You are on page 1of 6

Dugo sa Bukang Liwayway

Rogelio Sicat
University of the Philippine Press, 1989

BUOD:

Nahahati ito sa tatlong bahagi:


1. Isang Peregrinasyon Nagsimula ito kay Tano, isang magsasaka, at ang
manganganak na asawa nitong si Melang. Anak nila si Simon, ang pangunahing
tauhan sa nobela. Namatay si Melang ng isilang nito si Simon sa kadahilanang
ipinagkait ng mga Borja, ang pinakamayaman sa kanilang nayon, ang automobil na
hinihiram ni Tano upang maidala sana ang nagdidiliryong asawa sa hospital. Labis
na dinamdam ni Tano ang pagkamatay ng asawa kung kayat iniwan nito ang nayon
at nanirahan sa bukid kasama ang anak.
2. Pagtakas Muling nagbalik si Tano sa nayon ng malaman niya na mayroon siyang
karamdaman ang pagsuka ng dugo. Dito siya namatay at labis itong ikinalungkot
ni Simon. Nag-aral at kumayod siya sa Maynila sa tulong na rin ng dalawa niyang
kaibigan, si Duardo at Ador. Sa pagbalik nito sa nayon ay nadatnan niya ang
pagkababoy sa puntod ng kanyang mga magulang, tinabunan iyon ng ipa sapagkat
nabili na ng mga Borja ang lupang pinaglibingan ng mga magulang nito. Iniwan niya
ang kanyang nayon dala ang poot, muhi at ang pangakong paghihiganti.
3. Pagbabalik Nagbalik si Simon matapos ang matagal na panahon.
Naisakatuparan niya ang pangakong paghihiganti. Kinalaban niya ang negosyo ng
mga Borja at pinabagsak iyon. Ngunit sa kabila ng pinili niyang obligasyon, Hindi
niya kinalimutan ang sariling bayan. Pinagpatayo niya ito ng iskuwelahan para sa
mga magsasaka at tinulungan niya ang kaibigan, si Ador, na lumaban sa pagka
alkalde ng kanilang nayon sapagkat hindi naging makatarungan ang pamumuno ng
Borja. Ramdam na ang pagkatalo, walang babalang binaril ni Alejandro Borja si
Simon ng gabing nagtatalumpati ito sa harap ng maraming tao.

Ipinakikita ng nobelang ito ang kahalagahan ng edukasyon. Nais ng awtor na


magbago ang maling pananaw ng mga magsasaka na Ang pagsasaka ay hindi
itinuturo sa paaralan, kundi natututuhan sa bukid. Marami sa mga ito ang hindi

tinatapos ang pag-aaral. Matuto lang bumasa at sumulat ay ayos na. Naipakita rin
dito ang kawalang katarungan sa ating bansa ( Ang hukom ay nabubusalan ng
mga mayayaman. ) , kagaya na lamang ng pagkamkam ng mga
maykapangyarihan sa mga sakahan na matagal ng ina-araro ng mga kaawa-awang
magsasaka. Pinahihirapan at inaabuso ng mga may-ari ng bukid ang kanilang mga
kasama.

SETTING:

Ang setting ng nobela, ang bayan ng San Roque, ay gumanap ng isang


napakahalagang papel. Inihahayag nito ang gawaan ng mga magsasaka ang
kabukiran. Mahalaga rin ang mga deskripsyon ng awtor sa setting upang lubos na
maiguhit ng mambabasa sa kanilang isipan at para makaugnay sila sa nobela lalung
lalo na sa mga mambabasang hindi pa nakararating o nakaoobserba ng mga
magsasaka. Ito ang dahilan kung bakit ito ang napili kong rebyuhin kaysa ibang
akda. Sapagkat tulad ng awtor, lumaki rin ako sa kabukiran. Naobserbahan ko na
ang isang magsasaka. May ilang ideya rin ako sapagkat may bukid ang aking ama.
Alam kong mahirap maging isang magsasaka lalo na kung isa kang mangmang o
walang pinag-aralan.

PANGUNAHING TAUHAN:

Simon Maaring idolo ng karakter na ito ang pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal,
sapagkat tulad nito ay kakikitaan din siya ng pagmamahal sa sariling bayan.
Pinatotoo niya ang kasabihang Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makakarating sa paroroonan . Sinuman ay magugustuhan ang kanyang
karakter sapagkat ito ay masigasig. Naging mayaman ito dahil na rin sa pagtitiyaga
at pagpupursige. Ang kanyang karakter ay isang magandang modelo sa mga
kabataang tulad ko. Sa kabila ng magaganda niyang katangian ay kakikitaan mo rin
siya ng poot. Kinikimkim niya ang sama ng loob at ninais lang na makapaghiganti.

Duardo interesante ang karakter niya. Siya ang nagustuhan ko sa nobela. Sa


simula ay kakikitaan ito ng kahinaan ng loob, tahimik, at minsang napagkamalang
duwag subalit ang totooy nasa loob ang kulo ng karakter na ito. Sa tingin koy hindi

mahalaga rito ang kanyang sarili kundi ang ibang tao, lalo nat sariling kadugo nito.
Totoong kapatid ang turing nito sa kaibigan. Gayunpaman ay hindi ko gusto ang
takbo ng utak nito sa pagdedesisyon. Tumigil ito sa pag-aaral at mas pinili ang
pagbubukid. Naniniwala kasi ito na si Simon at Ador lamang, at hindi siya, ang pagasa sa kanilang nayon. Inilagay din nito sa kanyang kamay ang batas sa
paniniwalang hindi aayon sa kanya ang hustisya. Ito ang naging dahilan ng kanyang
kamatayan.

Ador Masasabing kabaliktaran ito ng karakter ni Duardo. Siya ang pinaka ayaw ko.
Sa simula ay punum puno ito ng pag-asa. Nagsilbi ito sa kanilang nayon sa
paniniwalang matutulungan niya ang karamihan, subalit siyay nabigo. Nalugmok
ito at nawalan ng pag-asa. Madali itong sumusuko. Subalit nanumbalik ang kanyang
determinasyon dahil kay Simon. Sa magkakaibigan ay siya lamang ang natirang
buhay sa nobela.

REKOMENDASYON:
Nagwakas ang nobela sa pagkamatay ng pangunahing tauhan, si Simon. Bakit
kailangan niyang mamatay? Napakalungkot ng katapusan nito. Marami ang
nagnanais ng masayang katapusan o Happy Ending. Ang nobela namay hindi isang
piksyon o makatutuhanang pangyayari. Alam naman nating sa totoong buhay ay
wala namang masayang katapusan o Happy Ending.

Sa umpisa pa lamang ng nobela (unang bahagi) ay inilantad na ang magandang


karakter ni Elena Regente., ang kapareha ni Simon. Mahal nila ang isat isa subalit
hadlang ang tadhana. Langit si Elena at Lupa si Simon. Mayaman si Elena at
Magbubukid lamang si Simon. Ikinasal si Elena kay Alejandro Borja, ang kaaway ni
Simon. Bakit kaya inilantad si Elena kung hindi rin lamang sila magkakatuluyan ni
Simon? Marahil kaya ay para lalong mapoot si Simon sa mga Borja?

Mahaba ang introduksyon ng awtor sa umpisa. Makulay ang deskripsyon sa setting


at sa mga magulang ni Simon. Bagamat naging mahaba itoy kasalungat naman
ang pagwawakas. Hindi nito nabigyan ng malawakang pagpapahayag ang
katapusan ng kuwento. Nang mapatay si Simon ay madaling tinapos ng awtor ang
nobela. Hindi man lamang nito binaggit kung ano ang mga kasunod na pangyayari.
Maraming katanungan sa aking isipan na hindi nito nasagot. Naging matagumpay
ang binalak ni Simon na pagpapaunlad ng kanyang bayan? Anong nangyari sa mga

Borja? Kay Elena? Marahil nais ng awtor na ang mambabasa na mismo ang siyang
humusga kung ano sa kanilang pananaw ang maaaring maging katapusan ng
kuwento.

Ang pagiging maligoy ng nobela ay nagbigay sa akin ng pagkayamot. Marami akong


ninais na huwag basahin. Iyon bang walang katuturan at parang wala naman itong
kahalagahan sa nobela. Sa aking palagay ay paraan iyon ng awtor upang humaba
ang kanyang nobela. Ang kabataan ngayon, tulad ko, ay tamad ng magbasa lalo
pat mahahaba ang babasahin. Pero maaaring nais lamang ng awtor na maging
malawak at malikot ang imahinasyon ng kanyang mambabasa. Nais lamang nito na
magkaroon ng ideya ang mambabasa sa isang particular na bagay na tinutukoy
nito.

Ang titulong Dugo sa Bukang-Liwayway, saan kaya ito tumutukoy? Gabi naman ng
mapatay si Simon at hinintay lamang ng mga kanayon nito ang pagbubukangliwayway. Hindi ko maiugnay ang titulo sa aking nabasa. Marahil ay mas interesante
kasi itong pakinggan, o hindi kayay may malalim itong kahulugan na hindi lamang
maabot ng mga ordinaryong kagaya ko.

ARAL:

Edukasyon ang binibigyang diin sa nobela. Mahalaga ang edukasyon at ito lamang
ang tanging pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Subalit sa
bansa ay laganap ang kahirapan, ito ang dahilan kung kayat marami ang hindi
nakapag aral lalung lalo na sa mga magsasaka.

KARAGDAGAN:

Ang pinaka ayaw kong tagpo ay ang pagkamatay ni Simon. Para sa akin ay
nasayang ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Sa huliy siya pa rin pala ang
matatalo. Sanay hinaluan ng awtor ng kaunting aksyon upang mas lalong maging
kapanapanabik ang bawat bahagi nito.

Ang bagay sa nobelang ito na hinding hindi ko malilimutan ay ang ginintuang aral
nitong iniwan sa king pusot isipan na habang buhay kong dadalhin hanggang sa
aking pagtanda.

Tungkol sa Aklat
Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ay isang nobela na inilimbag ng may-akda sa kanyang manuskrito ng dugo,
pawis at ultimong bakas ng talampakan. Ang motibo, inspirasyon, nilalaman, birtud at "kasalanan" ng nobela ay
pawang hinugot sa tadyang ng may-akda, alak at tinapay mula sa talambuhay, unang lagom ng kanyang
mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ang sinilangang bayan ng San Isidro, Nueva
Ecija ang San Roque sa nobela. May sandaling ang may akda ang naging isa sa tauhan ng nasa nobela
pagpapatibay sa pagiging "totoo" ng kanyang akda, hindi kathang isip lamang, bagama't pagpapatunay din sa
talinghaga ng paglikha.
Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang
agraryo. Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang
pangunahing motibo'y matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.

Pamagat: Dugo sa Bukang Liwayway


May Akda: Rogelio Sicat
Binasa ni: Camille Anne T. Manalo
Mga Tauhan:Tano-Asawa ni Melang, masipag at mapagmahal
Melang-Asawa ni Tano, pangalawang beses ng namatayan ng anak sasinapupunan.
Ka Tindeng-Hilot na mag-papaanak kay Melang.
Doktor-Tutulong at susuri kay Melang.
Senyor Borja-Ang mag-dadamot sa pag-papahiram ng Auto kay Tano.
Deskripsyon ng Tagpuan:
Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon. Sa langit, walang nag-iisang ulap;
anglaganap na kabughawan kanginang umaga ay tila kinulapulan ngayon ng
mapulangdampol. Ang araw ay isang malaking bolang nakapaloob sa isang lumbo n
g nagbabagaring liwanag. Walang umiihip na hangin: tahimik ang paligid. Tuwid na
tuwid na nakaturo salangit ang mga naninilaw na damo sa pilapil.
Hindi kumikilos, wariy nabibigatan saliwanag ng araw.
Buod:

Isang ordinaryong magsasaka lamang si Tano, siya ay may asawa, si Melang.Si


Melang ay nagdadalantao at kabuwanan na. Dati-ratiy kasama ni Tano si Melangsa
pag-gawa sa kanyang bukid, ngunit ng pangalawang beses ng namatay ang
anaknila di pa ito sinisilang ay minabuti ni Tano na sa bahay na lamang si Melang
dahilakala niya na nakakasama sa bata ang masyadong pag-tatrabaho. Isang gabi,h
abang masayang pinagmamasdan ni Tano ang ilawan, inutusan siya ni Melang
namag-latag ng banig, kinabahan na si Tano dahil humihilab na nga ang tiyan
niMelang at malakas pa naman ang ulan, hanggang sa inutusan na siya nitongtawa
gin si ka Tindeng ang hilot na magpapa-anak kay Melang, sinagasa ni Tano angulan
masundo lamang ang hilot, pagkarating nila sa bahay, dinig na dinig ni Tanoang
ungol ni Melang, nagdesisyon na ang Hilot na tumawag na lamang ng Doktor,dahil
hirap na sa panganganak si Melang, muli sinagasa ni Tano ang ulan, ngunit
ngmasuri ng doktor si Melang ay kailangan na pala itong dalhin sa Ospital dahil
bakamaubusan na ito ng dugo. Ngunit napakalayo ng ospital, iminungkahi ng doktor
nahumiram ng auto kay Senyor Borja. Sinagasa ni Tano ang ulan ng walang
kahitanong balabal, nang makarating na sya sa rehas na bakal ng mansion ni
SenyorBorja, nagmakaawa siya na pahiramin
siya nito ng auto, ngunit nagdamot angsenyor, ayaw niya itong pahiram dahil
umano mahirap mag-maneho ng malakas angulan.Bukang Liwayway na ng
makarating si Tano sa kanila, at agad na napansin niyana maraming tao sa kanila,
kinabahan na siya, at pag-pasok niya sa kanilang bahayay sinalubong siya ng
malungkot na mukha ng doktor, nabuhay ang bata, ngunit sakasawiang palad,
namatay ang mahal niyang si Melang.
Pinakamagandang bahagi:
Nang maulanan ang tanim ni Tano, at mabuhay ang anak ni Melang.
Gintong Aral:
Wag ipagdamot ang mga bagay na alam mong sonbrang kailangan na ng iba

You might also like