You are on page 1of 1

Tonio: Nanay, bakit po nais nina Tiyo Mario na doon manirahan sa lungsod?

Aling Nita: Paano, nasisiyahan sila roon. At doon na sila nahirati.

Tonio: Ano po ba ang masaya sa lungsod?

Aling Nita: Marami roong bahay. Maraming tindahan. Maraming pagawaan.


Maraming sinehan.

Tonio: Tayo po naman dito sa lalawigan ay may mga sinehan din. Dalawa pa nga.

Aling Nita: Maraming hanapbuhay sa lungsod. Marami ring, tao. Maraming


sasakyan. At maraming napaglilibangan tulad ng mga parke at mga zoo.

Tonio: Nang pumunta po tayo roon noong isang linggo ay napansin kong
magkakatabi ang mga bahay. Ang mga bata nga po ay sa kalsada na naglalaro. Di
po ba mahirap iyon? Baka sila masagasaan ng mga sasakyan.

Aling Nita: Oo nga, ngunit ang mga pinsan mo ay pinagsasabihan naman ng


kanilang mga magulang na mag-ingat at huwag ngang maglaro sa mga dinaraanan
ng mga sasakyan.

Tonio: Sana y dito na rin sila manirahan na kasama natin. Tahimik dito, malamig
ang simoy ng hangin, sariwa ang mga pagkain at walang alikabok.

Aling Nita: Hayaan mot kapag nakausap natin sila ay ating hihimukin na bumalik na
uli sila sa bukid.

You might also like