Professional Documents
Culture Documents
By Nover N. Denoy Si Mila at Ang Nuno
By Nover N. Denoy Si Mila at Ang Nuno
Nag-lalaro si Mila sa bakuran ng kanilang bahay isang hapon na iyon. Kahit mag-isa lamang siya
at walang kalaro masaya pa rin siya. Wala kasi siyang kapatid na pwede nyang makalaro at
makasaya. Subalit sabi ng kanyang ina ay hindi na siya mag kakaroon ng kapatid dahil wala na
siyang ama. Ang ama niya ay pumanaw noong siya ay sanggol pa lamang. Inatake daw ito ng
mabangis na hayop kaya hindi na niya ito naabutan ng siya ay lumalaki na.
Tanging ang mga halaman at hayop na alaga nila ang mga nakakalaro niya araw-araw. Arawaraw din ay nag umaalis ang kanyang ina para magtrbaho sa bayan. Tanging siya lamang ang
naiiwan na mag-isa sa kanilang bahay para mag bantay at mag asikaso dito. Nakatira sila sa gitna
ng kabundukan, madalang ang mga bahay pati na rin ang mga tao na naninirahan doon.
"Mila anak, huwag na huwag kang lalabas ng ating bakuran kapag umaalis ako. At huwag kang
pupunta sa mataas na bahagi ng kabundukan marami kasing hayop na mababangis ang nandoon
at baka saktan ka nila."
Laging paalala ng kanyang ina bago ito umalis. Ng hapong habang siya ay nakaupo sa harap ay
isang maliit na boses ang kanyang narinig galing sa mga halaman na nasa harapan niya. Dahil sa
murang isip niya, hinanap niya ang maliit na boses na nag salita at tumawag sa pangalan niya.
Hinawi niya ang mga halaman na nandoon at nagsimulang igala ang kanyang paningin. Bigala
siyang napaatras ng bumungad sa kanya ang isang maliit na taong kasinlaki lamang ng kanyang
hintuturong daliri sa kamay. Naksuot ito ng kulay pulang maliit na damit, maliit na kulang itim
na sapatos, at maliit na sumbrerong matulis sa dulo na kulay pula din.
"Wag kang matakot. Ako si Berto"
Wika ng maliit na nilalang sa kanyang harapan.
"Ako ay matagal ng nag babantay sa iyo dito, lgi kita pinapanuod habang ikaw ay nag lalaro. "
Dugtong pa nito.
Imbis na matakot ang bata. Ay hinarap nya pa ito. Inuri niya na parang tumitingin ng isang di
kilalang maliit na bagay.
"Ako si Mila. sampung taong gulang."
"Kilala na kita. Matagal na kitang kilala. Subalit ako ngayon mo lang ako nakilala, dahil ngayon
lang ako nagpakita sa iyo. Ako ay isang nuno. Naawa kasi ako sa iyo. Wala kang kalaro. Nais ko
sanang makipag laro sa iyo."
Nakangiting wika ng nuno.
"Sabi ng nanay ko wag daw akong makipag usap sa mga estranghero. Baka daw kasi
mapahamak ako kung hindi ko kilala ang tao."
"Subalit hindi naman ako isang estranghero. Matagal na kitang kakilala. Kahit ako ay ngayon mo
lamang nakilala. "
Naglaro ang bata kasama ang nuno. Tuwang-tuwa siya habang ang maliit na tao ay nag kukwento sa kanya ng mga nakakatawang bagay, Nagtatalon talon ito sa harapan niya at umaarteng
gaya ng isang artista sa entablado. Natapos ang araw na iyon ni Mila na masaya, nag karoon siya
ng bagong kaibigan at kalaro. Ilang saglit pa'y dumating na ang kanyang ina, sinalubong niya ito
at sabay humalik sa kamay. Ganoon lamang ang kanilang buhay sa araw-araw ng dumadaan sa
kanila.
Kinabukasan ay maagang nagising ang ina ni Mila para mag-luto ng kanilang agahan sa
umagang iyon. Maaga kasing aalis ito paara mag punta sa bayan at maghanap buhay muli.
Ginising na nito si Mila at sabay na silang kumain sa hapag. Ilang saglit pay nag paalam na ito sa
kanya at lumakad na. Maya-maya'y sumulpot si Berto sa kanyang harapan. Nakangiti ito at
nakatingin sa kanya.
"Kamusta ka Mila. ? Halika't bilisan mong kumain. Maglaro na tayo sa labasan. "
"Naku mag lilinis pa ako ng bahay, binilin nya kasi iyon sa akin. Bago daw ako mag-laro, huwag
ko daw kakalimutan ang binilin nya. "
"Naku! Mamaya kana mag linis. Dapat ang ginagawa mo ay nag lalaro lamang. Maglaro ng
maglaro.!"
Sambit ng nuno sa kanya.
"Halika na Mila. Bahala ka mamaya aalis na ako at wala kang makakalaro. Pupunta ako sa taas
ng bundok para duon mag-hanap ng ibang kalaro. "
Sa pagpupumilit'y napapayag din nito ang bata. Hangggang sa mawaglit na dito ang mga bilin ng
kanyang ina. Naglaro sila ng naglaro . Tuwang-tuwa si Mila, hanggang mag salita ang nuno sa
kanya.
"Halika Mila sumama ka sa akin."
Anyaya nito.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa lugar namin. Duon tayo mag lalaro maraming pwedeng laruin doon. Marami pa tayong
makakalaro."
"Naku hindi pwede. Huwag daw akong aalis sa kulob namin sabi ni inay sakin. "
Iyak niya
"HAHAHA! Hindi kana makakauwi iniwan kana ng ina mo! "
"Hindi totoo iyan.! Babalikan nya ako huhuhu!"
Tuwang tuwa ang mailiit na nilalang habang ang batang si Mila ay iyak ng iyak.
Isang boses ang narinig ng lahat mula sa itaas ng punso ang nakapg pagimbal sa lahat ng nuno.
Isa kasi sambit ang isinasagawa nito. Para silang sinaksaktan sa bawat salita na kanilang
naririnig. Ilang saglit pa'y nawalan ng malay ang bata. Hindi na niya alam ang mga sumunod na
pangyayari.
Nagising si Mila sa sa kanlungan ng kanyang ina, sa tabi nito ay si Mang Tino ang kilalang
albularyo sa kanilang lugar. Ito pala ang tumulong sa kanya mula sa punso. Yumakap siya sa
kanyang ina.
"Hindi ko na po uulitin ina. Hindi na ako sasama sa hindi ko kakilala. Susundin ko na ulit ang
bil;in ninyo sa akin."
Niyakap siya nito at nagpasalamat sa matandang tumulong sa kanila.
At mag mula noon hindi na nag pakita ang maliit na nilalang sa kanya. Lumipat na rin ng bahay
sila Mila sa bayan kung saan nakatira ang kanyang lola. Ito na ang mag babanaty sa kanya
habang wala ang kanyang ina.