isang Direct Violence, na ayon kay
Pierre Bourdieu ay may pisikal na contact, at ang Symbolic Violence naman ay isang violence
na unconscious na ating ginagawa sa ating pang araw-araw ng buhay, tulad ng

diskriminasyon sa lahi, kasarian at iba pa. Sa katunayan ay natutunan ko na itong mga ito
noong kinuha ko ang Socio 10 na kurso, at naging malaking tulong ito upang ma-survive ang
mga Pan Pil na klase ko (nag-19 ako noong midyear hehe).
Kastila Insights and Readings:
9/16-23
Literature under Spanish Colonialism ni Lumbera at Lumbera
Babalikan natin dito ang National Consciousness na nabanggit kanina lang, dahil ito ang
kumbaga Core ng halos lahat ng mga akda na kailangang basahin. Makikita ito sa Pasyong
Dapat Ipag-alab ng Puso ng Taong Baba sa Kalupitan ng Fraile ni Marcelo H. Del Pilar at
Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio.
Sa akda ni Del Pilar, makikita rito ang konsepto ng Parody o panggagaya na madalas makikita
sa social media at ginagawa itong pangkatuwaan. Ang pinagbasehan ni Del Pilar ay ang
Pasyon, isang mahabang akda na pabasa na ginagawa tuwing kuwaresma. Madalas, ang
mga gumagawa nito ay mga matatanda. Ito ay isang tulad ng Hegemonic reading, na ayon
kay Stuart Hall, ay isang situasyon na kung saan ito ay nangingibabaw sa lahat. Ibig sabihin, ito
ay may kapangyarihan, at ginamit ito ng mga Kastila upang masupil ang Pilipinas.
MINI-ACTIVITY - #HASHTAG
Ginawa namin ito sa mga akda ni Bonifacio na Katapusang Hibik ng Pilipinas at ang akda ni
Gregoria De Jesus, ang Magmula, Giliw nang Ikaw ay Pumanaw. Bawat taludtod ay ginawaan
namin ng nararapat na hashtag na kung saan ang mood ng taludtod ay nararapat sa hashtag.
Ang kay Bonifacio ay may patungkol sa National Consciousness noong kapanahunan ng
Pananakop ng Kastila, at ang kay De Jesus naman ay patungkol sa kanyang pag-ibig kay
Bonifacio. Isa sa pagkakatulad nila ay ang huling taludtod ni Bonifacio at bago ang huling
taludtod ni De Jesus. Pareho silang namamaalam, pero si Bonifacio ay namamaalam sa
Espanya, at si De Jesus naman ay kay Bonifacio. Napakaganda ng activity na ito sapagkat ito
ay nagpakita ng aming social media side sa pamamagitan ng paggawa ng #HASHTAG.

May Bagyo mat may rilim ni ?


MAIKLING PAPEL PAGKALAP NG ANONIMISADONG KATHA

Ilalagay ko rito ang ginawa kong papel tungkol dito:

Narito na tayo sa panahon na kung saan napaka-advanced na ang ating teknolohiya na


kung saan ay maipakita mo ang iyong saloobin, nararamdaman, opinyon, random stuff o kung
anuman ang gusto mong sabihin o ipakita sa kahit anong istilo o paraan gamit ang Internet, sa
pamamagitan ng mga karaniwang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr,
9GAG, Message Boards o Forums at iba pa.
Pero ang iba sa atin, may kakaibang paraan ng pagpapahayag na kung saan
gumagawa tayo ng kung anu-ano, ipinapakita ito sa mundo nang hindi nagpapakilala. Yung
mapapaisip ka na lang na Wow anonymous, sino kaya ang gumawa nito? o kaya sa nais
ipahayag ng isang di-kilalang may-gawa ng isang teksto, magkakaroon ka na lang bigla ng
paramdam na kung anong klase ng tao ang gumawa nito base sa kanyang ginawa, parang
Wow, ang deep siguro mag-isip ng gumawa nito, o kaya Sus pa-deep, sarap sapakin ng
gumawa nito oh o kaya Wow lakas makahugot ni ate/kuya at iba pang mga opinyon sa mayakda na hindi kilala base sa kanilang ginawa.
At saan ba madalas nakikita ang mga ganitong uri ng pagpapahayag? Bukod sa internet
na kung saan may choice tayong magpaka-anonymous o hindi, at dahil dito lang din naman ako
nakatira sa UP, marami ito sa mga pampublikong lugar sa loob ng classrooms, sa mga upuan
ng ibat ibang buildings, sa mga pader (lalo na sa may shopping center), at madalas din itong
makita sa sa CR sa pamamagitan ng graffiti.
Dahil akoy isang dormer, sinamantala ko nang maghanap ng ibat ibang uri ng graffiti sa
loob ng Molave, at sinimulan ko ito sa loob ng aking cabinet. Laking gulat ko dahil mayroong
apat na bumulagta sa akin na graffiti na hindi ko man lang napansin magsimula noong tumira
ako rito. At ang mga nakasulat ay:
Nothing is true, everything is permitted.
We are what we repeatedly do Excellence then, is not an act, but a habit.
Plan your Work. Work your Plan.
To feel worthwhile is to be worthwhile.
Sinubukan ko ring maghanap sa may Shopping Center at ang pinalilibutan nitong lugar,
at ang mga nakasulat doon ay:

How do you turn pain into something beautiful?


Forgive
Is love an invention or a discovery?
Dont sit where you can lie.
At sa mga street light post (na nakikita sa halos lahat ng street light post):
WANTED: Kapayapaan
Mayroon ding mga tekstong nakikita sa ibat ibang institutes/colleges/schools/buildings
sa UP:
NO TO 2.2 BILLION BUDGET CUT!
IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA!
UP NOT FOR SALE
.. at marami pang iba.
Kung susuriin ng mabuti ang aking mga nakalap na graffiti sa ibat ibang lugar dito sa
UP, walang makikitang pattern sa mga ito. Halimbawa na lang, sa porma. Ang iba, drawing ang
nais ipakita, may mga graffiti rito sa mga nakalap ko na direkta ang mensahe, at mayroon ding
mga graffiti na, kung baga philosophical at mapapaisip ka sa gustong iparating nito tuwing
nadadaanan mo ito. Kung ang tema naman ang pinag-uusapan, mayroong ibat ibang klase:
tungkol sa pag-ibig, problema ng ating lipunan o ang ating unibersidad, mga suliraning pangakademiko, mga panghihikayat upang gawin ang hindi nila magawa, at marami pang iba.
Hindi natin maitatanggi na ang may mga gawa ng mga graffiti na ito ay mga estudyante
rin na tulad ko, sapagkat napakalawak ng ating campus. Ang isang tingin dito ay: Ang UP ay
isang napakalaking canvas na kung saan pwedeng magpinta ang kahit sino, kahit saan o kahit
kailan. Parang freedom wall ang UP na kung iisipin mong mabuti ay tama nga naman, dahil ito
ay isang pampublikong espasyo, at hindi lang ito espasyo isa itong pampublikong paaralan na
kung saan hinuhubog nito ang ibat ibang klase ng tao.
Ibat ibang klase ng taoDito na rin papasok ang isa pang pagtingin sa mga graffiti rito
sa UP (na ibat iba rin ang porma, uri at nilalaman): na may ibat ibang uri ng tao/estudyante sa
loob ng ating campus, base sa mga graffiti na nakalap. Sabi nga sa aking Bio 12 subject sa
topic na Animal Diversity: In a marine environment, you can find 300 differrent species of

organisms per square meter. What more if you widen your area of observation? Masasabi natin
na may diversity talaga rito sa UP dahil napakalawak nitoat hindi lang yun ang natatanging
rason. Binubuo ang UP ng ibat ibang tao sa ibat ibang panig ng ating bansa na may ibat ibang
karanasan na humubog sa kung ano na sila ngayon, at ang Environment ay isang sanhi sa
paghubog ng isang tao at isa na rin ang UP sa mga humuhubog sa atin hanggat narito tayo.
Ang UP ay isang meeting place ng ibat ibang uri ng tao sa ating bansa.
Bakit nga ba na may gumagawa pa rin ng ganito sa UP, sapagkat napaka-advanced na
ang ating teknolohiya; may mga SNS na tayo, may internet at iba pa? Bakit kailangan pa na sa
dingding ito nakalagay upang makita ng mga taong nadadaanan ito?
Isa sa mga problema ng UP sa ngayon ay ang commercialization na kung saan ang
ilang serbisyo ng gobyerno, na publiko ay pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya dahil
sa kontrata. Ang ilan sa ating mga iskolar ng bayan, lalo na ang mga Pula na iskolar ay ayaw
sa ganitong sistema, dahil ito may magreresulta sa privatization ng ating unibersidad na dapat
ay pampubliko ito o pangmasa. Ang masama pa rito ay maaaring gawing negosyo ng mga
namamahalang mga pribadong kumpanya ang ating unibersidad, na may unting paglayo sa
nakagawian ng UP na ito ay pang-masa at para sa lahat. May gawain dito ang graffiti, na ayon
kay Stewart (1994) at Lombard (2013) na makikita rin sa gabay ng paggawa ng papel na ito:
Graffiti erodes the divisions between public and private space, reclaiming public space for
those who primarily inhabit it. Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga gumagawa pa rin ng
graffiti sa ngayon dito sa UP, ay upang mabawi ang pagiging publiko nito.
Tandaan din natin na hindi lang estudyante ang mga nandito sa UP; isa itong
komunidad. Bukod sa mga iskolar ng bayan na madalas makakita ng mga graffiti tuwing
dumadaan patungo sa klase, mayroon ding ibang mga tao na naninirahan dito sa loob, may
mga pumapasyal, at may ibang mga taong dumadaan lang. at nadadaanan din nila itong mga
tekstong ito na maaaring mag-iwan ng marka sa kanila na maaaring makakapagpabago ng
kanilang pagtingin sa mundo o pananaw sa buhay, maliit man o malaki. Nakakonekta ito sa
Freedom

of

Expression,

na

kung

saan

malaya

kang

ihayag

ang

iyong

saloobin/nararamdaman. At dahil mainit itong usapan sa ngayon, ang graffiti ay isang paraan na
kung saan pwedeng maghayag ang isang tao ng kanyang gustong ihayag saloobin man o
nararamdaman, o kung ano man ang pwede niyang isulat sa dingding nang walang pumipigil sa
kanya.

MINI-ACTIVITY MEME-MAKING
Sa May Bagyo Mat May Rilim, pumili kami ng nagustuhan naming linya at ginawaan namin ng
meme, ito ay mga serye ng mga imahe na kung saan linalagyan ito ng caption na bagay sa
imahe upang gawin itong katawa-tawa. Ginamit nanaman namin dito ang aming Social Media
Skills at heto ang kinalabasan sa grupo namin:

9/30
(mga sipi ng) Pagsusulatan ni Urbana at Feliza ni Modesto de Castro

Ito ay isang akda na kung saan kakaiba ang porma nito hindi ito isang tulad ng kuwento na
pasalaysay lang, ito ay Epistolarya pagsusulatan ng dalawang magkapatid na nakatira sa
urban st sa rural na lugar: Si Urbana at Feliza.
Marami itong ipinakitang mga konsepto tungkol sa ibat ibang bagay at sisimulan natin ito sa
mga Stereotypes na nabuo noong panahong ito.
Nagkaroon ng ibang pagtingin sa mga taga-bundok, ang tawag sa kanila ay mga Brutos
Salvajes dahil sila raw ay hindi sibilisado noong panahong iyon. At ayun, sa mga taga-bayan,
sila ang mga nakatira sa sentro. Mayroong nakikitang Cultural divide at Class divide sa
dalawang kampong ito, na maihahalintulad sa mga: Uso/Trending vs. mga Baduy/Jologs/J3J3
sa ganitong panahon.
Bukod sa stereotypes, nagpakita ito ng pagpapahalaga sa relihiyong Katoliko pati na rin ang
pagpapalaganap nito ng mga magagandang asal, na kaakibat ng katolisismo.
Binanggit din sa aming klase ang konsepto ng Panopticon ni Michel Foucault na isang
magandang halimbawa nito ay: God is watching us na kataga. Ito ay upang hindi tayo
gumawa ng masama, ay may nanonood sa atin.

You might also like