You are on page 1of 1

OCHOA, Michelle Marie T.

2014-50385
Romance (1999). Mula sa titulo mismo, una kong inakala na magiging pangkaraniwan
ang paglalarawan ng pagmamahal at sekswalidad sa pelikula. Nagsimula ito na parang isang
karaniwang pelikula kung saan ipapakita ang ideal na konsepto ng pagmamahal. Mabilis itong
nagbao nang ipinakilala ang problema, nais angatin ng babae ang kanyang relasyon sa kanyang
kasintahan sa pamamagitan ng sex.
. Sa pelikulang ito, binahagi ang ibat ibang lalim ng sex at paano ito lumilitaw sa
kaugnayan ng babae sa sari-saring uri ng lalaki. Mas malalim ang pagtalakay sa tema ng
sekswalidad, lalung-lalo na sa perspektibo ng isang babae
Habang pinapanood ang pelikula, nagkakaroon ako ng halo-halong emosyon sa
kadahilanang hindi ko alam kung makikiramay ba ako sa pangunahing babae, o kung maawa na
lang ako sa kanya. Paiba-iba ang kanyang iniisip at kanyang ginagawa, sa puntong hindi ko
maintindihan ang takbo ng kanyang utak. Nagbago ang aking panghihinayang sa babae nang
aminin niya sa sarili niya na isa siyang nymphomaniac ngunit hindi maibigay ng kanyang
kasintahan ang kanyang ginugusto.
Tumatak sa isip ko ang pangyayaring ito dahil ang kanyang pagnanais sa isang
makabuluhang relasyon ay hindi madaling makontrol. At imbes na hanapin ang susi sa kanyang
ninanais sa kanyang minamahal, kung saan-saan siyang napadpad at nakahanap ng ibang lalaki.
Nakakaawang isipin na kahit natutupad ang hangad ng kanyang katawan, hindi ito sapat sa
pagpuno ng kanyang puso.
Isa rin sa mga malalakas na emosyon na naramdaman ko habang nanonood ay ang
pagkayamot sa paraan ng pagpapakita ng mismong pagtatalik at kung paano tinatrato ng mga
lalaki ang babae (lalung-lalo na sa ilang mga eksena sa huli). Malakas ang aking karamdaman
ukol sa BDSM, rape (ngunit hindi ito tinaggap bilang rape ayon sa babae), at iba pang mapangabuso na gawain.
Sa aking pananaw, naging matagumpay ang pelikula dahil nga sa paglitaw ng ganitong
klaseng emosyon at pagsindi ng bagong ideya ukol sa sekswalidad. Pinapamalas na hindi lahat
ng sekswal na gawain ay naka-ugat sa pagmamahal sa taong iyong kasama. Magaling yung
pagkagawa ng pelikula sa kadahilanan na pinapakita ang nakatagong katotohanan at realidad sa
sekswalidad at pag-ibig; na hindi lang ideyal na pagmamahal (na ipinapalabas ng karaniwang
panitikan) ang kailangan bigyan tugon sa usaping ito.

You might also like