You are on page 1of 16

Ang Kawayan

Ni: Jesm Agapito


Ako ay isang kawayan
Puno ng katahimikan
Tingin nyo ay walang kwenta
Walang pagsubok na kaya.
Isa ngang mahinang puno
Yan ang nasa isip niyo
Kahit mahinang hangin
Kaya akong patumbahin.
Pero kahit anuman yan
Mga pagsubok na dadaan
Ipapakita sa inyo
Lahat ay kakayanin ko.
Sapagkat sa aking anyo
Alanm ko na kaya ko
Ipapakita ko sa inyo
Matatag na puno ako

Matatag din ako


Ni: Catherine Fregillana

Malayo ang mararating,


Ng mga taong magiting,
Kagitingay panaigin
Upang ibay paibigin.
Kapaligiran ay likas,
Ngunit Narray nakabagtas,
Toy mataas at matikas,
Narrat koy magkasinlakas.
Narray subok din sa unos,
Sa mga tulong ng Diyos,
Unos ay napagdaanan,
Bumangon ang sambayanan.
Pangarap ay maaabot,
Kahit buhay y masalimuot,
Handang sumuwayt malagot
Ang iba ay malimot..

Ang Puno ng Narra


Ni: Regine Ubongen
Kung akoy papipiliin,
Narra aking gugustuhin,
Ditoy masarap ang
hangin,
Lalo na pag lalanghapin.
Puno na sobrang
matangkad,
Dahon nito ay matangkad,
Ibon ditto ay napadpad,
Tila hindi makalipad.
Puno na to sobrang lakas,
Para sa bagyong malakas,
Kabilang sa yamang likas,

Dahon ay pumapagaspas.
Sisibol Din
Ni: Jonabelle Catolico

Kung akoy papipiliin


Punong Sakura ang hiling
Di alam bakit nabaling
Ang mapanuring paningin.
Lumalagot nagbabago
Kagaya ng bawat tao
Saan ka man doon, dito
Saan man panig ng mundo.
Nalalanta man kong minsan
Di umuurong sa laban
Lagi ngang maaasahan
Mabuti ngang kaibigan.
Sa panahong sumibol sya
Matutuklasan ang ganda

Sa kanya lang makikita


Iisat wala sa iba..
Ang Acacia
Ni: Dustin Mark Cabote
Akoy puno ng Acacia
Laging may bitbit na grasya.
Lagi ay namumulaklak
Bitbit ay sigla at galak.
Maliit man kung turingin
Sa huliy hahangaan rin.
Tagtuyot ay nalampasan
Ang sarili ay napasan.
Kung simbolo n gating buhay
Siya nga ay laging gabay.
Upang tayoy magtumibay
Sana tayoy makasabay.
Kung ang tao ay mahina
Tularan siya tuwina
Kapalaran ay sisigla
Buhay mo ay lalawig pa.

sisibol din
Ni: Jonabelle Catolico
Minsan ang ato ay di maintindihan,
pabago-bago ng nararamdaman. Para sa
akin ako ay isang SAKURA, nagiiba
tumitibay sa mundo. Nagbabago ang
katangian dahil sa ginagawa ng iba sa paligid
ko. Maaaring mawalan ngunit sisibol din.
Kahit anung mangyari kinakaya ng sa ganon
ay lumakit gumanda.
Nalalanta kung minsan o kaya namay
lumalago kagaya ng iba. Di man maiwasang
matabunan, hinaharap pa rin at di umuurong
sa laban. Namumulaklak at mapapahanga
ang ibat matutuklasan ang natatagong
katangiang naiiba. Madaling magpahalaga sa
iba at ang mga mahalagang bagay na
nagbibigay inspirasyon sa sarili. Kahit na
maliit at wala pang kakayahang mamulaklak,
ginagawa at pinagbubuti.
Sumasayaw dahil masaya kasama ang
hanging umiihip at kumakanta. Hindi bat
ang saya? Nagbibigay ng lilim sa iba at

sariwang hangin sa kanila. Sinusuportahan


ang ibang makabangon at may kaibigang
maaasahan. Pero ang pinakagusto ko ay ang
pahalagahan ang katangian na nagiiisa at
wala sa iba.
Ang Puno, sa Buhay ko
Ni: Dustin Cabote
Maraming mga bagay ang sumisimbul sa
ating buhay. Inihahambing ito sa mga
pangyayari na umuukit sa ating pagkatao.
Humuhubog sa ating sarili upang tayo ay mas
tumibay sa mga pagsubok na dumarating sa
atin. Bilang isang mag-aaral maihahambing
ko ang aking sarili sa isang puno. Ito ay ang
puno ng acacia.
Ang acacia ay isang punona lumaki kahit
sa alinmang uri ng lugar. Matibay ang paglaki
nito sa lupa. Pinipilit na mamulaklak ng
maganda upang ito ay maging kaakit-akit.
Bagamat bumibigay din ito dahil sa malakas
na hangin o kapag may bagyo. Ngunit kahit
sa matitinding kalamidad na nagpapasira sa
punong ito, pinipilit nyang maging matatag
upang mapalago pa ang kanyang sarili.
Ganyan din ako, maaaring ako ay mahina
pa at di ko pa kayang pantayan ang
kakayahan ng iba ngunit pinipilit kong
mamulaklak upang kahit papaano ay may

maipakita ko sa kanila. Maliit mang


maituturing sa simula, ipapakita ko na kaya
kong maging matibay. Pag-ulan, matinding
init o tag-lamig tatayo pa rin ako kahit kalian.
Mga pagsubok sa aking buhay na pinipilit
akong mapabagsak ay hindi ako susuko. Dahil
alam ko andyan, ang mga tao na tumutulong
sa akin upang akoy makapagsimula uli.

Mga mahalagang tao sa


buhay ko..
Ni: jennilyn romero
Nang akoy nabuhay
Ang nanay at tatay
Ang syang gumabay
Lahat ay binigay
Sila ang takbuhan

At syang sandigan
Akin nang kaylangan
Syang maasahan
Mundo koy binago
Maging ang isip ko
Kasama ko kayo
Dito sa puso ko
Mahal na Ina
Ni: April Lyn Samaniego
Siyay gumagabay
Sa hakbang ng buhay
Tayoy sinasanay
Pag siyay mawalay
Lahat ibibigay
Maging kanyang buhay

Pagmamahal nyay
Puro habang buhay
Nilagyan ng kulay
Itong aking buhay
Pag-ibig mi inay
Ay walang kapantay.
Ang aking Ina
Ni: Angie lyn Viernes
Mahal ko si Ina
Siyay nag-aruga
Nagmahal talaga
Mula pagkabata
Sa mga problema
Sandigan ang Ina
Sa bihin sa kanya
Pakikinggan nya

Ikay inaruga
Binantayan ka nya
Bilang sukli niya
Alagaan rin sya
Ang aking magulang
Ni: arlorie mai galang
Nang akoy Makita
Sila ay sumaya
Akoy inaruga
Mula pagkabata
Mga kagustuhan
Agad ay makamtan
Mga kakulangan
Kanilang pinunan
Dahil lang sa inyo
Kaya maririto
Ang aking saludo
Sa inyoy pasado
Ang magulang ko
Ni: Gian Carlo Cortez

Buhay koy masaya


Pag silay kasama
Nagbigay pag-asa
Sa mga problema
Silay nag-alaga
Nung akoy bata
Binigyan ng kalinga
At pag-aaruga
Lahat na ng bagay
Sakiy binigay
Pati na ang buhay
Sakiy inialay
Maraming salamat
Sa kanilang lahat
Kahit kamiy salat
Pag-alagay sapat

Palikuran sa NEHS

Maraming estudyante ang napapasimangot dahil sa


masangsang na amoy. Ito ay ang umaalingasaw hanggang
sa labas. Wala kasing disiplina ang mga estudyante kaya
sila rin ang napeperwisyo.
Kurakot teacherz.
May mga teachers na ginagawang negosyo ang
pangungurakot. Ang mga ginagastos nya ay papatungan
ng tubo bago singilin sa estudyante. Maging sa mga
pinababayaran ay nilalagyan ng patong para mayroon
silang komisyon.
Negosyanteng teachers
May mga teachers na nagbebenta ng pagkain sa
oras ng klase nila. Minamahalan pa nila ang benta para
mas malaki ang tubo nila. Napipilitan namang bumili ang
mga estudyante dahil nilalagyan ng plus sa quiz.

Tubig mula sa langit


Araw ay nasaan? Araw na dalay siglat hudyat ang
isang bagong pag-asa. Tinakpan ng makakapal at maiitin

na ulap sa kalangitan. Araw ikay magpakita sapagkat nais


koy pag-asa.
Sa bawat malaking patak ng ulan kasabay nitoy
hanging mahalumigmig.kasabay nitoy pinsala sa inang
kalikasan. Dahil sa bagyaong hated ay puot at galit dulot
nitoy perwisyo sa bawat isa sa atin. Kidlat at pagkulog
kasabay ng mga punong nasisira na naghihirap mapatubo
lamang ang sanga at dahon nito. Ngunit ang pag-ulay may
dulot ding biyaya sa bawat punong tuyo sa buong tagaraw, tubig mula sa langit hatid ay basbas na may halong
siglat bagong buhay.
Ulan ay ano nga ba ang mensaheng sa atiy nais
ipabatid? Patak ng ulay may saloobing nais ibapatid na
sa bawat isa sa atiy dapat pag-ukulan ng pansin.

Sino ka nga bang talaga?


Ang buhay ay sadyang tila isang alon na
walang may alam kung saan lamang ang

hangganan. Subalit kung ang puso moy mapunan


ng galit at pagkamuhi nanaisin mo na lamang
lisanin ang mundong ito. Sa aking buhay, sadyang
napakaraming katanungan sa isip koy laging
naroon. Paano, kalian, saan, sino at ano? Kalian
tayo magkikita? Ano ang tunay na misyon mo sa
buhay ko? Sino ka bang talaga? Hindi lahat ng
katanungan iyay may kasagutan. Ang kasagutan
ng mga itoy maaaring hindi ngayon, bukas ngunit
sa takdang panahon.
Ngunit sino ka nga bang tunay? Ikaw ay
palaging nariyan, kahit anumang oras at panahon
ng pangangailangan tuon lamang kayo sa amin.
Paano nilang hindi masasabing wala ng hihigit pa
sa iyo. Kung ikaw ay tagahilom sa bawat sugat na
nagdurugo. Ang pakikipagusap sa iyoy magbibigay
gaan sa aking kalooban, lungkot at pag-durusa ay
sadyang limot ko sapagkat pakiramdam koy lagi
akong nasa tabi mo. O Diyos na makapangyarihan
ikay aking ama at kaibigan na mananatiling bahagi
sa bawat agos ng buhay ko.

Ang buhay marupok, malikot.


Bakit sa bawat takbo at agos sa buhay natin
napipilitan na lamang tayong makisabay, sapagkat
may mga desisyon tayo na hindi natin
nauunawaan? Ang buhay ay pinunan ng suliranin at
unos na kung saan ay lubos na sinusubok ang
katatagan ng bawat isa sa atin. Sa bawat araw na
lumilipas na lagi nating pasan sa ating likod ating
problema ay hindi maiiwasan na tayoy nawawalan
na ng pag-asa. Ngunit may mga bagay rin naman
tayong natututunan mula sa kahapong puno ng
pagsubok na lubhang sa mata natiy nagpaluha,
mga pagkakamali na nais nating itama.
Ang buhay ay tila isang kubo, marupok na sa
bawat suliraning dumarating at bagyo ng buhay, ay
wala tayong kasiguraduhan kung itoy mananatiling
matibay at matatag. Nakikisabay sa agos at ihip ng
buhay. Aminin man nat

You might also like