You are on page 1of 2

Kristine Magilene Cruz

NME3

Pinagmulan at paglago ng Bench

Mula sa maliit na simula nang pagbebenta ng T-shirt, lumago ang kumpanya


sa pagbebenta ng maraming produkto at serbisyo. Kabilang na dito
ang Bench Fix Salon para sa mga produkto at serbisyo sa buhok, ang linya
ng Prescribe, Bench Brats, linya ng mga produktong pang-teenager, Bench
Body and Bath na may mga produktong pampaligo at pabango, at
ang HerBench na isang kumpletong linya ng mga produktong pambabae.
Kahati niya ang kanyang bayaw na si Virgilio Lim sa pamamahala sa
kumpanya. Si Lim ang nagpapatakbo ng mga sistema at operasyon, habang
ang kapatid niyang si Nenita Lim ang humahawak sa pananalapi. Si Ben
naman ang nakatuon sa mga gawaing malikhain at pagdidisenyo.

Noong 2004, binuksan ang unang Bench sa labas ng Pilipinas. Ito ay sa AlKhobar, Saudi Arabia, at hindi nagtagal ay nasundan ng isa pa sa Shanghai,
China. Ng sumunod na taon, isa pang Bench ang itinayo sa Kuwait. Noong
1997, sinimulan nito ang kauna-unahang underwear show sa Pilipinas.
Nagtala ito ng record noong 2002 dahil sa humigit-kumulang na 25,000
katao na nanood ng nasabing palabas.
Sa ika-20 taon na anibersaryo ng Bench noong 2007, ilang establisimyento
pa ang itinayo sa Eaglerock, Los Angeles, Riyadh, Saudi Arabia, Bahrain,
Guangzhou, Xian, at Dubai, sa pagtahak nito sa global retailing. Tsina pa rin
ang nananatiling sentro ng internasyonal na pamilihan ng Bench na
mayroong mahigit sa 27 tindahan at 19 prangkisa.

You might also like