Ako si ____________________, may sapat na gulang, may asawa, ay nangungupahan
sa bahay nina DANILO T. LONTIONG at JOCELYN R. LONTIONG na matatagpuan sa B-25 Lot 3 Milky Way St., Phase III-4 Palmera Northwinds Kaypian, CSJDM, Bulacan ay sumasang-ayon sa mga patakaran at kasunduan na nakasaad sa kasulatang ito. 1. Na kami ng pamilya ko (asawa, tatlong anak) ay maninirahan sa kanilang bahay sa loob ng (6) buwan. Ito ay maaring palawigin sa sumusunod pang mga buwan/taon ayon sa mapagkasunduan naming. 2. Na magbabayad ako ng dalawang (2) buwang deposito __________ at isang (1) buwang paunang bayad __________ na may kabuuang __________ simula __________. 3. Na ang halagang __________ na deposito ay hindi maaring ibayad, ikaltas, ibawas, gamitin o hiramin para ibayad sa buwanang upa sa bahay. 4. Na ang halagang __________ na deposito ay ibabalik na buo sa amin sa huling araw ng pagtira naming sa bahay nila. Sa halagang ito rin ay babawasan ang huling kunsumo ng kuryente at tubig at mga nasirang bahagi ng bahay sa loob ng pagtira naming kung mayroon man. 5. Na kada-buwan babayaran naming ang aming kunsumo sa tubig at ilaw ibibigay ang mga resibo ng pinag bayaran kina G. at Gng. Danilo T. Lontiong. 6. Na kada ika-__ ng buwan ay babayaran naming ang halagang __________ bilang upa sa bahay. 7. Na bibigyan kami ng limang (5) araw na palugit kung di kami makabayad ng upa sa bahay sa takdang araw. 8. Na pangangalagaan namin ang kaayusan at kalinisan ng kabuuang bahay tulad ng salamin sa bintana, pintuan, cabinet at koneksyon ng ilaw at tubig, door knob at lababo. 9. Na isasangguni muna naming kina G. at Gng. Danilo T. Lontiong kung nais naming baguhin o ayusin ang ilang bahay ng bahay. Anumang halaga na gagamitin o gugulin ay di naming maaring ibawas sa buwanang upa o renta. 10.Na ang lahat ng nakasaad dito sa kasulatan ng kasunduan ay mapapawalangbisa kung magkakasundo na dalawang (2) buwan ay di kami makabayad ng upa/renta sa bahay. 11.Na ang nasabing (2) buwang deposito ay kailangang gamitin o ibayad bago lumipat sa bahay na titirahan.