You are on page 1of 2

MADALAS ka bang managinip? Ano ba ang madalas mong mapanaginipan? Nakakatakot ba?

Masaya ba? Ano man ito, sinasabing ito ay signal na ibig sabihin ay ang subconscious mind ng tao
ay may gustong ipaabot na mensahe.
Ang panaginip ay isang natural na pangyayari sa isang tao. Ayon sa mga naitala, ang panaginip ay
isang succession ng mga imahe, tunog o damdamin na nararanasan ng ating isip habang tayo ay
natutulog?
Ang mga laman ng ating panaginip ay walang ganap na kapaliwanagan, kaya ang usaping ito ay
pinagdedebatehan at talagang isa sa mga interested topic sa buong mundo na nakasaad sa
kasaysayan ng tao. Ang pag-aaral sa mga panaginip ay tinatawag na oneirology.
Bangungot ang tawag sa panaginip kapag ito ay isang masamang panaginip.
Alam ninyo ba kung ano ang sampung pinakamadalas mapanaginipan ng mga tao? Narito ang
sampung pinakamadalas na mapaginipan ng tao at ang kanilang maaaaring naging sanhi;
1. Hinahabol- Sa ganitong panaginip, karaniwang hinahabol ang nanaginip ng tao, hayop, mga
kakaiba at nakakatakot na nilalang. Nagsisilbing wake up call daw ang ganitong panaginip. Maaari
raw kasing ikaw ay may isang bagay na hindi mo maamin sa iyong sarili. Ang mga elementong
humahabol sayo gaya ng tao o hayop ay siyang nagre-represent ng mga bagay na hindi mo
matanggap. At ang mga negatibong enerhiya at masasamang nilalang ay sumasalamin sa mga
bagay o aral na dapat mong matutunan.
2. Nalulunod- Ang ganitong panaginip ay sumasalamin sa parte ng iyong buhay na iyong iniiwasan o
hindi makasanayan. Minsan din daw ito ay babala na may mangyayaring hindi maganda.
3. Na-trap Kapag nanaginip na na-trap sa isang lugar ito ay maaaring ikabit sa iyong kasalukuyang
sitwasyon o pangyayari na hindi mo makasanayan o pakiramdam mo ay wala kang magawa kundi
ang sundin ito. Wala kang choice kundi gawin at tanggapin. Dapat na matuto kang tumanggap ng
mga possibilities at pagbabago. Ipinapayo na ito ay i-open up sa isang pinagkakatiwalaang tao.
4. Iniiwan ng minamahal o diborsyo- Ikaw ay may mga insecurities o may kinalaman sa inyong
kasalukuyang estado ng relasyon ng iyong minamahal. Maaaring hindi ka kontento sa iyong partner
o sa nangyayari sa inyong relasyon. Minsan dapat daw na matutunan na huwag iaasa ang
kaligayahan sa iyong partner, kundi dapat kayo ay magbigayan. Dapat tanggapin ang ilang mga
bagay-bagay sa inyong relasyon kung hindi man ito ayon sa iyong ninanais.
5. Nasugatan o nasaktan- Kung ganito ang iyong panaginip dapat bigyan pansin ang parte ng
katawan na nasugatan at nasaktan. Ang ulo ay kumakatawan sa iyong kabuuan, ang mga kamay
sumasalamin sa kung paano mo patakbuhin ang iyong buhay. Ang mga paa ay katumabas ng kung
ano ang sumosoporta sa iyo. Ipanapayo na tanungin ang sarili kung ikaw ay may napababayaan na
sa iyong buhay. Tandaan, unahin ang iyong mga prayoridad.
6. Nububungi o nalalagas ang mga ngipin Maraming tao ang nanaginip na tungkol dito. Ito daw ay
sumisimbolo sa pagkakaroon ng problema sa pagpili ng bagay o desisyon. Pakiramdam mo ay
nahihirapan kang makipagkomunikasyon sa mga tao tungkol sa iyong saloobin at hindi
makapagsalita sa harap ng maraming tao. Ikaw din daw ay nagdududa sa kakayahang alagaan ang
sarili. Sa mga pamahiin naman ito daw ay isang babala na may papanaw.

7. Nakahubad sa harap ng maraming tao- Panaginip na nakahubad sa harap ng publiko ngunit tila
walang nakapapansin? Ibig sabihin nito ay ikaw ay may mababang pagtingin sa sarili. Pakiramdam
mo ikaw ay mahina sa paningin ng ibang tao. Kulang ka ng kumpiyansa sa sarili. Ang ganitong
panaginip ay common sa mga reserved na taong may mataas na pamantayan. Mag-praktis ng mga
bagay na makatutulong na tumaas ang self confident.
8. Naiwan ng sasakyan gaya ng eroplano at iba pa- Kadalasan daw itong mapanaginipan kapag ang
tao ay may importanteng desisyon na gagawin dahil pakiramdam mo ay hindi ka pa handa o
talagang hindi ka pa handa. Puwede ring ikaw ay may nakaligtaang gawin o napalagpas na
opurtunidad.
9. Dinalaw ng patay- Ito ay dapat na hindi katakutan gaya sa mga pamahiin. Ipinapakita lamang daw
sa ganitong panaginip ang konsepto ng pagmamahalan na nagbibigkis sa mga tao, buhay man o
namayapa na.
10. Mga natural na sakuna- Pananaginip ng bagyo, tsunami, tornado o lindol ay nagpapahiwatig na
may isang mala-dramang pagbabago sa iyong buhay na hindi bahagi ng mga bagay na
nakasanayang gawain. Ibig sabihin nito ay dapat mong tanggapain ang mga malalaking
pagbabagong maaaring maganap.
Kung nakakahiya o pangit man ang mga panaginip ay hindi ito dapat katakutan bagkus ay tanggapin
at baka ito ay makatulong na palakasin ka sa pagharap sa mga problemang iyong kinakaharap.

nglugarnagustokongpuntahansaPilipinasay
Boracay.PumuntaakosaBoracaynoonghuling
taglamigatgustonggustokoito!Napakagandadoon!
Angbuhanginayputiatmalambot,atangtubigay
malinawatmainit.Maramingmasayangmagagawadoon.
PagkapupuntaakosaBoracay,magsuswimming,
magsosnorkeling,atmagtatanningako.Napakabait
atmagiliwrinangmgatao.PupuntaakosaBoracay
sawinterbreakdahilhindimasikipathindi
gaanongmainit.AngayawkolangsaBoracayay
walangJollibee.

You might also like