You are on page 1of 31

Petsa: ________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 1 Pakikinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental


I Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
para sa pamilya at sa pamayanan
II Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental para sa Pamilya at sa Pamayanan
Sanggunian:
Kagamitan:

K-12 EPP4AG-Oa2 (1.2)


tambiolo (kahon na may binilot na papel na may
nakasulat ng mga paksa)

III- Pamamaraan
A. PAGGANYAK (WORD RELAY )
Ihanda ang mga salita gaya ng pagkakakitaan, nagpapaganda ng kapaligiran,
nagbibigay ng lilim at sariwang hangin, at sumusugpo ng polusyon. Isulat ang
bawat isang salita sa papel na ilalagay sa tambiolo. Tumawag ng bata at pabunutin
sa tambiolo. Bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral ang nabunot na paksa.
Maaring hindi lahat ng bata ay makapagbibigay ng wastong sagot ngunit maari
itong tanggapin.
B. PAGLALAHAD
Ipabalik ang mga binilot na papel sa tambiolo. Pangkatin ang mga mag-aaral
at pabubunutin sa tambiolo ang lider. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat
upang mapag-usapan ang paksa at ipabahagi ito sa buong klase.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaliwanag ang mga kapakinabangan na makukuha sa pag- tatanim ng mga
halamang ornamental ayon sa ibinahagi ng mga mag-aaral.
D. PAGSASANIB
Pagiging responsable (Responsible). Ang mga halaman ay bahagi ng ating
kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagahan, at
pagyamanin.
E. PAGLALAHAT
Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang kawili-wili
at nakalilibang na gawain.
Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatulong sa pamilya at
pamayanan.

IV.

PAGTATAYA:
Ipasagot kung Tama o Mali ang sumusunod na tanong:
1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay
ng malinis na hangin.
2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at
ibang tao sa pamayanan.
3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim
ng mga halamang ornamental.

V TAKDANG GAWAIN:
Pagawain ang mga bata ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha
ng pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 2: Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Teknolohiya


I Nakagagamit ng teknolohiyang internet sa pagsasagawa ng survey at iba pang pananaliksik upang
matutuhan ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental
II - Pagsasagawa ng Survey Gamit ang Makabagong Pamamaraan sa Pagpapatubo ng Halamang
Ornamental
Sanggunian: K-12 EPP4AGOb-3
Kagamitan: manila paper, pentel pen, kuwaderno, lapis
III.
PAMAMARAAN:
A.

PAGHAWAN NG BALAKID
1. teknolohiya
2. internet

B.

3.
4.

pananaliksik
survey

PAGGANYAK
Magsa-survey ang bawat pangkat sa pamayanan tungkol sa ibat
ibang uri ng halamang ornamental at mga paraan ng pagpapatubo nito.
Itanong sa mga mag-aaral ang:

Anong paraan ang gagamitin ninyo upang mapadali ang gagawing pagsasurvey?
Bigyang kahulugan ang mga salitang teknolohiya, internet,
pananaliksik, at survey.
C.
PAGLALAHAD
Maghahanda ang guro ng isa-survey ng bawat pangkat upang maging
matagumpay ang pananaliksik gamit ang internet.
Pangalan ng
Halamang
Ornamental
Fortune Plant
Marigold
Espada
Zinnia
Adelfa
Sunfower
Ilang-ilang
Gumamela
Bougainvillea

Uri ng
Halamang
Ornamental

Lugar kung
Saan Dapat
Itanim

Paraan ng
Pagtatanim /
Pag-aalaga

D. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Idikit sa pisara ang mga nagawang survey ng bawat pangkat at talakayin ang
mga ito. Isa-isahin ang makabagong pamamaraan ng pagpapatubo/pagtatanim ng
mga halaman/punong ornamental.
E. PAGSASANIB
ICT web surfing
F. PAGLALAHAT
Dapat natin tandaan na napakaraming halamang ornamental na maaring
patubuin, ngunit dapat na isaalang-alang ang tamang paraan ng pagtatanim ng
mga ito.
Upang maging madali at mabilis ang pagsa-survey ng kahit na anong
halamang ornamental, gamitin ang computer upang makatulong sa
pagsasakatuparan sa mga ito. Maaring mas makikilala ang mga halaman kung
makikita ito sa internet.
IV.

PAGTATAYA:
Magpasulat sa bawat kasapi ng pangkat ng isang maikling sanaysay
tungkol sa isinagawang pagsa-survey.

V.

TAKDANG- ARALIN:
Pahanapin ang mga mag-aaral sa pamilihan ng mga halamang ornamental na may
mura pa ang sanga at may matigas na sanga. Alagaan ang mga ito at subukang gamitan ng
materyal sa pagtatanim. Ipasulat ang resulta kung ito ay tumubo o hindi makalipas ang
ilang araw. Ipabahagi sa klase ang naging resulta.

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 3: Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Pangangailangan


I Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang mga halamang ornamental ayon sa ikagaganda ng tahanan,
gusto ng mamimili, panahon, pangangailangan, at kita ng mga nagtatanim
II- Pagtukoy ng mga Halamang Ornamental Ayon sa Ikagaganda ng Tahanan, Gusto ng Mamimili,
Panahon, Pangangailangan, at Kita ng mga Nagtatanim
Sanggunian:
K-12 EPP4AG-Oc-4
Kagamitan:
III.PAMAMARAAN:

kuwaderno, ballpen, manila paper, pentel pen

A. PAGGANYAK
Itanong sa mga mag-aaral kung nagkaroon na sila ng pagkakataong makapasyal sa mga
lugar na kung saan may mga nagtitinda ng mga halamang ornamental. Itanong din kung
nagkaroon na ba sila ng karanasan na magtanim, mag-alaga, o magtinda ng mga halamang
katulad nito.
B. PAGLALAHAD
Pumili ng mga bagong lider ng pangkat at bigyan sila ng pagkakataong pumili ng kanikanilang kasapi. Gabayan ang mga mag- aaral ng bumuo ng mga katanungan sa gagawing
pagsa-survey sa pamayanan. Ipasagawa ang pagsa-survey pagkatapos ng klase.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ang mga halamang ornamental ay itinatanim upang magkadagdag kagandahan sa tahanan,
paaralan, hotel, restaurant, at parke. Nagbibigay ganda ang mga ito lalong lalo na kung malulusog, malalago,
makulay, at maayos ang pagkakalagay.

IV.

V.

Iba-iba rin ang katangian ng mga halamang ornamental. May namumulaklak, hindi
namumulaklak, malalaki, malalapad ang dahon, at mayroong mababa lamang. Ang iba ay
mabilis tumubo, may mabagal, may nabubuhay sa tubig, at sa lupa. Ang mga bagay na ito ay
dapat nating isaalang-alang kung magtatanim o mag-aalaga ng halamang ornamental.
D. PAGSASANIB
Communication skills/maayos na pakikipagtalastasan. Paalalahanan ang mga mag-aaral ng
mga panuntunan ng maayos na pakikipag-usap at pagtatanong sa mga tao ng napiling
pamayanan.
PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Ano ang ginamit ninyong pamamaraan ng pagkuha ng mga kaalaman?
2. Anong pamamaraan ang isinasagawa sa gawaing survey?
TAKDANG - ARALIN
Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang journal tungkol sa kanilang karanasan sa
pagsasagawa ng survey sa tindahan ng mga halamang ornamental.

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 4: Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay


I Makagagawa ng survey upang matukoy ang pagbabago sa kalakaran ng pagpapatubo ng halamang gulay na
kasama sa halamang ornamental
II. Intercropping ng Halamang Ornamental sa Halamang Gulay
Sanggunian: K-12EPP4AG-Oc-4, Internet (edible landscaping),Google
Kagamitan: larawan, tsart, computer unit
III.PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Magpakita ng larawan ng isang lugar na may tanim na halamang ornamental na may
kasamang halamang gulay. Itanong ang sumusunod: Ano ang napapansin sa larawan? Maaari bang
ipagsama sa isang lugar ng taniman ang mga halamang ornamental at gulay?
(Mungkahi: Gumamit ng computer unit sa silid-aralan o tignan ang mga larawan ng vegetable landscape sa ICT
class.)

B. PAGLALAHAD
Muling ipagawa sa mga pangkat ng mga mag-aaral ang pagsa- survey. Patunguhin sila sa lugar
na mayroong mga tanim na halamang ornamental. Sabihin sa kanila na masusing magmasid at magtanong
kung maaaring isama ang mga halamang gulay sa pag-aalaga ng mga halamang pampalamuti.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Talakayin sa klase ang mga nakalap na kaalaman ng bawat pangkat. Kunin ang may
pinakamalapit na tugon sa pagtukoy ng pagbabago sa kalakaran sa pagtatanim ng mga halamang gulay na
kasama ang mga halamang ornamental.

D. PAGSASANIB
Pagkamapamaraan / Pagkamalikhain, ICT thru internet Google
E. PAGLALAHAT
Ang bagong kalakaran sa pagpapatubo ng mga halamang gulay na kasama sa mga ornamental ay
isang kaaya-ayang gawain. Maraming pakinabang ang nagagawa nito. Nakapagpapaganda ito ng
kapaligiran at nakapagbibigay ng pagkain dahil sa ibinubunga nitong sariwang gulay. Mga herbs ang
karaniwang itinatanim dahil sa taglay nitong magagandang hugis at kulay ng dahon, hindi ito gaanong
tumataas, at maaari itong itanin kahit sa bakuran lamang ng tahanan. Payak at madaling maiayos ang
edible landscape. Dahil dito mas madali tayong makakukuha ng dagdag na gamit sa pagluluto.
IV. PAGTATAYA:
A. Pabuuin ang mga bata ng salita sa bawat kahon. Papiliin ng sagot sa sumusunod: cosmos, sunflower,
fortune plant, palmera, at kamatis.

1.

2.

3.

B. PANGWAKAS NA PAGTATASA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang nasa ibaba:
Isulat sa puwang kung anong uri ng halaman ang sumusunod.Ipasulat kung gulay o
ornamental.
1. Kamatis
2. Pechay
3. Gumamela
4. Santan
5. Talong
V. TAKDANG GAWAIN
Magdala sa paaralan ng mga punla ng damo, portulaca, dahon ng murang sibuyas, at kintsay

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 5: Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang


Ornamental at iba pang Halamang Angkop Dito.
I Nagkagagawa ng survey upang matukoy ang disenyo o plano ng pagtatanim ng pinagsamang halamang
ornamental at iba pang mga halamang angkop dito
II- Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng Pinagsamang Halamang Ornamental at Iba Pang mga
Halamang Angkop Dito.
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oc-4
Kagamitan:

kuwaderno, ballpen, kartolina, lapis, pentel pen, crayola/watercolor

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Magpakita ng dalawang larawan ng halamanan na naka- landscape na naiplano na at hindi pa.
Mayroong mga tanim na mga halamang ornamental kasama ang ibang halaman gaya ng halaman/ punong
gulay o halaman/punong prutas sa nakaplano. Hayaan naman kalat ang mga tanim sa hindi nakaplano.
Itanong sa mga mag-aaral. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagtatanim ng mga halamang ornamental
na may kasamang ibang halaman o puno gaya ng halaman/punong gulay at halaman/punong prutas?
B. PAGLALAHAD
Magsagawa ng survey o pagtatanong sa mga eksperto upang
malaman kung paano nakagagawa ng disenyo ng pagtataniman sa pinagsamang halamang
ornamental at iba pang halamang angkop sa edible landscaping.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang survey questions o katanungan para sa gawain.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pangkatang Gawain
Mag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa pagpaplano ng disenyo sa gagawing landscaping sa
taniman. Sa pangangalap ng mga kaalaman, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng maayos na disenyo ng
taniman sa pamamagitan ng pagguhit o krokis ng mga pinagsamang halamang ornamental at iba pang
halamang angkop dito. Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagguhit ng simpleng landscape gardening sa
isang malinis na papel.
D. PAGSASANIB
* Artwork

* Pagkakaisa

E. PAGLALAHAT
Kapag napag-aralan na ang mga pisikal na kaanyuan ng lugar ng isasagawang landscaping sa
tahanan, alamin kung alin sa mga nakatanim na halaman o puno ang dapat alisin. Mayroong maaring
paiksiin o pananatilihin sa lugar ng pinagtaniman. Alamin din ang kalagayan ng kapaligiran, kung saang
lugar sa pagtataniman ang may malakas na ihip ng hangin. Kung sa panahon ng tag-bagyo, alamin din ang
lugar na may matinding sikat ng araw, ang padaluyan ng tubig-baha, at ano pa mang mga salik na
maaaring makaapekto sa wastong pagtubo ng halamang aalagaan.
IV. PAGTATAYA:
Bibigyan ng iskor ang natapos na guhit ng simpleng landscaping na ginawa ng bawat pangkat
ayon sa pamantayan.
Kriterya
Iskor
Nilalaman ng paksa/guhit
Pagkakaisa
Balance and Harmony (uri ng halaman,
hugis at kulay ng mga dahon)

40%
35%
25%
100%

V. TAKDANG - ARALIN
Humanap ng larawan ng mga halamang ornamental at iba pang mga halaman gaya ng punong
gulay at punong prutas na angkop dito. Iguhit sa isang ikawalang bahagi ng illustration board ang
pagsasagawa ng mga ornamental, herbal, at tree landscaping. Sundin ang maaayos ng pagsasama ng mga
halaman upang magandang tingnan. Kulayan at idikit sa dingding ng silid-aralan.

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 6: Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng Halamang Ornamental


I Nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang wastong paraan ng pagtatanim at pagpapatubo ng mga
halamang ornamental
II- Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng mga Halamang Ornamental
Sanggunian: K-12 EPP4AG Oc-4 (1.4.5)
Kagamitan:
larawan at tsart
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Dalhin ang mga mag-aaral sa narseri ng mga halamang ornamental sa paaralan. Maaari din na
pumunta sa pinakamalapit na narseri ng mga halaman sa pamayanan.
Sabihan sa mga mag-aaral na maaaring itala o isulat nila ang mga napagmasdan sa lugar, ang mga
nakitang paraan ng pagtatanim, mga lagayan ng mga tanim, at iba pa. Gawin itong paksang pag- uusapan
bago maglahad.

B. PAGLALAHAD
Bago mag-umpisa ang klase sa agrikultura atasan ang mga mag- aaral na mag-survey.
Magtatanong ang mga ito sa nagtatanim ng mga halaman o sa nagla-landscape ng tungkol sa wastong
paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay, at prutas. Ipatanong sa kanila kung papaano
ang pagpapasibol, pag-aalaga, at iba pang ginagawa sa mga tanim. Ipalahad ito sa klase.
Ipaliwanag ang pagpapasibol ng mga butong pantanim sa dalawang paraan, ang di-tuwiran at tuwirang
pagtatanim. Ipaliwanag din ang paggamit ng mga sanga sa pagtatanim at ang paraan ng pagpapasibol sa
pamamagitan ng buto at sanga.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Kalimitan nagmumula sa buto at sanga ang mga halamang ornamental. Dapat bigyang-pansin
ang pagpapatubo ng mga ito dahil dito magmumula ang ikagaganda ng tanim. Tiyaking walang ligaw na
mga halaman gaya ng damo ang tutubo sa kamang taniman. Kapag malaki-laki na ang mga punla,
bungkalin nang marahan ang paligid upang makahinga ang mga ugat nito at lumaki kaagad.
D. PAGSASANIB
Pagkamapamaraan
E. PAGLALAHAT
Isaalang-alang palagi ang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental. Kung sa
kahong punlaan pinasibol ang mga punla, siguraduhing maarawan ang mga ito, upang maging maganda
ang pagsibol ng mga tanim. Kapag sa sanga pinasibol, ang mga bagong punla ay maaring takpan ng
plastic cover o dalhin sa loob ng narseri upang hindi masikatan ng matinding sikat ng araw na siya nitong
ikamamatay. Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti itong inilalantad sa araw.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aarala ang sumusunod:
Isulat sa puwang ang titik TP kung ang sagot ay tuwirang pag- tatanim at DTP kung ang sagot
ay di-tuwirang pagtatanim.
1. Gumamela
3. Zinnia
5. Sampaguita
2. Cosmos

4. Sunflower

V. TAKDANG - ARALIN
Ang bawat pangkat ay gagawa ng kahong punlaan na may sukat na30 sm x 45 sm x 7.5 sm.
Dalhin ito sa klase

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 7: Paggawa ng Disenyo ng Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental


I.Nakagagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng basic sketching at teknolohiya
II.Paggawa ng Disenyo ng Halamang Ornamental sa Tulong ng Basic Sketching at Teknolohiya
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oc5 (1.5)
Kagamitan:
computer, typewriting paper, lapis, manila paper,illustration board, pentel pen, crayola
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Ipakita ang mga larawan ng mga disenyo ng halamang ornamental. Gabayan at ipaliwanag sa
mga mag-aaral kung ano-ano ito.
B. PAGLALAHAD
Ipaliwanag ang ibat ibang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa tahanan at
pamayanan. Magbigay ng mga ideya upang ang mga mag-aaral ay makapag-outline ng tanawin sa
pagpapaganda ng tahanan at pamayanan.
Ipaliwanag na mahalaga ang outline sa padidisenyo ng pagtatanim ng mga halamang nabanggit.
Dito makikita ang ideya kung ano ang maaring itanim sa tahanan at pamayanan. Gamit ang computer,
mag-sketch ng outline ng landscaping sa pagtatanim ng
mga halamang ornamental.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipangkat at gabayan ang mga mag-aaral. Pag-uusapan ang gagawing outline ng disenyo para sa
mga itatanim.
D. PAGSASANIB
* Pagkamalikhain at pagkamatiyaga *Industrial Arts: Basic sketching
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Sa naisagawang outline o disenyo sa manila paper o illustration board, ipapa-rate muna ang
natapos na gawain sa ibang pangkat at mag- papalitan silang mag-rate ng kani-kanilang gawain ayon sa
pamantayan.
Pamantayan
1. Nilalaman
2. Kaanyuan
3. Balance and Harmony

Bahagdan
- 45%
- 20%
- 35%
100%

V. TAKDANG ARALIN
Mahalaga sa gawain ang paghahanda ng outline para sa gagawing pagdidisenyo ng landscaping
ng mga halamang ornamental lalo na kung ito ay naka-sketch gamit ang computer dahil nagiging
maliwanag ang ideya ng pagtatanim para sa tahanan o pamayanan. Iayon ang pag-aayos sa katangian ng
bawat uri ng halaman o punong ornamental.

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 8: Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental


I Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim na halamang ornamental
II. Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental
Sanggunian:

K-12 EPP4AG-Od-6

Kagamitan: larawan, tsart, typewriting paper, masking tape, gunting


III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Pag-isipin ang mga mag-aaral. Magla-landscape gardening ang isang mag-anak ngunit
hindi nila maisip kung anong halaman/punong ornamental ang itatanim, paano mo sila
tutulungan upang makapili ng tamang halaman.
B. PAGLALAHAD
Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Mahanda ng mga larawan sa pisara, papiliin ang mga
mag-aaral ng halaman/punong itatanim. Ipasulat ito sa papel at ipadikit ito sa kahon na nasa
pisara.

Sa pagsusuri sa mga napiling halaman/punong ornamental, ipaliliwanag ng bawat


pangkat ang kanilang gawain. Sa pagkakataon pareho ang kanilang napili, hayaan lang, at hingin
ang kanilang opinyon na kung bakit iyon ang napili nila at hindi iyong iba.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Balikan ang nagawang talaan ng mga halaman/punong ornamental. Kumuha ng
typewriting paper at gumawa ng dalawang hanay, piliin kung anong halaman/punong
ornamental ang maaaring ipagsama ayon sa naipaliwanag na pagsasagawa sa pagtatanim.
D. PAGSASANIB
Pagtutulungan at pagkamapanuri

E. PAGLALAHAT
Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim para sa paggawa ng
landscape gardening, dapat isaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makakatulong sa
ikauunlad ng gagawing proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat gawin nang
sa gayon ang kalalabasan nito ay tiyak na magiging maganda at kaakit-akit sa paningin.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral.
Itugma ang halamang ornamental na naaayon sa mga salita sa hanay A at B. Isulat ang titik
sa puwang.
A
1. Pine tree
2. Orchids
3. Rosas
4. San Francisco
___5. Waterlilly

B
a. mahirap buhayin
b. di namumulaklak
c. halamang puno
d. nabubuhay sa tubig
e. namumulaklak f. gumagapang

V. TAKDANG ARALIN
Magtala ng tig-limang halamang ornamental na maaaring itanim na may kasamang ibang
halaman.

Petsa: ________________________________

EPP

12:00 12:50 IV - Bonifacio


12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 9: Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng Halamang Ornamental


I-Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman
II- . Wastong Pamamaraan sa Paghahanda ng Taniman ng Halamang Ornamental
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6 (1.6.2 )
Kagamitan: larawan ng mga kasangkapang panghalaman, rubrik
III PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Tanungin ang mga mag-aaral. Sino sa inyo ang may mga halaman at punong
ornamental sa bakuran ng inyong bahay? Matagal na ba itong nakatanim? Naisip ba ninyo itong
baguhin upang makabuo ng panibagong simpleng landscape gardening?
B. PAGLALAHAD
Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa sa pagtataniman ay tuyo, matigas, at
bitak-bitak, kung ito ay malagkit at sobrang basa? Ano-anong kasangkapan ang gagamitin upang
maayos ang lugar na pagtataniman?
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Naayos na ang lupang tataniman, ano ang maaring magandang gawin upang maging
maayos ito bago taniman? Kapag malawak naman ang lugar, anong mga palamuti ang
nababagay na isama sa mga tanim na halaman o punong ornamental upang maging kaakit-akit
ito tingnan? Kung hindi naman gaanong kalakihan ang lugar, maaari bang lagyan ng mga
palamuti ito?
D. PAGSASANIB
Pagkamasipag at matiyaga
E. PAGLALAHAT
Sa paghahanda ng taniman para sa mga halamang ornamental, maganda ang disenyo
kapag may nakaangat na lupa at may ibat ibang hugis ng bato sa panabi ng taniman. Sa
malalawak na lugar, maaaring maglagay ng pergola, fish pond, garden set, at grotto, at sa di
gaanong malalawak, simpleng kaayusan lamang ang nararapat.

IV. PAGTATAYA:
Performance Test
Lalabas ng silid-aralan at isasagawa ang paghahanda ng lupa. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng lugar kung saan magtatanim ng mga halamang ornamental.

Pamantayan

Oo

Hindi

Di-Gaano

1. Gumamit ba ng angkop na kasangkapan


sa paghahanda ng lupang taniman?
2. Naisagawa ba nang maayos ang
paghahanda ng taniman?
3. Napanatili ba ang kalinisan ng
kapaligiran at ng sarili?
V. TAKDANG - ARALIN
Maghanda ng mga halaman/punong ornamental na gagamiting pantanim upang
makagawa ng isang simpleng landscaping sa paaralan.

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 10: Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin


I- Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin
II- . Wastong Paraan sa Paghahanda ng mga Itatanim o Patutubuin
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Od-6 (1.63 )
Kagamitan: larawan at tsart
III. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Maaaari na tayo ngayong magtanim ng mga halamang ornamental. Ngunit dapat din
natin malaman ang wastong paraan ng pagsasagawa nito.
Ano-ano ang uri ng halamang ornamental? Dapat ba nating alamin kung anong mga uri
ng halamang ornamental ang ating itatanim? Alamin din ang mga alituntunin sa pag-aayos ng
pagtatanim.
B. PAGLALAHAD
Magpakita ng tsart tungkol sa mga gawain sa pagsasaayos ng halamang ornamental sa
lugar na pagtataniman. Ipaliwanag isa-isa sa mga mag-aaral ang mga ito.
Ngayon ay may ideya na kayo sa paghahanda ng mga itatanim na halamang ornamental,
maaari na ninyong ihanda ang layout para sa lugar na pagtataniman, at ipakita ito sa guro.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipapakita ng mga mag-aaral sa guro ang layout para sa simpleng landscape na
isasagawa sa paaralan.
Ang mga halamang ornamental na itatanim ay nagpapaganda ng isang lugar
upang maging kapansin-pansin. Maaaring magtanim ng mga namumulaklak na
halamang ornamental na naaangkop sa kaayusan ng halamanan.
Sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental, pagsama-sama- hin ang mga
halamang magkakasingkulay, magkakauri, at magka- kasinglaki bago isagawa
ang simpleng landscaping.
D. PAGSASANIB
Pagkakaisa, pagkamalikhain
Industrial arts layout model
E. PAGLALAHAT
Ang mga halamang ornamental ay inihahanda ayon sa makasining na
pamamaraan ng pagtatanim, at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang
pantanim. Ito ay upang makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng bawat
halamang itatanim.

Gumawa muna ng layout ng pagtatanim ng mga halaman puno


upang hindi masayang ang lakas, pera at oras at upang makasiguro na
magiging matagumpay ang pagsasagawa ng simpleng landscaping sa
tahanan o sa paaralan. Ang lupang tataniman ay dapat suriing mabuti
sa ikagaganda ng pagsibol at paglaki ng mga halaman/punong
ornamental.
Ang ikatatagal ng buhay ng mga halamang ornamental ay sa
pamamaraan ng paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng
pagpapatubo ng mga buto, at sangang pantanim at ang maayos na pagaalaga habang ang mga halamang ornamental ay sumisibol at papalaki.
VI. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
a. lupang mabilis lumaki ang mga halaman
b. upang maisakatuparan ang proyekto ng wasto
c. upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito
d. upang maibenta kagad ang mga produkto
2. Aling mga halamang ornamental ang hindi dapat na itinatanim sa harapan o unahan
ng maliliit na halaman?
a. Mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
b. Mga may kulay na halaman
c. Mga maliliit na halaman
d. Mga nabubuhay sa tubig
3. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental?
a. Magkakasing kulay na halaman
b. Magkakauring halaman
c. Magkakasinlaking halaman
d. Lahat ng mga ito
4. Saan maaring magsimula ang itatanim na halamang ornamental?
a. paso at lupa
c. buto at sangang pantanim
b. bunga at dahon
d. wala sa mga ito
5. Alin sa mga halamang ornamental na nakasaad ang lumalaki at yumayabong?
a. Kalachuchi
c. Ilang-ilang
b. Balete
d. Lahat ng mga ito
V. TAKDANG - ARALIN

Magsagawa ng simpleng landscape garden sa loob ng paaralan ang bawat


pangkat upang maipamalas ang napag-aralan

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 11: Pagpaparami ng Halamang Ornamental


I-

1. Naiisa isa ang mga uri ng halamang ornamental na maaaring itanim sa lata o paso
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang
layering/marcotting at pag puputol
3. Naisasagawa ang wastong paraan nang pagpaparami ng halaman sa paraang
layering/marcotting at pagpuputol
II- Pagpaparami ng Halamang Ornamental
Sanggunian: Misosa IV Umuunlad sa paggawa pp. 117-119
Makabuluhang Gawain Pangtahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 114-116
Kagamitan:
budding knife, moss, mother plant, mga larawan
III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Nakakita na ba kayo ng isang halaman na maliit pa pero may bunga at may
namumulaklak na?
B. PAGLALAHAD
1. Paano isinasagawa ang pagpapaugat?
2. Paano isinasagawa ang pagpuputol at pagtatanim sa paso?
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Magpakita kung paano gagawin ang air layering o marcotting
kasabay ng pagpapaliwanag ng mga hakbang nito.
Pagkatapos ng pakitang turo, tumawag na isa o dalawang bata na magpapakita
sa mga kamag-aaral kung paano ginawa ng guro ang air layering o marcotting.
Ipakikita rin ang payak na pagtatanim sa paso sa pamamagitan ng pagpuputol
ng bagong ugat sa parte ng halaman mula sa magulang.
D. PAGSASANIB
Bago simulan ang pagpapakitang turo dapat talakayin ang gawaing
pangkaligatasan lalo na kung gumagamit ng matatalim na kasangkapan.
E. PAGLALAHAT
Maraming paraan ang pagpaparami ng halamang ornamental. Sa bawat
paraan ng pagpaparami ay mayroon kaniya kaniyang hakbang na dapat sundin.
Tandaan na mayroong mga halamang hindi napaparami sa pagpuputol, air
layering o marcotting. Ang iba sa mga halaman ay buto ang gamit sa
pagpaparami nito.
VI. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:


Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungusap at (M) naman kung mali ito.
1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.
2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa isasagawang
marcotting.
3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at galing sa malusog
na bunga.
4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong kemikal ang
butong itatanim.
5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat, pagpupunla,
at pagpuputol.
V. TAKDANG - ARALIN

Magbigay ng mga halimbawa ng halaman na napaparami sa a.


Pagpuputol
b. Air Layering o Marcotting

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 12: Pagpaparami ng Halaman sa Paraang Pagpuputol


I- 1. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol
2. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental sa
paraang pagpuputol
II.Pagpapatubo ng Halamang Ornamental sa Paraang Pagpuputol
Sangunian:
MISOSA IV, V & VI, MGPP 4 & V pp. 117-119
Kagamitan;
kagamitan sa pagpuputol (kutsilyo), sanga o tangkay ng halaman, dahon ng
kataka-taka, paso o plastik bag na may lupa
III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
May nagustuhan na ba kayo ng isang uri ng halaman? Hindi ba gusto mo
itong hawakan at nais na magkaroon ng kasingtulad nito?
B. PAGLALAHAD
Talakayin ang pagpapatubo ng halaman sa paraang pagpuputol
(cuttin1. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol
2. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang
ornamental sa paraang pagpuputol.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Bakit kailangan matutuhan ang paraang pagpuputol at paano isinasagawa
ito?
D. PAGLALAHAT
Ano-ano ang hakbang sa pagpaparami ng halaman sa paraang pagpuputol?
Paano ito isinasagawa?
IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang sumusunod sa pamamaraan ng paglalagay ng T kung tama ang
sinasabi at M kapag mali ito.
1. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko.
2. Gupitin ang mga sanga o tangkay ng pahilis.
3. Itanim ito sa kamang punlaan at pabayaan na lamang.
4. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang pagpuputol.
5. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng halaman.
V. TAKDANG - ARALIN
Magsulat ng 3 mga palatandaan na maaari ng anihin ang mga halamang
ornamental.

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 13: Paraan ng Pagbubungkal ng Lupa


I - a.Naiisa-isa ang mga kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa
b.Nasasabi kung saan ginagamit ang bawat kasangkapan
II. Mga Kagamitan sa Pagbubungkal ng Lupa
Sangunian:
MISOSA IV, V & VI, MGPP 4 & V pp. 117-119
Kagamitan;
kasangkapan sa pagbubungkal
III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Bakit kailangan ang angkop na kagamitan sa paghahanda ng lupa na
pagtataniman? Ano ang maaring mangyari kung ito ay hindi maayos na
naihanda?
B. PAGLALAHAD
Mga bata, sa araw na ito iisa-isahin natin ang tamang kasangkapan sa
pagbubungkal ng lupa.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Ano-ano ang mga kasangkapang mainam gamitin sa
pagbubungkal ng lupa?
2. Saan at paano ginagamit ang bawat isa?
3. Ano-ano ang magiging epekto sa hindi paggamit ng tamang kagamitan
sa paghahanda ng lupang taniman?
D. PAGSASANIB
Science (simple machines) Bakit mahalaga gamitin ang tamang kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa?
E. PAGLALAHAT
Aalamin natin ang mga kasangkapang kailangan sa pagbubungkal ng
halaman at angkop gamitin sa bawat gawain?

IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod: Punanang patlang ng bawat
pangungusap:
1.

ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

2.

ginagamit na pamutol ng mga sanga.

3.

ginagamit pandilig ng halaman.

4.

5.

ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng mga tuyong
dahon at iba pang uri ng basura.
ginagamit sa paglilipat ng lupa.

V. TAKDANG - ARALIN
Ano-ano ang mga uri ng abono at ang paraan ng paglalagay nito?

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 14: Paggawa ng Organikong Pataba ( Composting )


I - a. Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim
b. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagdidilig
c.. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng organikong pataba
II. Masistemang Pangangalaga ng Tanim
Sanggunian:
Kagamitan:

pala, kalaykay, mga tuyo at bagong tabas na dahon ng halaman, abo, apog,
dumi ng mga hayop, iba pang uri ng organikong bosurn sa bakuran.

III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Kayo ba ay may mga alagang halaman sa bahay? Anong pamamaraan ang
inyong ginagawa upang tumubo ng maayos at malusog ang inyong mga halaman?
B. PAGLALAHAD
Iisa-isahin natin ang mga paraan ng pag-aalaga ng pananim at hakbang sa
paggawa ng organikong pataba tulad ng paggawa ng compost.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Ano-ano ang masistemang paraan ng pag-aalaga ng halaman tulad ng
pagdidilig, at paglalagay ng abono?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit o compost
heap? Paano ito isinasagawa?
D. PAGSANIB
Science: Mga mineral na tinataglay ng mga organikong pataba tulad ng mga
bulok na prutas, dahon, dumi ng mga hayop, at iba pa.
(Paggamit ng recycled water)

Maaaring gumamit ng tubig na pinaglabahan pero


siguraduhing wala na itong sabon.
Tubig na pinaghugasan ng bigas
Tubig na pinaghugasan ng gulay at prutas

E. PAGLALAHAT
Mga bata, ano-ano bang mga masistemang pamamaraan sa pag-aalaga ng
halaman? Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit at compost heap.
Paano ba isinasagawa ito?
IV. PAGTATAYA:
Isulat sa sagutang papel ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng pangungusap
at M kung mali.
1. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng halaman.
2. Ang organikong abono ay maaaring makuha sa madaling pamamaraan.
3. Ang halaman ay kailangan bungkalin ng isa o dalawang beses isang linggo.
4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para madaling makita ng
mga tao.
5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi ng mga
hayop, apog o abo, at lupa ang tamang paglalagay sa compost heap/pit.
V. TAKDANG - ARALIN
Magbigay ng paliwanag o opinyon sa sumusunod:
1. Ano ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi
itatapon o susunugin bagkus ito ay pabubulukin at gagawing abono?
2. Ano ang iyong gagawin upang mamulat ang iyong kapitbahay sa
kahalagahan ng paggawa ng compost pit at tamang pagtatapon ng basura?

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 15: Paglalagay ng Abono sa Halaman


I - a. Natatalakay ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman
b. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalagay ng abono sa halaman
II. Paraan ng Paglalagay ng Abono sa Halaman
Sanggunian: MISOSA IV, V & VI
Kagamitan:
III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Sa palagay ninyo, bakit may mga halamang mataba at may halamang
payat? Bakit may malulusog at hindi malulusog?
B. PAGLALAHAD
Sa araw na ito, aalamin natin ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa
halaman.
C. PAGPAPAALIM NG KAALAMAN
1. Bakit kailangan lagyan ng abono ang mga halaman?
2. Papaano ang mga paraan sa paglalagay ng abono?
D. PAGSASANIB (ORGANIKONG PAGTATANIM/PAGSASAKA) Organikong
Pataba - mga patabang walang kemikal: gawa mula
sa mga nabulok na balat ng gulay, prutas, itlog, mga dahon, sanga, dumi ng
hayop at iba pa.
E. PAGLALAHAT
Ano-ano ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman?

IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng
titik T kung tama ang sinasabi at M kung mali.
1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at di-organikong pataba.
2. Ang organikong pataba ay mga abonong galing sa nabulok na prutas, dumi
ng hayop, mga nabulok na dahon at iba pa.
3. Ang abono ay nagdadagdag ng sustansya ng lupa na nagsisilbing pagkain ng
halaman.
4. Mayroon tayong mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman, hand
method, side dressing, foliar spray, broadcasting at topdressing.
5. Ang halaman ay lumalago din kahit walang abono ang lupa.

V. TAKDANG - ARALIN
Ano-ano ang mga uri ng abono/pataba? Magbigay ng tatlong halimbawa
sa bawat uri nito?

Petsa: ________________________________

EPP
12:00 12:50 IV - Bonifacio
12:50 1:40 - IV Rizal

Aralin 16: Paraan ng Paggamit ng Kagamitang Paghahalaman


I - a. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa paghahalaman
b. Naipakikita ang pamamaraan sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim ng halamang
ornamental
II. Mga Kagamitan sa Paghahalaman
Sanggunian: MISOSA IV, V & VI
Kagamitan: asarol, dulos, pala, kalaykay, at iba pa
III .PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Nakakita na ba kayo ng dulos?
Paano o saan kaya maaring gamitin ang dulos?
B.PAGLALAHAD
Mga paraan ng paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim ng
ornamental.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Ano-ano ba ang mga kagamitan na ginagamit sa paghahalaman?
2. Paano ito ginagamit isa- isa?
D. PAGSASANIB
Metalworks: Paggamit ng mga kagamitan yari sa bakal sa pagha- halaman.
E. PAGLALAHAT
Ano-ano ang mga kagamitan sa pagtatanim ng ornamental at paano ito
ginagamit?
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Lagyan ng tsek (a) kung tama ang pangungusap at ekis ( x ) naman kung mali.
Isulat sa patlang.
1. Maaring gumamit ng lata ng gatas at bubutasan ko ito at gagawing
pandilig kapag walang regadera na magamit.
2. Ang dulos ay angkop gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
3. Ang regadera ay ginagamit pangbungkal ng halaman.
4. Ang asarol ay ginagamit pandukal sa lupa.
5. Ang piko naman ay ginagamit upang hukayin at durugin ang lupa.
V. TAKDANG - ARALIN
Pag-aralan ang ibat ibang paraan ng pagpapatubo ng halamanan

You might also like