You are on page 1of 2

ORTIZ, Patricia Mae O.

2014-36447
Socio 171 WFV
REFLECTION PAPER: SHAPES OF CRIMSON by EJ Mijares

Ipinakita sa pelikula ang kwento ng buhay ni Bonifacio Ilagan. Narito ang kanyang mga
naging sakripisyo para sa ating bayan at kung paano siya nakaligtas sa pang-aabuso at pag-antala
ng military sa kanya noong ika-70 dekada.
Nabanggit niya sa pelikula na noong bago pa siya pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, pinagsabihan na siya ng matatanda sa kanya na mag-ingat siya dahil mga komunista o
mas kilala sa tawag na aktibista o tibak ang mga taong nag-aaral doon. Ngunit hindi ito
naging hadlang para sa kagustuhan niyang pagsilbihan ang ating bayan, lalong lalo na para
ipagtanggol ang karapatan ng bawat kabataang Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin
siyang nakikibaka.
Bago pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas, ako rin ay napagsabihan ng aking mga
magulang, mga tito at tita na mag-ingat ako sa mga aktibista dahil daw masasama silang tao at
iwasan ang pagsali sa mga rally dahil hindi raw ito maganda. Paulit-ulit nila itong sinasabi sa
akin. Hindi ko maiwasang mainis sa kanila. Bakit kinakalaban niyo pa ang gobyerno? Sila na
nga ang nagpapaaral sa inyo, kayo pa ang kumakalaban sa kanila, ani ng isa kong kamag-anak.
Kung nasa posisyon kaya sila naming mga iskolar ng bayan, papayag kaya silang maapi ng ating
tiwaling mga opisyal ng gobyerno at bulok na sistema ng UP? Sana sila ay mamulat na sa

katotohanan! Sa kasalukuyang estado ng ating lipunan, lahat tayo ay may rason para ipaglaban
ang ating mga karapatan laban sa imperyalismo at kapitalismo.
Dahil sa pelikulang ito, ako ngayon ay naniniwalang tayo ay magkakaroon ng
magandang kinabukasan sa pamamagitan ng patuloy na pagsulong ng laban sa mga mapang-api.
Dahil sa pelikulang ito, maitatanong mo sa sarili mo, Mag mamaang maangan pa ba ako? Ano
ang maitutulong ko para sa aking bayan?

You might also like