You are on page 1of 10

BAKIT BA MASARAP ANG LITSON

MAY AKDA:
De Leon, Giselle
Fabros, Noelle Nicole
Payot, Alleona Gene
Romualdo, Kryzia Mae
Torrico, Xaviera Niel
Cadagdagon, Migue Soover
Coquilla, Lorenz
Salon, Tyron James

Agosto 2015

TALAAN NG NILALAMAN

I.

PANIMULA ----------------------------------------------------------------------- 3

II.

NILALAMAN
LITSON: PAMBANSANG PAGKAIN ------------------------------------ 4
KASAYSAYAN NG LITSON ----------------------------------------------- 6
PARADA NG LITSON ------------------------------------------------------- 8

III.

KONKLUSYON ------------------------------------------------------------------ 9

IV.

TALASANGGUNIAN ---------------------------------------------------------- 10

I.

Panimula

Bakit ba masarap ang litson?


Nakasanayan na nating mga Pilipino ang paghahanda ng ibat-ibang putahe
kapag may okasayon, lalong-lalo na ang litson. Mapasaan ka mang dako ng bansa,
matitikman talaga natin ang kakaibang sarap ng litson sa bawat lungsod na kanilang
ipinagmamalaki. Kaya nga dinarayo ng mga tao ang litsong ito, ma-Pinoy ka man o
dayuhan. Hindi talaga mawawala ang litson sa isang handaan kasi naman hinahanaphanap ito ng mga panauhin. Ngunit bakit nga ba? May nakatago kayang misteryo sa
pagkaing ito? Saan ba ito nagmula? At bakit hanggang ngayon, patuloy paring
tinatangkilik ito ng mga Pinoy?
Halinat tuklasin natin ang ganda sa likod ng putaheng litson. Saksihan natin
ang tunay na storya ng litson, kung paano talaga ito lumaganap sa bansang ito. At ating
dayuhin ang sinasabi nilang pinakamasarap at pinakamalutong na litson sa buong
bansa, o sa buong mundo.

3
II.

Nilalaman
LITSON: PAMBANSANG PAGKAIN
Ang Litson na ang ibig sabihin ay suckling pig sa Espanyol ay isa sa mga

paboritong putahe na inihahain sa mga handaan, salu-salo, mga okasyon tulad ng


kaarawan, binyag, kasal at lalong-lalo na sa mga pista. Ito ay madalas na
inihahanda sa gitna ng hapag-kainan na nakakapanghalina sa mga bisita. Hindi lang

ito nakakabusog ng ating kalamnan, pati na rin n gating mga mata na humahalina at
kumukuha ng atensyon ng mga bisita.
Ayon kay Nemenzo, ang isang sikreto ng pagkalutong ng litson ay apoy
Maaaring isipin ng tao na itoy masarap lutuin sa uling pero kung gusto ng tao ng
malutong na litson, gumamit ng apoy. Gumamit rin ng dahon ng niyog na
nagpapalabas ng tunay na sarap ng litson lalo na sa tadyang o ribs. At higit sa lahat
ang timing o tamang oras sa pag-iihaw.
Ang Cebu ay kilala sa pinakamagaling na pagluto ng lechon sa Pilipinas. Ito
ay kilala din sa pagiging masarap at ito pa ang ay idinadala sa ibat-ibang lugar dito
sa Pilipinas dahil sa pagiging indemand nito. Kaya nga ang lugar na ito ay
napapaligiran ng tabi-tabing establisamiyento na nagbebenta ng lechon na dinadayo
ng ating mga dayuhan.
Sinasabing ang Talisay City ng Cebu ang may pinakamasarap at pinakasikat
na litson sa buong bansa. Naging sikat ito sapagkat ito ay isang seaside city na
nagbebenta sila tuwing weekends sa mga naliligo sa dagat o beach-goers.
Tinatangkilik nila ito dahil sa maalat-alat na galling pa sa rock salt, makinis at
malambot nitong tekstura, kakaibang sarap at amoy nito na Visayan spring onions o
tanglad at native peppercorns na napakaimportante sa Cebuano litson.

4
Ang mga litson ng Cebu ay napakastrikto sa kanilang mga secret recipe na
namana pa nila sa kanilang mga ninuno. Ang mga sikretong ito ay nakadepende sa
rami at kalidad ng mga sangkap na gagamitin rito. Sinasabing malutong ang litson
kung lulutuin ito sa apoy pero ginigiit ng iba na gamitin ang uling pagkat ang ashy
aroma nito ay nagpapadagdag sa sarap ng litson. Pero marami pa rin ang
tumatangkilik sa kahoy pagkat nagbibigyan nito ng natural na sarap.
Marami sa mga tao na ang paborito nilang parte sa litson ay balat, pagkat
malutong at nakakatakam kainin. Pero ang hindi nila alam, ang pinakamasarap na
parte ng litson ay ang tadyang o ribs. Ang lahat ng sangkap sa loob ng litson ay na-

absorb ng pinakamalapit na parte ng litson, ang tadyang. Kaya naman ito ang may
pinakamalasa at pinakamasarap na parte ng litson.
Ang sikreto ng Cebu sa pagkamalutong ng litson ay ang basting o pagmarinate ng labas o balat na parte ng litson. Ginagamit nila ang maligamgam na
tubig hanggang sa tatlumpung minuto bago ito maluto. Ang iba namay gumagamit
ng olive oil o coconut juice, pati na rin ang softdrinks. Ang lechon-de-Cebu rin ay
hindi na kinakailangan ng sarsa pagkat puno na ito ng lasa mapaloob man o labas.
At ang perpektong litson na kanilang ginagamit ay mga native black pigs pagkat
sinasabi ng mga Cebuanos na itoy may mas malasa at mas malutong na balat
kaysa sa ordinaryong baboy.

5
KASAYSAYAN NG LITSON
Ang litson ay may kaugnayan sa Espanyol na salitang leche, na ang ibig
sabihin ay "milk" o gatas. Ito ay nagpapahiwatig sa kung anong edad ang baboy na
ginagamit sa paglilitson. Kaya nga ang baboy daw ay dapat bata pa na umaasa pa
sa gatas ng ina. Ang litson ay sikat sa Espanya at ang mga nasasakupan din nito.
Pero sinasabi na ang kasaysayan ng litson ay hindi pa nabubunyag. Ang
Pigafettas chronicle sa pagsakop ni Magellan sa Cebu noong 1521 ay nalarawang
nagbigay ng mga inihaw na itim na biik na nakasupot sa dahon ng saging. Kaya
posibleng ang paglilitson ay bahagi na ng kultura bago pa man dumating ang mga
Espanyol sa ating bansa.
Ayon kay Nemenzo, Sa China daw, may nasunog na kulungan ng mga
hayop. Nakatakas ang lahat na hayop maliban sa mga biik. Ngunit ang may-ari nito

ay nakaamoy ng kakaiba at masarap na amoy mula sa mga nasunog. Laking gulat


nito nang matikman ito. Napakasarap at napakamalutong daw nito, sa amoy
hanggang sa lasa. Kaya naisipan niyang maglitson sa pamamagitan ng pagsunog
ng kanyang kulungan ng biik. Ang ganitong paraan ay naging magastos dahil nga
nasabing ang pagluto ng litson ay sa pamamagitan ng open fire. Kaya naisipan
niyang magluto ng litson gamit ang ibat-ibang pampalasa at pandagdag sarap, at
gamit ang makabagong paraan ng pagluto, ang pag-iihaw.
At may ibat-iba na ring mga sabi-sabi na kung saan talaga nagmula ang
litson. Ang kwentong ito ay isa sa kasaysayang nagpapahayag kung saan nagmula
ang litson.

ANG ALAMAT NG LITSON


Sa isang lilblib na lugar ng Laguna, mayroong mag-asawang tahimik na
namumuhay. Sila ay may anak na lalaki na ang pangalan ay Lito na ubod ng likot at
tamad. Si Mang Andoy naman ay kabaligtaran ng kanyang anak dahil sa sobrang
sipag nito, bagamat matanda na ay palagi pa rin nasa bukid upang magsaka. Si
Aling Kulot naman ang siyang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay.
6
Isang umaga ay inutusan ni Aling Kulot si Lito na bumaba ng bundok upang
bumili ng gamot dahil sumusumpong na naman ang sakit ng tatay nito. Ngunit dahil
sa katamaran ay binabalewala nalang ni Lito ang utos ng kanyang ina at sa halip at
nakipaglaro na lang sa mga kaibigan. Dahil doon, ay napilitan na lamang si Aling
Kulot na mag-isang bumaba ng bundok at iwan ang asawang maysakit. Habang
papauwi na si Aling Kulot ay natanaw niya ang maraming tao sa kanilang bahay, at
doon ay nabigl siya ng Makita niya si Lito na umiiyak. At agad tumakbo si Lito sa
kanyang ina at niyakap ng mahigpit.
Inay magbabago na po ako at susundin ko na ang mga utos niyo, pangako,
wika ni Lito na nagpaiyk kay Aling Kulot at niyakap din niya ng mahigpit ang anak.
Pagkalipas ng ilang araw ay napagpasyahan nalang ng mag-inang ipagbili
ang lupang sakahan na naiwan ng namayapang si Mang Andoy. Dahil sa malaking
salaping napagbentahan, naisipan nilang ipundar ang pera sa pag-aalaga ng baboy.
Pagkalipas ng ilang taon ay naparami nila ang kanilang baboy dahil sa magandang
pag-aalaga nito.

Isang araw, inutusan ni Aling Kulot si Lito na bantayan ang nilulutong


kakanin sa tabi ng kulungan ng baboy dahil kailangan na niyang mamalengke sa
bayan. Pagkaalis ni Aling Kulot ay nakipaglaro na agad si Lito sa kanyang mga
kaibigan at nalimutan na niyang may pinagawa nga pala ang kanyanng ina sa
kanya. Pagkalipas ng ilang oras, nabalot ng makapal na usok ang kapaligiran at
dooy umalingasaw ang napakabangong amoy na naging dahilan ng paglalabasan
ng tao. Tumakbo si Lito ng mabilis sa kanila at pinigilan ang pagkalat ng apoy.
Ngunit huli na ang lahat dahil nasunog nan g apoy ang lahat ng alaga nilang baboy.
Agad naming nagpuntahan ang buong mamayanan sa likod ng kanilang bahay
upang tikman ang baboy na nilamon ng malaking apoy. At dooy nagustuhan ng
bawat isa ang lasa.
Dahil sa pangyayaring iyon ay tinawag nila ang putaheng iyon na hango sa
pangalan ni Lito, Litson. Magmula noon ay naging tradisyon na ng kanilang bayan
ng maglitson tuwing sasapit ang kanilang kapistahan.
7
PARADA NG LITSON
Ang Parada ng

mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng


Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas.
Ang parada ay upang ipagdiwang ang
pista ni San Juan Bautista, ang patron ng
mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng
pagbibihis sa mga lechong baboy at
pagpaparada nito sa buong bayan.
Ang pagbibihis sa lechon ay

babatay sa temang paghahandaan ng bawat organisasyon, o baranggay na


makikilahok sa pagdiriwang. Sa gabi bago ang parada, pinipili at pinaparangalan
ang magwawaging binihisang lechon at tataguriang 'lechon queen'. Sa mismong
araw naman ng bago ang parada'y isang misa ang isasagawa sa Simbahan ng
Immaculada Concepcion.
Pagkat ang buong parada ng mga lechon na iba't ibang ang bihis ay isang
katuwaan at pagdiriwang sa ngalan ni San Juan Bautista, hindi maiiwasan ang

pagsasabuyan ng tubig at alak ng mga manonood sa kapwa manonood. Gayon din,


ilang manonood din ang bigla na lamang kukurot sa lechonmas nagiging
kapanapanabik ito ang buong parada kapag may nagtatagumpay na makakuha ng
kahit katiting na piraso ng lechon. Ngunit madalas, sumasapat na ang pagkamangha
sa panonood ng pagdaan ng mga binihisang lechon. Nawiwisikan din ng tubig ang
mga ipinaparadang lechon maging ang mga nagdadala nito. Sa pamamagitan ng
parada'y naipapahayag ng mga taga-Balayan ang kanilang pagiging malikhain.

8
III.

Konklusyon

Ang silbi ng litson sa ating buhay mula noon hanggang ngayon ay ito isang
halimbawa ng kagandahan ng kulturang Pilipino. Parang ang lechon ay nagsisilbing
"role model para sa ibang mga bahagi ng kulturang Pilipino dahil kahit na ngayon
ang panahon ng globalisasyon, ang litson ay hindi namamatay sa ating mga isip
dahil sikat ito. At dahil dito, sana hindi mamamatay rin ang pagiging Pinoy natin sa
isip at sa puso.
Ngayon sa pagsasaliksik namin, iminumungkahi naming patuloy na
tangkilikin natin ang pagkain ito sapagkat itoy pambansang pagkain ng ating bansa.
Patuloy na pahalagahan natin ang isa sa pinamana n gating mga ninuno sa atin. At
lagi nating tatandaan na ang litson ay hindi lamang dekorasyon sa hapag-kainan
kundi parte ito ng kultura ng Pinoy.
Ano pa ang hinihintay ninyo? Tara nat tikman natin ang sinasabing
pinakamasarap na litson sa ating bansa at tayoy maging maghusga para sa ating
mga sarili na ito ba ang pinakamasarap na litson sa buong bansa, o kahit sa buong
mundo.

IV.

Talasanggunian

Villegas, Jervy Alamat ng Litson


http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Parada_ng_Lechon
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Lechon
http://doonposaamin.ph/articles/food-to-eat/6-things-that-will-make-you-crave-forcebursquos-lechon
http://lifestyle.inquirer.net/4537/%E2%80%98yan-ang-isang-sikreto-ng-cebulechon%E2%80%93apoy-don%E2%80%99t-use-coals-use-fire%E2%80%99
http://onliindapilipins.wikispaces.com/Lechon,+Paglilitson
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Lechon

10

You might also like