You are on page 1of 3

Imbentaryo ng mga Physicist at Ambag sa Lipunang Pilipino

Ihinarap ang Konseptong Papel nina:


Geena Amurao, Jan Nicole Ferrer, Royce Navera, 1AP
Sa pamamatnubay ni Prop. Jonathan Vergara Geronimo, FIL2

Ang papel na ito ay sumasailalim ng paggamit ng mga biyograpiya ng ilang mga indibidwal sa
larangan ng physics sa Pilipinas. Ito ay nakatutok sa mga larangan at mga kontribusyon ng
naturang Pilipinong Physicist. Ang papel na ito ay binubuo ng dalawang bahagi, isa ang
nagpapakita ng kanilang larangan at pangalawa ang kanilang mga kontribusyon sa lipunang
Pilipino. Ang layunin ay upang ipakilala ang mga Physicists sa lipunang Pilipino gamit ang
imbentaryong naglalaman ng mga kanilang mga imbensyon o mga kontribusyon at pati na rin ang
mga suliranin o problemang kanilang kinaharap. Ayon sa diksyonaryong (Miriam-Webster, 2015)
ang inventory o imbentaryo ay isang kumpletong listahan ng mga bagay na nakaayos para
magamit sa ebalwasyon.
Ang layuning ng konseptong papel na ito ay para maipakilala ang mga Pilipinong physicist na
nagbigay larangan at kontribusyon para sa ikabubuti ng ating bansa at nang magsilbi itong
huwaran para sa mga susunod na henerasyon. Naisipan namin na gumawa ng imbentaryo ng mga
Pilipinong Physicist na nagbigay ng malaking kontribusyon sa Pilipinas.
Ang kakulangan ng scientific tradition ay nagpipigil o naglilimita sa bansa para umusbong sa
larangan siyensya at teknolohiya. (Saloma, 2001) Kaya gagawin ang pananaliksik na ito para
maipakilala ang mga lokal na physicist dahil paano mapapalaganap ang scientific traditon sa
bansa kung ang karamihan ay ginagawa ang kanilang pagsasaliksik sa ibang bansa. Sa ibang
bansa, tulad ng Amerika o Japan, magiging mas maganda ang pagsaliksik pero di ito matuturuan
ang ating mga scientist maging banat at maparaan. Kung magkakaroon ng ganitong mga
katangian maaaring malapampasan ang mga limitasyong kinahaharap ngayon sa larangangan ito.
Nagbalak akong magsagawa ng pananaliksik dito sa Pilipinas katulad ng ginagawa kong
pananaliksik sa United States pero ang bagal dito. Kulang-kulang sa kagamitan at sa pondo para
magawa ang pagsasaliksik na gusto kong gawin. (Endoma, 2006) Ang paggawang sayantipikong
pananaliksik sa Pilipinas ay parang maglusong sa putikang tubig o baha -- isang malit na hakbang
lang kailangan ng sobrang pagsisikap. (Saloma, 2001) Isang karaniwang problema lang itong mga
ito na hinaharap ng mga scientist hanggang ngayon. Wala pa rito ang pinakaugat ng problema
dahil kung hahalughugin pa makakarating pa tayo sa panahon ng mga Kastila. Pero sa kabila ng
lahat ng mga dinadaing ng mga lokal na scientist at sa bansang katulad ng Pilipinas kung saan di
tataas sa isang daang bilang ang may doctorate degree sa pisika, si Dr. Arnel Salvador ay
tumayong bilang isang parola sa mga batang scientist. Siya ay isang patunay na kahit sa kabila ng
kakulang ng mga graduate schools sa bansa, kaya pa rin magtagumpay sa piniling propesyon.
(Pari, 2009) Sa bansang ito alam ng lahat na di nabibigyang importansya ang mga lokal na

physicist o natutugunan nang maayos ang kaninlang pangangailangan. Ang pananaliksik na ito ay
makakatulong di lang sa mga Pilipinong physicist kung di pati na rin sa larangan ng agham sa
bansa at sa pagunlad nito. Magiging mahalaga ito para sa mga kasalukuyang magaaral ng Pisika
para sa mga magiging trabaho at pananaliksik nila sa hinaharap.
Anong pwedeng gawin para tumaas ang bilang ng mga competent PhD supervisors sa mga
unibersidad? Mukhang may mga kailangang pagbabago pa na kailangan ng mga unibersidad
bukod pa sa mga nagawa na para sa problemang ito. (Saloma, 2001)

Magbabatay ang imbentaryo sa makukuhang mga impormasyon tungkol sa mga Pilipinong


physicist sa iba't ibang websites sa internet. Ang pamamaraang gagamirin ay deskriptibo. Ito ay
maglalarawan ng issue at problema. Sa paggawa ng imbentaryo, magtatala ng kanilang mga
imbensyon/kontribusyon at ng kanilang mga naging limitasyon at hamon dito sa bansa.

Ito ay ang halimbawang pormat ng gagawin imebentaryong maaglalaman ng mga pilipinong


physicist sa iba't ibang larangan at mga naging kontribusyon at hamon nila sa pagkamit nito.

MGA PILIPINONG
PHYSICIST

LARANGAN

MGA LIMITASYON
O HAMON

NAGING
KONTRIBUSYON

Sanggunian
Saloma, Caesar A. (2001, Pebrero 20). My Expectaions of the Filipino Scientist.
http://ovpaa.up.edu.ph/my-expectations-of-the-filipino-scientist-by-caesar-saloma/

Pari (2009, Agosto 20). A World-Classs Filipino Physicist.


https://personalmemoir.wordpress.com/tag/filipino-physicist/

Endoma, Mary Ann A. (2006) Giving Back to Our Country. In In Love with Science: Outstanding
Young Filipin Scientists Tell Their Stories. Mandaluyong City: Anvil Publishing Inc.
Inventory [Def. 1c]. (n.d.). In Merriam Webster Online, Retrieved July 14, 2015, from
http://www.merriam-webster.com/dictionary/inventory.

You might also like