You are on page 1of 2

Si Sir Isaac Newton, PRS (25 Disyembre 1642 (OS) 20 Marso 1727 (OS) / 4

Enero 1643 (NS) 31 Marso 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko,
astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng
karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa kasaysayan ng
agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng
heliosentrismo.
Ang kanyang monograpong Philosophi Naturalis Principia Mathematica na
inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng
mekanikang klasiko. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na
grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang
nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong
siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga
obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang pangkalawakan ay
pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga
planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng
pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw)
at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na
isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.
Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa kredito at
karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang
binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng
isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.
Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami
tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at
matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo
dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.

SIR ISAAC NEWTON

You might also like