You are on page 1of 5

HEKASI 6

I.

Layunin:
Natatalakay ang kahalagahan ng soberanya sa pagpapanatili ng
kalayaan ng isang bansa

II.

Paksa:
Ang Soberanya ng Bansa
Sanggunian: Yaman ng Pilipinas pgs. 127-131
Mga Kagamitan: Mga larawan, Manila paper, Pentel Pen, chalk

III.

Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Drill: Magpapakita ng larawan ng mga sundalo at tanungin
ang mga bata tungkol dito.
2. Pagbalik-aral: Ano ang mga naibahagi ng pamahalaan at
mamamayan para sa kabutihan ng bansa?
3. Motivation: Ipakita ang larawan ng pagpapahayag ng
kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
B. Lesson Proper:
1. Pagtatalakay tungkol sa kalayaan ng Pilipinas.
Napagmasdan mo bang mabuti ang simbolo ng kalayaan ng
bansang Pilipinas? Nakikita rito ang tatlong panahon ng
kasaysayan ng Pilipinas. (Simbolo ng Pilipinas). Ang leon ay
naglalarawan ng impluwensya ng Spain sa atin. Ang agilang
nakabuka ang pakpak ay nagpapakita ng impluwensya sa atin
ng United States o mga Amerikano. Ang simbolo ng ating
hangaring maging malaya ay inilalarawan ng araw sa gitna.
Ang tatlong bituin ang sumasagisag sa Luzon, Visayas, at
Mindanao. Ang mga salitang Republika ng Pilipinas ay
nakikita sa ibaba. Ito ay nangangahulugang ang Pilipinas ay
mayroong kalayaan at soberanya o kapangyarihan na
iginagalang ng ibang bansa.
2. Gawin: Hatiin ang klase sa apat na bahagi. Bigyan sila ng
kagamitan upang maisulat nila ang kanilang konting
impresyon tungkol sa simbolo. Parereport ng impresyon sa
tulong ng guro.
3. Paglalahat: Ipabuod sa mga bata ang mga natutunan tungkol
sa naibahagi ng bawat grupo sa klase.
4. Paglalapat:
Alam mo bang isang malayang bansa lamang ang maaaring
magtaglay ng soberanya? Ang Pilipinas ay isang malayang
bansa. Ang pagiging malaya nito ay naging daan upang tayoy
kilalaning kapantay ng ibang bansa kayat dapat nating
pasalamatan ang mga bayaning nagbuwis ng buhay upang
makamit natin ang ganap na kalayaan.

IV.

Pagtataya
Isulat sa papel kung tama o mali ang mga sumusunod na
pangungusap.
1. Ang kalayaan ng isang bansa ay simbolo ng pagiging maunlad.
2. Mababangis na mamamayan ang magtatamasa ng kalayaan.
3. Ang tatlon bituin sa watawat ay ang simbolo ng Luzon, Visayas at
Mindanao.
4. Si Emilio Aguinaldo ang susi ng kalayaan ng Pilipinas sa ibang
bansa.
5. Natatamo ang kalayaan sa bansa kapag ito ay may mga walang
pakialam na mamamayan.

V.

Kasunduan:
Basahin ang aralin sa pahina 127-131 upang maging handa sa
talakayan.

EPP 6
I.

Layunin:
a. Matukoy ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa
pagluluto ng pagkain na mapagkakakitaan.
b. Matalakay ang salik na dapat isaalang-alang sa paghanda ng
mga pagkaing mapagkakakitaan.
c. Makadama ng pagnanais na makagawa ng makbuluhang bagay.

II.

Paksa:
Kahalagahan ng Kasanayan sa Paghahanda ng Pagkain Para sa
Sarili, Mag-anak, at Pamayanan
Bilang ng araw 2
Kagamitan Mga larawan ng karinderya, kantina, restawran, putahe
at pamayanan
Sanggunian Batayang Aklat, Patnubay ng Guro pp. 101-102

III.

Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay Pagbigayin ang mga bata ng mga lutong
pagkaing nabibili.
2. Balik-aral Tanungin kung paano ipinagbibili ang mga
pagkaing binanggit. Ipaalala ang natutunan sa Baitang V.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pangganyak Ihanda ang silid-aralan sa paglulungsad ng
yunit sa pamamagutan ng pagkakaroon ng bulletin board
display ng mga gawaing pangkabuhayan na may kaugnayan
sa pagkain, mga pamamaraan ng pagluluto, mga gawaing
kamay sa paghahanda ng pagkain at iba pa.
2. Talasalitaan
Karinderya

turo-turo

fast food

3. Pagbuo ng suliranin
III.1
Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa
paghahanda ng mga pagkaing mapagkakakitaan?
III.2
Anu-ano ang kabutihang dulot ng mga pagkaing
mapagkakakitaan sa mag-anak at pamayanan?
4. Karanasan sa Pagkatuto
4.1
Talakayin ang kahulugan ng mga pamamaraan ng
pagtitinda ng pagkain tulad ng:
Paglalako pagrarasyon
karinderya restawran
Turo-tuto pondahan kantina
coffee shop
4.2
Ipakita ang pamayanan na siyang magiging sentro
ng pagtatalakayan. Unang ipalarawan ang kapaligiran ng
paaralan. Ipasulat sa mapa ang mga gawaing
pangkabuhayan na matatagpuan ditto. Isunod ang mga
kalye na kung saan maaring nakatira ang ilang mga bata .
ipalarawan sa kanila ang mga ito.
4.3
Ipatalakay ang kabutihang dulot ng gawaing
pangkabuhayan sa antas ng pamumuhay ng isang
pamayanan.

4.4
Isunod na talakayan ang kabutihang dulot ng mga
pagtitinda ng pagkain sa pamayanan at sa kabuhayan ng
mag-anak na nagtitinda nito.
4.5
Sa pamamagitan ng mga larawan, talakayin ang mga
salik na dapat isaalang-alang sa paghahanda ng ganitong
uri ng gawaing pangkabuhayan tulad ng lugar na
pagtatayuan, puhunan o capital, kakayahan ng
tagapagluto.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat Gabayan ang mga bata na makabuo ng
paglalagom. Ipasipi ang Tandaan Mo sa batayang aklat.
IV.

Pagtataya
Lagyan ng check kung tama ang kaisipang ipinahiwatig ng
pangungusap at ekis kung hindi.
1. Ang pagluluto ay isa sa ipinagmamalaking kaugaliang Pilipino.
2. Mainam na magtayo ng karinderya sa tagong lugar.
3. Ang capital ay mahalaga sa pagtatayo ng negosyo.
4. Ang paglalako/pagtitinda ng nilutong pagkain ay mababang uri
ng hanapbuhay.
5. Anumang Gawain kapag pinagtutulungan ng buong pamilya at
magtatamgumpay.

V.

Kasunduan
Magpamasid sa mga nagtitinda sa paligid ng paaralan. Iulat sa klase
ang mga paksang ito:
a. Mga pagkaing itininda
b. Paraan sa pagtitinda
c. Kalinisan at kaayusan ng lugar

EsP 6

I.

Layunin:

You might also like