You are on page 1of 1

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng mga Pupians!!

Nagsisimula ang pagdiriwang ng buwan ng wika sa buwan ng Agosto alinsunod na


rin sa batas na pinirmahan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang tema ng
selebrasyon ngayong taon ay ang Wika ng Pagkakaisa na pinangungunahan ng
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ang Buwan ng wika ay isang taunang
pagdiriwang upang bigyang halaga ang ating pambansang wikang Filipino.
Ipinagdiriwang ito sa bawat pampubliko o pribadong paaralan, kasama na rito ang
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).
Makikiisa ang unibersidad sa pagdiriwang ng buwan ng wika sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mga programa kagaya ng: patimpalak sa paggawa ng tula,
pagbigkas ng tula at pagsulat ng maikling kwento o sanaysay gamit ang wikang
Filipino. Maipapakita sa mga patimpalak na ito ang mga natatanging kagalingan sa
paggamit ng wikang Filipino ng bawat estudyanteng lalahok sa nasabing mga
aktibidad. Magtatanghal din ang ibat ibang organisasyon nang kanilang mga
hinandang awitin at sayaw na lalong magpapaganda sa programang inihanda ng
konseho ng mga mag-aaral . Makakatulong ang mga aktibidad na ito upang lalong
mapayabong ng bawat mag-aaral ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino at
makakatulong din silang lalong mapaunlad ang ating wika. Lahat ng PUPians ay
inaanyayahang pumunta at makilahok sa darating na Agosto 22 2014, Biyernes sa
ganap na alas otso ng umaga hanggang alas dyis ng gabi. Ito ay gaganapin sa may
Garden Plaza Mall (2nd floor). Hinihikayat namin kayong pumunta upang masaksihan
ang magandang mangyayari sa araw na iyon. Mahalin natin ang ating sariling wika!

You might also like