You are on page 1of 2

Ang makikita natin sa larawan ay ang simbolo ng legalidad ng pagpapakasal ng

may parehong kasarian. Marami na din sa mga bansa ang nag-apruba tungkol sa
pagpapakasal ng may mga magkatulad na kasarian. Hindi rin minsan maiwasan ng
isang taon na magkaroon ng nararamdamn sa pareho niyang kasarian, pero ito
lamang ang nagsisilbing insiprasyon para sa kanya upang magawa niya ang
gustong niyang gawin. Ang nararamdaman mo sa isang tao ay hindi mo rin
maiiwasan dahil may gusto ka sa kanya o di kaya ay iniibig mo siya. Hindi rin natin
sila masisisi dahil iyan ay ang kagustuhan nila at silang dalawa ay nagmamahalan
at wala rin tayong karapatang sirain ang kanilang relasyon sa isat isa.

Alam naman natin na ang pagpapakasal ay isa sa mga banal na sakramento.


Ang legalidad sa pagpapakasal ng magkapareho ang kasarian ay ang pagtanggap
sa mga taong nagmamahal sa katulad nila upang maiwasan ang diskriminasyon o
ang pagtanggap sa mga taong gustong pumasok sa iyong buhay ng walang pagalinlangan dahil sa kanyang kasarian. Hindi din naman nating masisisi kung bakit
ganyan ang isang tao dahil iyan ay gusto niya na maging at alam din natin na
masasaktan siya kapag sinabihan siya ng ibang tao ng masama dahil sa kanyang
kasarian, pero hindi rin yan maiiwasan dahil wala namang taong perpekto at lahat
tayo ay pantay-pantay din sa paningin ng Diyos, kaya wala tayong karapatan na
siraan sila.

RESPETO. Ang respeto ay isa sa mga aspeto na kinakailangan natin sa ating


buhay dahil ang respeto ay mahalaga upang maiwasan ang diskriminasyon at sa
pamamagitan nito, mas napapagaan natin ang kalooban ng isang tao at siya rin ay
mapapasaya natin. Ihambing natin ang respeto sa mga kasal na may magkatulad
na kasarian. Ano kaya kapag walang respeto sa isat-isa? Hindi bat magdudulot ito
ng diskriminasyon at pagkasira ng relasyon ng mga tao? Huwag nating husgahan
ang mga taong nagmamahal sa kanilang kaparehong kasarian dahil wala naman
tayong karapatan na siraan sila dahil silang dalawa ay may nararamdaman sa isatisa. Masasaktan natin sila kapag tayoy manghusga at mawawala na rin ang respeto
natin sa ating kapareho, pati narin sa ating mga sarili dahil makakalimutan na natin
ito kapag may tao tayong pinaghuhugutan at pinapakialaman. Hindi lamang ang
kanilang relasyon ang ating masisira, kundi pati na rin ang buhay nila at ang
kanilang pamilya. Kapag nirerespeto mo ang iyong sarili, ay dapat respituhin mo rin
ang ibang tao, kabilang na ang kanilang kasarian at kagustuhan upang maiwasan

ang diskriminasyon at maipadama sa kanila na kahit ganyan sila ay may halaga o


mahalaga din sila para sa atin at handa tayong tanggapin ang sinumang kumatok
sa ating mga pintuan at pasayahin sila kapag andyan na sila sa kanilang kahinaan
at bigyan sila natin ng lakas. Mahalin natin sila at huwag natin silang abusuhin dahil
sa kanila lamang natin maipapadama ang pagtanggap at maipapakita natin ang
respeto sa kanila.

You might also like

  • RRL
    RRL
    Document1 page
    RRL
    MarvZz Villasis
    No ratings yet
  • Uri
    Uri
    Document2 pages
    Uri
    MarvZz Villasis
    No ratings yet
  • Asdffghh
    Asdffghh
    Document8 pages
    Asdffghh
    MarvZz Villasis
    No ratings yet
  • El Fili
    El Fili
    Document4 pages
    El Fili
    MarvZz Villasis
    No ratings yet