You are on page 1of 3

SATURDAY PRAYER

- 08/08/15

Sa Ngalan ng Ama
O Diyos, akoy ingatan Mo, ingatan ang Iyong lingkod
Ang hangad ko ay maligtas, kaya sa Iyo dumudulog.
Ikay aking Panginon, ang wika ko sa aking Diyos,
Kabutihang tinanggap ko, ay Ikaw ang nagkaloob.
Pinupuri ko si Yahweh na sa akin ay patnubay,
Kahit gabi, diwa Niya sa akiy umaakay.
Nababatid ko na siyay kasama ko oras-oras,
Sa piling Niya, kalian may hindi ako natitinag.
Opo Panginoon, mapalad ang masasabi na kami
ay magtiwala sa Iyo, sapagkat hindi kami mabibigo,
yamang ikaw ay tapat, wagas at dakila. Ang Iyong
kalooban ay pinakamabuti, wagas at dalisay. Wala
kang iniisip kundi ang kabutihan na maidudulot Mo,
Panginoon, sa amin. Nawa makasunod kami sa
kalooban Mo sa pang-araw-araw naming buhay.
Panginoon, nawa bigyan Mo kami ng grasya at lakas
ng loob na maisuko namin ang sariling hangarin
upang kami ay maging karapat-dapat sa pagtanggap
sa pinakamabuting nais Mo, para sa aming lahat.
Panginoon, nawa makamit namin ang kinabukasan
na puno ng pag-asat awa,
pag-ibig at kaligtasan
1

gaya ng pangako Mo sa amin, ang buhay na walang


hanggan. Ang buhay na ganap at kasiya-siya.
Amang nasa langit, ang pagtanggap ng Iyong
Mabuting Balitay nangangahulugan na sa lahat ng
bagay, kailangan naming magsikap sa abot ng aming
makakaya
upang
gawin
ang
mabuti.
Kaya
dumadalangin kaming lahat ngayong gabi sa Iyo
Panginoon, na maging matatag kami sa aming
pinaniniwalaan na manalanging walang humpay, at
magpasalamat sa lahat ng bagay. Sapagkat ito ang
kalooban Mo, Panginoon. Huwag pawiin ang Espiritu,
huwag hamakin ang pagpapahayag. Suriin ang lahat
ng bagay at pipiliin ang mabuti at ilagan o umiwas sa
anumang uri ng masama.
Magagawa natin ang lahat ng ito sa tulong at
gabay ng Banal na Espiritu Santo. Tumayo po tayong
lahat at itaas ang ating mga kamay bilang papuri, as
we sing
SONG Come Holy Spirit
Salamat Banal na Espiritu Santo sa lahat ng
gabay at tulong Mo. Maraming, maraming salamat
Panginoon.

Sa pagkakataong ito Panginoon ay itinataas


namin sa Iyo ang aming komunidad, San Ildefonso
Charismatic Community, nawa patuloy Mong
gabayan at patnubayan upang patuloy din kaming
makapaglingkod sa Iyo ng tapat at totoo. Itinataas
din namin sa Iyo si Sis. Carrie de Leon na patuloy
mong daluyan siya ng kalakasan ng katawan at loob;
ganon din si Sis. Baby Bautista na patuloy Mo siyang
pagalingin mula sa kanyang karamdaman, ganon din
kay Fr. Jonil Lalap, Jessie de Leon, Dionisio de Leon; at
ganon din sa lahat ng elders at members, lahat ng
nandirito ngayong gabi at sa lahat ng aming mga
mahal sa buhay na naiwan sa aming kanya-kanyang
tahanan. Panginoon, nawa tulungan Mo kaming
maunawaan ang magandang aral na makukuha
namin sa gabing ito at maisabuhay namin ito sa
pang-araw-araw naming buhay.
Ang lahat ng ito Ama ay hinihiling namin sa
matamis na pangalan ni Hesus, kasama ng Espiritu
Santo at sa pamamagitan ng ating Inang Mahal na si
Maria, magpasawalang hanggan. Amen.
Glory be (3x)
In the name of the F/S/HS. Amen.
3

You might also like